X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na 'yong sarili ko para magising.”

5 min read
Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na 'yong sarili ko para magising.”

Angeline Quinto pinaghahandaan na ang first out of the country trip ni Baby Sylvio.

Angeline Quinto pinabinyagan na ang anak na si Baby Sylvio. Matapos ang dalawang buwan ng makapanganak, Angeline nagbahagi rin ng mga favorite moments niya bilang isang ina.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Binyag ni Baby Sylvio
  • Favorite bonding moments ni Angeline Quinto kasama si Baby Sylvio

Binyag ni Baby Sylvio

angeline quinto baby sylvio christening

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Ganap na isang Kristiyano na ang 2-month-old baby ng singer na si Angeline Quinto na si Baby Sylvio. Dahil sa kaniyang Instagram account ay nag-share si Angeline ng mga larawan sa ginanap na binyag nito. Ginamit niya rin itong pagkakataon para pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng espesyal na moment na ito sa para sa kanilang pamilya.

“Thank you to everyone who made Baby Sylvio’s Christening possible! We appreciate all of our guests that celebrated with us, you have all been wonderful and made Baby Sylvio’s celebration extra special.”

Ito ang caption ng IG post ni Angeline kalakip ang mga larawan sa naganap na binyag ni Baby Sylvio.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Sa mga larawang ibinahagi ng singer makikita na present sa binyag at tumayong godparents’ ng anak ang ilang celebrities. Tulad nalang ng kapwa singer niyang sina Yeng Constantino at Erik Santos.

angeline quinto baby sylvio christening

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Ninong at ninang rin ni Baby Sylvio sina Dr. Hayden Kho at Vicki Belo. Naroon rin ang aktor na si Richard Yap, ang komedyanteng si K Brosas at syempre ang tinatawag na ‘Ate’ ni Angeline na si Vice Ganda.

Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: Kinukurot ko na yong sarili ko para magising.

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

BASAHIN:

LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

Angeline Quinto ikinuha na ng passport si Sylvio: “Ready na maging jetsetter ang baby love ko!”

LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

Favorite bonding moments ni Angeline Quinto kasama si Baby Sylvio

Samantala, sa isang panayam sa kaniya ng kilalang host na si Bianca Gonzales ay ibinahagi ni Angeline ang favorite moments niya sa pagiging isang ina.

Ayon kay Angeline, gustong-gusto niya na tinititigan ang anak na si Sylvio lalo na sa tuwing natutulog ito. Minsan nga raw ay hindi niya napapansin na isang oras na siyang nakatitig sa anak. Ito rin daw ang moment na nagsisink-in sa kaniya na isa na talaga siyang ina.

“Everytime na tinitingan ko siya lalo na ‘yong first night namin ng matulog dito sa bahay talagang dun ko naisip na ‘oo nga nanay na talaga ako’. Kasi ito na ‘yong umpisa ng puyat ko. Nag-uumpisa na ‘yong gigising ka ng madaling-araw para magpalit ng diaper, magpadede.”

Ito ang kuwento ni Angeline sa naturang panayam.

Kahit nga daw nakakapagod talaga ang maging isang ina, hindi ito iniinda ni Angeline lalo na sa tuwing nakikitang mahimbing ang tulog ng anak at pangingiti pa.

“Kahit ang tagal-tagal kong pinatahan si Sylvio, kapag nakita ko siyang tulog na ang sarap parin sa pakiramdam. Hindi mo na nararamdaman ‘yong pagod.”

“Lalo na nung wala pa siyang one one month hirap na hirap ako talaga mag-adjust lalo na sa oras. Pero nung nakita ko siya pag tulog na nag-iismile mag-isa kinikilig ako. Sabi ko ang pogi naman ng batang ‘to, hindi ako makapaniwalang galing sa akin.”

Kaya kahit anong pagod at antok sa gabi tinitiis daw ni Angeline na manatiling gising para maalagaan ang anak. Sabi pa niya, ito daw ang mga moments na nararamadan niyang nandyan lang at nakabantay ang Mama Bob niya sa kanila. Ito daw ay laging bumubulong sa kaniya na huwag basta iwan ang anak at alagaan ito ng mabuti.

“Kapag gabi, sobrang iyak ni Sylvio ng mga 1am o 2am, nakakatulog ako. Tapos may naririnig ako ‘wag kang matulog’. Tinitiis ko talaga, kinukurot ko na yung sarili ko para magising.”

Ito ang natatawa pang kuwento ni Angeline.

Ikinuwento rin ni Angeline, ang favorite niyang bonding time nila ni Sylvio. Ito ay ang bath time. Doon daw kasi nararamdaman ni Angeline ang koneksyon nila ng anak lalo na sa tuwing kinakantahan niya ito.

Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: Kinukurot ko na yong sarili ko para magising.

“Favorite ko ‘yong pagpapaligo. Kasi nakakatuwa siyang umiyak. Everytime na iiyak siya iisa lang yung tono.”

“Kapag nababasa na yung katawan niya unti-unti na ‘yang iiyak. Tapos kapag kinakantahan ko siya nawawala”, sabi pa ng singer.

Sa ngayon ay balik trabaho na si Angeline. Pag-amin niya mas ganado siya ngayong magtrabaho para sa anak. Bagamat nai-enjoy niyang muli ang pagbabalik showbiz excited rin daw siyang matapos agad ang trabaho at makauwi sa kaniyang anak.

Dahil balik showbiz na, may mga naka-schedule na daw na tour si Angeline. At dahil sa ayaw niyang malayo sa anak ay isasama niya ito sa ibang bansa. Ito ang dahilan kung bakit kamakailan lang ay kinuhanan niya na ito ng passport.

Kasama ang boyfriend na si Nonrev pangako ni Angeline sa kaniyang mag-ama ay ipapasyal niya ito sa mga lugar na pinuntahan nila ng kaniyang Mama Bob sa Amerika.

Cinema One News

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na 'yong sarili ko para magising.”
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.