Panganay na anak ni Sunshine Cruz na si Angelina Cruz nag-debut na.
Nag-18 na nga ang panganay ni Sunshine nito lamang ika-24 ng Setyembre, Martes.
Great Gatsby-inspired na debut dress
Sadyang napakaganda nga ng dalaga ni Sunshine Cruz na si Angelina sa kaniyang intimate debut celebration.
Napaka-elegante nga ng birthday dress ni Angelina, kung saan ginawa ito ng designer na si Mara Chua.
Ang kaniyang suot ay inspired sa ’20s flapper fashion na hango sa movie na “The Great Gatsby.”
Aniya nga ni Mara Chua sa kaniyang IG post tungkol sa design ng dress ni Angelina, “@angelinaisabele celebrated her 18th birthday with an intimate dinner,last night.”
Dagdag pa niya, “To go with the intimacy, her styling team #teamryujishiomitsu wanted something modern but still elegant. Nothing big and flashy.”
“I went for this almost midi vintage modern electric pleated gown in gold dust fabric that reminds me so much of a modern gatsby dress, madam gres’ legendary draping work with hints of the ancient Egyptian temple of dendur housed inside the MET in NYC,” pagpapaliwanag ng designer.
Bumati at nagpasalamat din ang designer sa dalaga, “Wishing you all the exciting things life has to bring. Thank you for letting me and my team be a part of this milestone.”
View this post on Instagram
Debut ni Angelina Cruz
Sa debut ni Angelina Cruz, ginusto lamang ng dalaga na i-celebrate ito ng simple lang at intimate kasama ang kaniyang pamilya at very close friends.
Ang intimate dinner ni Angeline kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan ay ginanap nitong ika-28 ng Setyembre, Sabado, sa Blackbird sa Nielsen Tower, Makati City.
Ginusto nga di-umano ng manager ni Angelina na magkaroon ng big debut celebration, ngunit i-pinush ng dalaga na gawing intimate na lamang ito.
Syempre present sa intimate birthday party dinner ni Angelina ang kaniyang pamilya—inang si Sunshine at mga kapatid na si Sam at Chesca.
Present din sa birthday dinner ni Angelina ang now-boyfriend ng inang si Sunshine na si Macky Mathay.
Spotted rin ang designer na si Francis Libiran at partner niyang si Christian Mark Jacobs.
Ilan din sa mga dumalo ay magkapatid na si Lorin at Venice Gutierrez, Mavy at Cassy Legaspi, Leon Barretto, Ruffa Gutierrez at ilan pang malalapit na kaibigan ng pamilya Cruz.
Source: Nice Print Photography
Basahin: LOOK: Anak ni Cesar Montano at Sunshine Cruz, malapit nang mag-debut
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!