Angeline Quinto sa pagiging mom of two: “Ang journey na ito ay puno ng saya, pagod, at endless love.”

Singer ipinanganak na ang baby girl nila ng mister niyang si Nonrev Daquina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nonrev Daquina and Angeline Quinto baby girl naipanganak na. Ang magandang balita ibinahagi ng singer sa pamamagitan ng pag-sheshare niya sa realizations niya bilang isang ina.

Mababasa dito ang sumusunod:

Nonrev Daquina at Angeline Quinto baby girl ipinanganak na

Larawan mula sa Facebook

Sa Instagram ay ibinahagi ng singer na si Angeline Quinto na ligtas niyang naisilang ang baby girl nila ng mister niyang si Nonrev Daquina. Ang singer ibinahagi rin na ang pangalan ng kaniyang baby girl ay isinunod niya sa namayapa niyang ina na si Mama Bob o Sylvia Quinto sa totoo nitong pangalan.

Angeline Quinto sa pagiging mom of two

Si Angeline ibinahagi ang magandang balita sa pamamagitan ng pagsheshare rin ng realization niya bilang isang ina. Ayon sa singer, ang maging isang ina bagamat nakakapagod ay masaya daw at puno ng pagmamahal.

“Today I celebrate motherhood with all my heart. ❤️ Ang journey na ito ay puno ng saya, pagod, at endless love. Sobrang saya maging ina, nakakataba ng puso ang bawat yakap, bawat tawa, at bawat milestone. I love you Kuya Sylvio, I love you Sylvia.”

Ito ang caption ng post ni Angeline Quinto tungkol sa kaniyang baby girl.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook

Panganganak ni Angeline

Base sa mga report, August 14 pa ng naipanganak ni Angeline Quinto ang kaniyang baby girl. Ito ay ibinahagi niya sa Instagram account ng anak niyang si Sylvio. Ito ang pagbabahagi ni Angeline noon sa kaniyang naging panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I finally met you Baby Azena Sylvia 🍼👶🏻.”

Ito ang caption ng post ni Angeline na kung saan makikita ang mga larawan noong siya ay nasa ospital pa at kakapanganak palang.

Makikita rin sa tabi ng singer ang mister nitong si Nonrev at panganay nilang anak na si Sylvio. May maikiling video rin na ibinahagi sa Instagram account ni Sylvio na siya ay may bitbit na bouquet ng bulaklak para sa kaniyang Mommy Angge at baby sister na si Sylvia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook

Congratulations Nonrev and Angeline. Welcome to the world Baby Sylvia!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement