X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Angeline Quinto nalaman na ang gender ng baby—it's a BOY!

4 min read
LOOK: Angeline Quinto nalaman na ang gender ng baby—it's a BOY!

Si Vice Ganda ang nag-organize ng gender reveal party ni Angge na nagpatawa sa mga guest at nakasaksi ng espesyal na moment na ito sa buhay ni Angeline Quinto.

Angeline Quinto baby boy ang ipinagbubuntis. Panoorin ang masaya niyang gender reveal dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angeline Quinto baby boy gender reveal party.
  • Mensahe ni Angeline para sa kaniyang baby.
  • Ang reaksyon ng mga netizen sa masayang gender reveal party ni Angeline na tampok sa vlog ni Vice Ganda.

Angeline Quinto baby boy ang ipinagbubuntis!

Angeline Quinto Baby Boy Ang Ipinagbubuntis

Image from Instagram 

“It’s a boy!” Ito ang masayang balitang ibinahagi ni Angeline sa kaniyang Instagram kahapon. Ang gender ng kaniyang baby nalaman ni Angeline sa pamamagitan ng gender reveal party na inorganize ng komedyante at malapit niyang kaibigan na si Vice Ganda.

“ITS A BOY!!! Sa wakas ma i- seshare ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby. Maraming salamat ate Vice @praybeytbenjamin at sa Viceral family para sa gender reveal party niyo sa akin!

Excited na po ako sa journey ko bilang isang ina. Maraming salamat Panginoon sa isang napakagandang blessing na ibinigay niyo sa akin!”

Ito ang post ni Angeline sa kaniyang Instagram account kalakip ang larawan mula sa ginanap na gender reveal party.

Samantala, sa kaniyang vlog ay ibinahagi naman ni Vice Ganda ang ilang tagpo sa isinagawang gender reveal party ng baby ni Angeline.

Ang party ay ginanap sa bahay ni Vice at kaniyang inorganize para kay Angeline. Sa video ay makikitang present ang ina ni Vice na si Nanay Rosario Viceral na parang nanay narin na ituring ni Angeline.

Angeline gusto sana na girl ang anak niya pero happy pa rin sa kaniyang baby boy

angeline quinto pregnant

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Si Angeline aminado noong una na gusto niya sanang babae ang anak niya. Ito ay dahil gusto niyang isunod ang pangalan nito sa kaniyang Mama Bob na nagngangalang Sylvia at sasamahan ng pangalan ng idol niyang si Regine Velasquez na Regina.

Pero si Angeline nagulat at napasigaw ng buksan niya ang box na puno ng kulay blue na lubo at karatulang “It’s a boy!”. Pero magkaganoon man sabi ni Angeline sobrang saya pa rin niya na malaman ang gender ng kaniyang magiging baby.

“Masaya parin ako. Masayang masaya ako. Pero hindi ko ini-expect na lalaki ang buong akala ko babae talaga.”

Ito ang sabi ni Angeline. Dagdag niya pa, masaya raw siya dahil kung tutuusin marami siyang naiisip na pangalan ng lalaki para sa kaniyang anak. Isa na nga rito ang pangalang Bobby na alinsunod parin sa pangalan ng Mama Bob niya.

BASAHIN:

Angeline Quinto may naisip ng pangalan kung magiging baby girl ang anak niya

Angeline Quinto sa ama ng ipinagbubuntis: “Ayaw niya po talaga ng showbiz”

Pauleen Luna sa relasyon nila ni Vic Sotto: “A lot of people didn’t want us to succeed”

Paano magiging ina ang isang Angeline Quinto sa anak niya

Nang tanungin ni Vice kung paano magiging isang ina si Angeline sa magiging anak ay ito ang isinagot ng singer.

“Siguro te (Vice) kung paano si Mama Bob din sa akin noong sanggol ako. ‘Yong talagang sinecure ako ng Mama Bob na kahit anong mangyari hindi papabayaan ‘yong anak,” sabi ni Angeline.

Ito ang mensahe naman ni Angeline sa kaniyang baby habang hinihimas-himas ang kaniyang tiyan.

“Bobby, mahal na mahal ka ng nanay mo.”

Para kay Angeline ay nagbigay rin ng mensahe ang ina ni Vice Ganda na si Nanay Rosario. Ito ang nasabi niya sa anak-anakan na si Angeline.

“Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala pero happy na happy ako para kay Angge kasi para kong anak ito. I wish she’ll give me a chance na samahan ko siya sa kaniyang journey at sana maging malusog ‘yong baby.”

Reaksyon ng mga netizen sa gender reveal party ni Angeline

Samantala, ang mga netizen hindi lang masaya kung hindi sumakit rin ang tiyan sa kakatawa sa naging gender reveal party ng anak ni Angeline.

Sa vlog ni Vice Ganda ay bumaha ang kanilang pagbati kay Angeline. Pati na ang papuri sa kung paano naging napakasaya ng naging gender reveal party ng baby niya.

“Ang sakit ng tiyan ko kakatawa sa pa gender reveal na ito. Grabeeee, sobrang solid ng friendships nila Meme at Ms. Angge from the beginning up upon till now, sa hirap at ginhawa ang saya ng lang ng friendships nyio po ☺️ MORE BLESSINGS TO COME PA PO SA INYO KASI ANG BAIT BAIT NIYO PO. Keep safe din sa iyong New Journey as a soon to be Nanay Ms.Angge. ♥️”

“Ang sayaaaa!! Congrats ate angeline!! Lagi kong ipagdarasal na maging safe ang panganganak mo, at lagi kang gagabayan ni Lord. Mahal namin kayo ate ange, Meme and Viceral fam!!”

“Dami kong tawa sa gender reveal na ito hehehe . Congrats Ate Angie Godbless in your journey. Welcome to mother Club.”

Ito ang ilan sa mensahe at komento ng netizens sa naging gender reveal party ng baby ni Angeline Quinto. Congrats Angge!

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

 

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Angeline Quinto nalaman na ang gender ng baby—it's a BOY!
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.