Angeline Quinto masayang ibinahagi ang first baby day out ni Baby Sylvio. Singer nag-share rin tungkol sa kaniyang postpartum experience.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Pag-aalaga ni Angeline Quinto kay Baby Sylvio
- Angeline Quinto postpartum experience
Pag-aalaga ni Angeline Quinto kay Baby Sylvio
Ready nang bumiyahe kasama ng kaniyang Mommy Angeline Quinto si Baby Sylvio. Dahil si Sylvio ayon kay Angeline ay may passport na. Ito ang ibinahagi ng singer sa kaniyang Instagram account na kung saan masaya niya ring ipinasilip ang first baby day out ng kaniyang unico hijo.
“Baby Sylvio’s first day out! Got his first ever passport, ready na maging jetsetter ang baby love ko!”
Ito ang caption ng Instagram post ni Angeline na kung saan tampok ang larawan nila ni Sylvio at ama nitong si Nonrev Daquina sa loob ng isang mall.
Sa kaniyang latest vlog episode ay ibinahagi ni Angeline na sa ngayon ay nahihirapan siyang mawalay pa ng matagal sa kay Sylvio. Kahit nga daw sa pag-aalaga para sa kaniyang sarili ay nagdadalawang-isip siyang gawin. Lalo na kung matagal siyang malalayo sa anak.
“Hindi ko pa pala kayang iwanan ‘yong anak ko ng matagal. Siguro para sa trabaho kasi kailangang-kailangan talaga pero para sa sarili ko hindi ko kaya.”
Ito ang sabi ni Angeline sa kaniyang vlog na kung saan minabuti niyang magpa-home service nalang para makapagpa-foot spa, manicure at pedicure.
Angeline’s postpartum experience
Sa parehong vlog ay ibinahagi rin ni Angeline Quinto ang kaniyang postpartum experience. Pagpapaliwanag pa niya, hindi niya alam na nararanasan niya na pala ito. Tulad na nga lang daw noong minsan na nag-iiyak siya dahil sa nag-alala siya sa kaniyang trabaho at nami-miss ng bumalik sa pagkanta.
“Ako parang na-experience ko lang medyo nag-iiyak ako last time kasi sabi ko kelan ako puwedeng makabalik sa work. Kasi ang tagal ko ng hindi nagtratrabaho, feeling ko baka hindi na ako makakanta.”
Ito daw ang naging isa sa mga worry ni Angeline. Mabuti na nga lang daw at very supportive ang kaniyang vocal coach, ka-trabaho at mga kaibigan na pinalalakas ang loob niya. Pinapaliwanagan rin siya ng mga ito na wala siyang dapat ipag-alala.
“Unti-unti naman kahit paapaano mas nagiging madali yung pagtanggap ko sa mga emotions na nararamdaman ko lately.”
Ito ang sabi pa ng singer.
BASAHIN:
Angeline Quinto sa pagiging first time mom: “May mga pagkakataon na bigla akong iiyak, ‘di ko alam anong dahilan.”
LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo finally shows the face of Baby Dylan!
Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: “In time… kapag okay na ang lahat.”
Angeline nakakaranas ng separation anxiety sa tuwing malalayo kay Sylvio
Ngayon si Angeline matapos ang isang buwan ng makapanganak ay balik trabaho na. Kahit siya ay dumaan sa caesarean delivery, kuwento ni Angeline na ang pagbabalik showbiz niya ay may go signal naman ng kaniyang doktor. Pero pag-amin niya, nakakaranas parin siya ng separation anxiety at nahihirapang malayo sa anak niya.
“Parang bigla bigla mong namimiss anak mo habang nasa trabaho ka. Ang kinagandahan naman nun mas napapadali yung work ko. Kasi iniisip ko kailangan ko nang matapos ‘yong trabaho ko kasi after nito makikita ko na naman yung anak ko, kailangan ko ng alagaan uli si Sylvio. Nagiging balanse parin talaga. So minsan kahit nahihirapan ako iniisip ko nalang ginagawa ko lahat ng trabahong ito for my baby.”
Ito ang sabi pa ni Angeline.
Sa parehong vlog ay ibinahagi rin ni Angeline na dahil sa nature ng trabaho niya, kung siya ang tatanungin ay hindi niya muna naiisip sa ngayon na papasukin sa showbiz si Sylvio. Dahilan niya, alam niya ang hirap ng pag-aartista at ayaw niya itong maranasan ng kaniyang anak.
“Kung ako ‘yung tatanungin ngayon? Baka pwedeng huwag na lang muna kasi alam ko po kung gaano na kahirap ang buhay sa mundo ng showbiz. Alam na alam ko kung gaano kahirap.”
Ito ang sabi pa ni Angeline.
Inalala rin ni Angeline ang habilin sa kaniya noon ng kaniyang Mama Bob sa oras na nagkaanak na siya. Kasama na nga dun ang huwag masyadong iiwan-iwanan ang kaniyang anak. Inihanda narin daw siya nito sa katotohanang kapag nagkaanak na siya ay magbabago ang mundo niya at mababawasan ang oras niya para sa sarili niya.
“Ang pinakanaalala ko rin kay Mama Bob, na kapag nagkaanak ako talaga daw mag-iiba ang mundo ko. Ayun ang lagi ko naririnig kay mama, ‘Kapag nagkaanak ka mag-iiba ‘yung mundo mo, makakalimutan mo ‘yung sarili mo.'”
“Which is totoo po, talagang nag-iba mundo ko nang dumating ang anak ko sa buhay ko, dumating si Sylvio. Hindi mo na naiisip kung ano ‘yong para sa sarili mo kundi kung ano ‘yong para sa kanya lahat.”
Ito ang sabi pa ng first-time mom na si Angeline Quinto.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!