X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo finally shows the face of Baby Dylan!

4 min read
LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo finally shows the face of Baby Dylan!

Si Dennis Trillo ang nagputol ng umbilical cord na nagdugtong kina Jennylyn at kanilang baby.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo pinasilip ang mga naging pangyayari para sa pagsilang ng kanilang baby. Makikita rin sa kanilang vlog ang mukha at malalaman na rin pati ang name ng kanilang anak!

Mababasa ang sumusunod sa artikulong ito:

  • Name at face reveal ng baby nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo
  • Panganganak ni Jennylyn Mercado
  • Dennis at Jennylyn balak sana ang surrogacy

Name at face reveal ng baby nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Sa wakas ay pinakita na ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang mukha ng kanilang baby.

Lampas isang buwan na rin ang nakalilipas buhat nang manganak si Jennylyn via Caesarean section delivery. Nitong June 20 ay ibinahagi na nila sa kanilang vlog ang istorya sa panganganak ng aktres. Sa dulo ng video ay masisilip na ang cute na mukha ng kanilang baby na pinangalanan nilang ‘Dylan’.

Nakasakay na sa stroller si Baby Dylan habang naghahanda na sila Jennylyn at Dennis na dalhin ang kanilang bagong silang na anak sa kanilang tahanan.

Makikitang mahimbing na natutulog si Dylan sa kaniyang stroller. Maaninag din na tila nakangiti ito habang kinukuhanan ng video ng kaniyang daddy.

“Ready na kaming lahat for discharge. At uuwi na kami! Excited na kami na makita ni Dylan ‘yong kwarto niya.”

jennylyn mercado baby

Larawan mula sa screenshot ng YouTube channel ni Jennylyn Mercado

Panganganak ni Jennylyn Mercado

Noong April 25 ay nagtungo sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para lang sana sa check-up para sa kanilang baby na noon ay nasa sinapupunan pa lang ng aktres.

Ang tumitingin kay Jennylyn ay si Dr. Judy Ann Uy-De Luna. Matagal na siyang OBGYN ng aktres buhat pa noong ipanganak niya ang kaniyang panganay na si Jazz.

Kwento ng Dr. Judy Ann, noong check-up ni Jennylyn Mercado ay nakita nilang ready na pala itong manganak. Kaya naman isinalang na nila ito para sa delivery ng kanilang baby ni Dennis Trillo.

“Supposedly it was Jen’s last prenatal check-up. But when I check her, her cervix was open. So we cannot wait for that May 5 date anymore but has to proceed with April 25 date.”

Habang nakahiga sa hospital bed si Jennylyn Mercado, sinabi niya na hindi pa sila ready ni Dennis Trillo para sa kaniyang panganganak.

“Ready ka na ba? Ako hindi pa ata… Nako hindi na kayang i-hold ‘to. Gusto nang kumawala nito.”

Sambit ni Dennis Trillo.

Bandang 5 PM dinala si Jennylyn Mercado sa operating room para sa kaniyang Caesarean section delivery. Bago ‘yon ay pinakalma muna ni Dennis ang kaniyang misis na sinabing masakit daw ang panganganak.

“Kayang kaya mo ‘yan. Nagawa mo na ‘yan dati kaya kayang kaya mo na ‘yan.”

jennylyn mercado baby

Larawan mula sa screenshot ng YouTube channel ni Jennylyn Mercado

Si Dennis Trillo mismo ang nagputol ng umbilical cord na nagdugtong kay Jennylyn Mercado at sa kanilang baby. Ayon kay Dennis, ninerbyos siya sa pagputol nito pero nagawa naman niya ito nang maayos.

Sa nasabi ring YouTube vlog, nagpasalamat ang celebrity couple sa kanilang mga fans at sa lahat ng nagdasal para sa kanilang pregnancy journey.

“Maraming salamat po ulit sa inyong lahat na sumama at nagdasal sa aming journey kasama ang bago naming anghel na si Baby D. Stay safe and Ingat po kayo palagi.”

BASAHIN:

Jennylyn Mercado appreciates Dennis Trillo on his birthday: “Salamat sa iyong napakatamis na pag-aalaga.”

Bettinna Carlos nabuntis ilang buwan matapos makunan: “Si God talaga ‘yong may hawak ng time.”

Viy Cortez ipinasilip ang laman ng hospital bag para sa kaniyang panganganak

jennylyn mercado baby

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Dennis at Jennylyn balak sana ang surrogacy

Matatandaan na dating naikuwento ng celebrity couple na taong 2018 ay nagpa-freeze na si Jennylyn Mercado ng kaniyang egg cells. Ngunit hindi ito nagtagumpay.

Noon namang magkaroon ng pandemic ay tiningnan nila ang posibilidad ng surrogacy. Ito ang procedure kung saan iba ang magdadala ng sanggol ng couple sa kanilang sinapupunan.

Nagtungo sa USA sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para simulan ang proseso sa surrogacy. Doon tiningnan ang eggs ni Jennylyn pati na rin ang sperm ni Dennis.

Nakakita na rin sila ng pumayag na maging surrogate mother at naka-schedule na rin para sa surrogacy implant. Kaya naman maituturing na miracle na biglaang nagbuntis si Jennylyn Mercado bago maituloy ang surrogacy.

“Gumawa na ng schedule para sa contract signing pati sa implant. Dapat yung naka-schedule ng October. Dapat yun last week ng October mangyayari.”

Ngayon ay very happy na ang couple na mayroon na silang baby together. Sa latest Instagram post ni Jennylyn ay makikita si Dennis na nakangiti habang hawak si Baby Dylan.

Bumabalik na rin sa ilang activities si Jennylyn. Kabilang rito ang Pilates para sa kaniyang postpartum fitness.

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo finally shows the face of Baby Dylan!
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.