LOOK! Angelica Panginiban pregnant sa kaniyang 1st baby

Congratulations Angge!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban, buntis sa kaniyang 1st baby! Ibinahagi ng aktres na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angelica Panganiban buntis sa kaniyang 1st baby
  • Gregg Homan at Angelica Panganiban love story

Angelica Panganiban buntis sa kaniyang 1st baby

Angelica Panganiban, binasag na ang katahimikan ukol sa usap-usapang siya ay pregnant para sa kanilang first baby ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Nagsimula ang relasyon sa pagitan ni Angelica at Gregg noon pang buwan ng Hulyo, taong 2020. Sa loob lamang na dalawang taong nang pagsasama ay nagbunga na ang kanilang pagmamahalan.

Inamin Angelica Panganiban na siya'y buntis sa unang na nilang baby ng kaniyang partner na si Gregg. Ito'y ibinahagi niya sa pamamagitian ng isang Instagram post. 

Pagbabahagi niya, 

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panginiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Ay! Na post!!

Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.

Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko, kaiyaq pramis."

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gregg Homan at Angelica Panganiban love story

Slowly but surely na mailalarawan ang simula ng lovestory ng aktres na si Angelica Panganiban at ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan. Humahanga ang aktres sa kung papaano nagawang pumasok ni Gregg sa kaniyang guarded na puso.

"Parang naging normal na sa akin na may mataas na wall," pagbabahagi ni Angelica.

Dahil sa tatlong heart break na kaniyang naranasan noon, mas naging wais na si Angelica sa pagpili ng tao na kaniyang mamahalin. Hindi na siya basta-bastang tumatanggap at hinahayaan na lamang muna niyang maging kaibigan lang sa simula.

Subalit may nanalo na! Si Gregg Homan ang nagwagi at nakabingwit sa puso ng aktres na si Angelica Panganiban. Labis umano na "pinursige" ni Gregg ang aktres upang makamit nito ang matamis niyang Oo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica

Masasabing very smooth ang panimula ng kanilang relasyon. Pagbabahagi pa ni Angelica,

"Wala naman kasing naging pressure. 'Yon ang naging difference. Parang kalmado lang dumating 'yong lahat.

Hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari lang siya."

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ng aktres,

"Slowly, parang nag-open up na ulit sarili mo."

Sa unang bahagi ng kanilang relasyon, minabuti ng dalawa na maging lowkey na laman at gawing pribado ang kanilang relasyon. Ayon sa aktres, dumating na siya sa punto kung saan nais na lamang niya  panatilihing pribado ang mga bagay na nasimulan nang pribado.

"Kasi minsan hindi mo nakikita yung point. Minsan mas gumugulo kapag mas marami nakikisawsaw na tao." saad ng aktres.

Bukod pa rito, nirerespeto din 'di umano niya ang pribadong buhay ng kaniyang nobyo, dahil hindi raw sila magkapareho at siya ay nananatiling nasa industriya ng show business.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit nang pumasok New Year 2021, sa eksaktong araw ng Bagong Taon, ibinahagi ni Angelica ang litrato nilang dalawa kung saan sila ay magkahalikan sa tabing dagat.

Kinumpirma niya ang relasyon sa pagitan nilang dalawa sa pamamagitan ng litratong ito habang may caption na:

"Kung isa kang pelikuka, sana,, wala kang ending.."

Napakaraming natuwa at kinilig na kaibigan at taga-suporta sa rebelasyong ginawa na ito ng aktres. Ayon sa kaniya, nais niya itong ibahagi sa mga tao na naging karamay nita sa lungkot at sa ligaya, na sa muling pagkakataon siya ay masaya na ulit.

Opisyal na nagsimula ang relasyon sa pagitan ng dalawa noong July, 2020. Subalit, taong 2019 pa lamang noong una silang magkita at magkakilala.

Noon ay sinimulan nila ang kanilang relasyon nang magkaibigan lamang hanggang sa humantong ito sa masaya at romantic relationship.

BASAHIN:

LOOK! Dimples Romana pregnant sa kaniyang 3rd baby

Angeline Quinto sa pagiging bugnuting buntis: “Ang babaw kasi ng mga nagiging dahilan.. Ako nga minsan naiinis sa sarili ko.”

#SanaAll: Jennylyn Mercado blooming sa kaniyang 30th week na pagbubuntis

Bagay na dapat panatilihing pribado sa isang relasyon

Lahat ng bagay ay maaari mong ibahahagi sa mga tao o iyong kaibigan. Subalit hindi ibigsabihin na pwede ay dapat at tama. May ilang mga bagay na dapat panatilihing pribado higit lalo na sa mga sensitibong bagay sa isang relasyon.

Narito ang ilang mga bagay na dapat panatilihing pribado upang ma-maintain ang maayos at matatag na relasyon.

1. Usaping financial

Bawat couple ay dumaraan sa punto kung saan nagshe-share na ang dalawa pagdating sa ups and downs ng usaping pinansiyal. Nararapat lamang na iwasan ang pagbabanggit ng tungkol sa bagay na ito lalo sa ibang tao na hindi naman involve sa inyong relasyon.

2. Kahit anong bagay na tungkol sa sex o pakikipagtalik

Anumang nangyayari sa sensitibo at pribadong oras na para sa inyo lamang na dalawa ay dapat manatili na lamang sa inyo. Maliban na lamang kung napag-usapan at nagkasundo ang magkabilang panig na okay lang ibahagi ito sa iba.

3. Mga away at hindi pagkakaunawaan

Malaki ang posibilidad na maraming makialam kung mas marami ang nakikialam. Kung marami may say sa inyong relasyon, maaari rin na mas lumaki pa ang alitan sa pagitan ninyo ng iyong partner at mas mahirapan kayong ayusin ito.

4. Mga bagay na kinaiinisan mo sa iyong partner

Kapag ibinahagi mo sa iba ang mga bagay na ayaw o kinaiinisan mo sa iyong partner, para mo na rin silang binigyan ng opporunity upang i-judge ang iyong partner. Maaari itong maging hudyat sa kanila upang magbigay ng negatibong opinyon sa iyong partner.

5. Insecurities ng iyong partner

Maaaring maganda at malinis ang iyong intensyon kung tatanungin mo ang iyong mga kaibigan kung paano iha-handle ang insecurity ng iyong partner.

Subalit ang huling bagay na gugustuhin ng partner mo na marinig mula sa'yo ay ang banggitin mo ang mga bagay ukol sa kaniyang insecurity.