LOOK: Gregg Homan at Angelica Panganiban ikinasal na!

Ang kanilang kasal ginanap bago mag-2024 sa L.A. California.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gregg Homan at Angelica Panganiban wedding ginanap isang araw bago pumasok ang bagong taon. Tingnan dito ang mga special moments sa kanilang kasal.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Gregg Homan and Angelica Panganiban wedding.
  • Reaksyon ng mga malalapit na kaibigan ni Angelica sa naging wedding nila ni Gregg.

Gregg Homan and Angelica Panganiban wedding

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Ikinasal na sina Gregg Homan at Angelica Panganiban. Ang kasal ay ginanap sa Los Angeles, California na sinaksihan ng pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa. Present syempre sa kanilang kasal ang anak nilang si Amila o Baby Bean.

Naging malaking sorpresa para sa mga taga-hanga ng dalawa ang kanilang wedding. Dahil si Angelica, hindi nagbahagi ng kahit anumang detalye ng kanilang kasal. Kaya naman bago pumasok ang 2024 ay marami ang nabigla ngunit labis na masaya sa pag-iisang dibdib nila.

Nagbahagi ng mga larawan ng kanilang naging kasal si Angelica sa kaniyang Instagram account. Kalakip nito ang pagbati ng aktres ng maligayang bagong taon sa kaniyang mga followers.

“123123

Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal pa rin ang kakapitan.

Maligayang bagong taon – Mrs Angelica Panganiban Homan ❤️.”

Ito ang caption ng post ni Angelica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Reaksyon ng mga malalapit na kaibigan ni Angelica sa naging wedding nila ni Gregg

Samantala, makikita rin sa iG post ng malalapit niyang kaibigan tulad nina Kim Chui, Bela Padilla at Direk Andoy Ranay ang ilang tagpo sa kasal nila Gregg at Angelica. May kaniya-kaniyang reaksyon din sila sa naging kasal ng kanilang malapit na kaibigan.

“12-31-23 Witnessed a love that is everlasting, love that comes in perfect timing, love that is unconditional, and love that deserves to be felt by one another.❤️ Congratulations momsy @iamangelicap and @gregg_homan 🥰🥰🥰

I felt blessed to witness this beautiful ceremony. 🥹 I can’t miss this!☺️ Love you, Momsy Angge! Thank you, @gregg_homan for loving our momsy.❤️ alagaan mo ang momsy namin forever!🥰”

Ito ang reaksyon ni Kim Chui sa naging kasal ni Gregg at Angelica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pag-ibig … Pag-ibig… Pag-ibig pa rin. Muli akong naniwala sa pag-ibig dahil sa inyo. Maraming salamat. Mahal na mahal ko ang pamilyang ito. ♥️♥️♥️🥂🥂”

Ito naman ang reaksyon ni Direk Andoy Ranay na nagpost ng isang picture niya kasama ang munting pamilya ni Gregg at Angelica.

Larawan mula sa Instagram account ni Bela Padilla

Si Bela Padilla may kasamang makahulugang quote ang post tungkol sa kasal ni Angelica na sinundan ng pagbati niya sa bagong kasal.

“The drought is over ❤️

Congratulations, Mr. and Mrs. Homan. The best day ever 🥹.”

Ito ang sabi ni Bea tungkol sa naging Gregg Homan at Angelica Panganiban wedding.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement