X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Viy Cortez ipinasilip ang laman ng hospital bag para sa kaniyang panganganak

5 min read
Viy Cortez ipinasilip ang laman ng hospital bag para sa kaniyang panganganak

Binahagi na rin nina Cong at Viy na 'Zeus' ang magiging isa sa pangalan ng kanilang baby!

Ibinabahagi ni Viy Cortez sa kaniyang mga vlog at social media platform ang kaniyang pregnancy journey. Kasama na rito ang laman ng kaniyang hospital bag na dadalhin kapag siya ay manganganak na. Pati na rin ang magiging pangalan ng anak nila ni Cong TV.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod

  • Name reveal ng baby nina Cong at Viy Cortez
  • Laman ng hospital bag ni Viy Cortez para sa kaniyang pregnancy
  • Cong and Viy celebrate their 7th anniversary
viy cortez pregnancy

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Name reveal ng baby nina Cong at Viy Cortez

Si Viy ay inaasahang manganganak sa parating na Juli sa pamamagitan ng CS o Cesarean section. Sa ini-upload na vlog ni Viy Cortez , ipinakita niya ang laman ng kaniyang hospital bag para sa kaniyang pregnancy.

Ayon kay Viy, ang unang maleta ay para sa kanila ni Cong pero hindi pa nila ito nilalagyan ng mga things dahil ang mga ito ay kasalukuyan pa nilang ginagamit. Ipinakita rin nina Cong at Viy ang isa sa mga totoong pangalan ng anak, ito ay “Zeus Velasquez”.

Lahad ni Viy, hindi pa nila alam kung ito ba ang magiging first name o second name ni Kidlat pero sinigurado nilang isa ito sa magiging pangalan ng anak. 

“So may second name pa na hindi namin alam pero ito yung sure na pangalan ni Kidlat na kasama sa real name niya.” 

Hindi naman napigilang magpahayag ng tuwa at kilig nina Viy at Cong. Ayon kay Cong, natutuwa siya na mayroong ganoong pangalan na may apelyido niya. Kilig naman ang naramdaman ni Viy habang ipini-print ang pangalan ng anak.

viy cortez pregnancy

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Viy Cortez

Laman ng hospital bag ni Viy Cortez para sa kaniyang pregnancy

Inisa-isa rin ni Viy ang laman ng maleta kung saan makikita ang diaper changing pad at bath essentials ni Kidlat. Ika ni Viy, kailangang may pangalan ang bath essentials para kapag pinaliguan si Kidlat ay mayroong isasauli sa kanila at para hindi magkalituhan. Sa ospital na kaniyang pagpapanganakan ay hindi magkakasama sa iisang room ang mga bagong silang na sanggol. 

“Paglabas pa lang no’n, pipicturan ko na lahat nung ano, ano ‘yong mga ano niya, nunal, balat kung meron man. Pipicturan ko na all sides.” 

Pahayag ni Cong dahil ayon kay Viy, takot daw ang kaniyang boyfriend na maipagpalit si Kidlat sa ibang baby.

Ilan pa sa mga laman ng maleta ay napkin, cotton, water wipes na gagamitin ni Kidlat kapag ito ay dumumi. May ipinakita ring belly band si Viy Cortez na gagamitin niya kapag natapos na ang kaniyang pregnancy. Makikita rin ang alcohol at pocket sterilizer kung saan gagamitin nila sa mga gamit gaya ng crib at iba pa. 

Ang pangalawang maleta na ipinakita nina Viy at Cong ay naglalaman ng mga damit at ilan pang gamit ni Kidlat. Ayon kay Viy, pang 4 days na gamit ang kanilang inihanda. 

“Ang hinanda namin na gamit is for four days. ‘Yong iba two days, three days ‘di ba… Hindi ko alam, so ang ginawa ko na dito pang-apat na araw para sure.”

Sinabihan naman ni Viy si Cong kung ano ang ibibigay nito sa nurse. Ang zip lock kung nasaan nakalagay ang pang day one ni Kidlat ay naglalaman ng clothes, mittens, socks, bonnet, receiving blanket, 2 diapers at abdominal binder.

Dagdag ni Viy, hindi na ginagamit ang abdominal binder ngayon pero nilagyan niya pa rin ito. Nurse na lang ang magsasabi sa kanila kung kailangan ito o hindi, dagdag pa niya.

Para naman sa pangalawang araw ni Kidlat, ganoon pa rin ang laman ng ziplock pero kulay blue o asul na ang mga gamit. Kapareho ng una at pangalawang araw ang laman ng ziplock para sa pangatlong araw. Para naman sa pang-apat na araw ay nilagyan nina Viy ng label ang zip lock ng going home clothes.

“Going home clothes, so ito yung susuotin ‘pag pauwi na siya. So ito ‘yong pinakamaganda para maangas siya pag nakita siya ng mga tito, tita, lolo, lola niya dito.”

Nagbigay din ng paalala si Cong sa mga lolo at lola na bibisita kay Kidlat na bawal muna itong i-kiss. 

“Ngayon pa lang, inaaabisuhan ko na ‘yong mga bibisita na mga lolo at mga lola. Bawal i-kiss.”  

Pagpapatuloy ni Cong, maging siya ay hindi rin muna hahalik. Binanggit pang muli ni Cong ang paalala upang aniya hindi na awkward na sasabihin niya ito ng personal.

Ipinakita rin ni Viy ang mga swaddle na kaniyang dala. Paliwanag niya, dapat nakas-waddle ang baby kapag matutulog para iwas gulat at upang maramdaman ng baby na parang nasa loob pa rin siya ng sinapupunan.

Bukod dito ay may dala rin siyang kumot, extra na unan, may towel din para kapag pinaliguan si Kidlat, may blanket at receiving blanket din.

Partner Stories
Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass

BASAHIN:

Viy Cortez nagdesisyon na sumalang sa Caesarean section delivery: “Natatakot ako na mag-normal.”

Cong TV umatras patungong Vietnam para kina Viy Cortez at Kidlat: “Saka na lang ‘pag kasama ko na kayong dalawa.”

Vien Iligan naluha sa big surprise para kay Junnie Boy: “Mother of two na ako.”

Cong and Viy celebrate their 7th anniversary

viy cortez pregnancy

Larawan mula sa instagram ni Viy Cortez

Makikita naman sa latest Instagram post ni Viy ang bati niya kay Cong para sa kanilang 7th Anniversary. Sa caption ay mababasa ang pagpapasalamat ni Viy sa kasintahan para sa pagpaparamdam nito sa kaniya na sapat na sapat na siya.

Saad pa ni Viy, sa kanilang susunod na anniversary ay makakasama na nila ang kanilang baby. 

“Walang espesyal na handa, wala sa espesyal na lugar, ‘di nakaayos, walang magagandang regalo, pero sobrang saya at kuntento ko sa ano mang meron tayo mahal. Lalo na paparating na ang anak natin.”

“Maraming salamat sa pitong taon mahal. Lagi mo sakin pinaparamdam na ako lang sapat na sapat na. Happy anniv my love. Sa mga susunod na anniv natin may tabachingching na bata na tayong kasama.”

Happy Anniversary, Cong at Viy!

YouTube, Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nichole Samson

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Viy Cortez ipinasilip ang laman ng hospital bag para sa kaniyang panganganak
Share:
  • A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

    A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

  • Mommy Reyn Found Her Best Business Partner Through Crochet—And It's Her Daughter!

    Mommy Reyn Found Her Best Business Partner Through Crochet—And It's Her Daughter!

  • Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

    Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

  • A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

    A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

  • Mommy Reyn Found Her Best Business Partner Through Crochet—And It's Her Daughter!

    Mommy Reyn Found Her Best Business Partner Through Crochet—And It's Her Daughter!

  • Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

    Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko