TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Vien Iligan naluha sa big surprise para kay Junnie Boy: "Mother of two na ako."

4 min read
Vien Iligan naluha sa big surprise para kay Junnie Boy: "Mother of two na ako."

Inaasahan na ngayong taon din ay isilang ni Vien Iligan ang kanilang pangalawang baby ni Junnie Boy.

Ibinahagi ng Youtube vloggers na sina Vien Iligan at Junnie Boy Velasquez na magkakaroon na sila ng bagong baby. Ito ay dahil buntis na sa pangalawang pagkakataon si Vien!

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Vien Iligan at Junnie Boy, magkakaroon na ng second baby!
  • Wedding nina Vien at Junnie Boy
vien junnie boy

Larawan mula sa Instagram account ni Vien Iligan

Vien Iligan at Junnie Boy, magkakaroon na ng second baby!

Sa isang YouTube video, ini-record ng vlogger na si Vien Iligan ang tagpo kung paano niya nalamang buntis na naman siya sa kasalukuyang asawa na si Junnie Boy Velasquez ng Team Payaman, isang grupo ng mga sikat na content creator.

Pinamagatan niya ang video na ‘Big 4’ bilang magkakaroon na ng panibagong miyembro ang kanilang pamilya. Sa caption nito, sinabi niyang ang original na plano niya ay sorpresahin ang asawang si Junnie Boy tungkol sa balita ng kanyang pagbubuntis.

“Wahahahaha! Guys naka vlog talaga yan lahat detalye pero sobrang haba guys kaya pinaikli lang namin. At usapan na talaga namin ni Madam at Terio na ‘pag nabuntis ako ISUSURPRISE KO SI JUNNIE.”

“Wala talaga ako balak sabihin kay Junnie dahil gusto ko ma-ultrasound muna ako bago ko masabi sa kanya. Gusto ko ma-surprise asawa ko dahil gusto na din niya magkaanak kami ulit.”

Pinili na lang daw niya na sabihin kaagad ito para sa safety ng bata. Lubos-lubos naman ang sayang dala nito kay Vien dahil mayroon nang tibok ng puso ng sanggol.

“At sa totoo lang talaga kahapon lang ako naging masaya ng SOBRA dahil finally TOTOO na talaga may HEARTBEAT na siya. Sa weeks na hinintay ko halong takot at kaba kasi sinabihan ako na masyado pang maaga para masabi na buntis ako.”

“Salamat sa Diyos talaga dahil nagbunga yung pag antay namin sa kanya. Di man nakaayon sa plano ko ang surprise kay Junnie. Thank God na nalaman niya ng maaga dahil mas iniingatan niya ako ngayon.”

vien junnie boy

Larawan mula sa Instagram account ni Vien Iligan

Sinimulan niya ang video sa pagbabahagi ng balita na lagi na raw umiinit ang ulo nito sa kanyang mister. Naisip niya na subukan ang pregnancy test dahil may posibilidad na baka buntis nga siya.

Nalaman niyang positibo ngang buntis siya dahil sa sampung pregnancy test ay ‘pregnant’ ang lumalabas na resulta.

Naluha naman sa saya si Vien dahil sa wakas daw ay magkakaroon na ng panibagong kalaro ang anak at hindi na ito malulungkot sa tuwing iniiwan mag-isa.

Mapapanood din sa vlog kung paanong sinurpresa ni Vien si Junnie Boy kasama ang kanilang pamilya. Nagbitaw naman ng biro si Junnie Boy na wala pa nga raw silang honeymoon ay buntis na kaagad ang asawa.

“Kaya pala kaninang umaga nung naliligo siya, ‘Bat parang may iba sa tiyan ko?’ Gumaganun sa akin. ‘Di kaya buntis na ako?”

Pagbabahagi ni Junnie Boy.

Para makasiguro, minabuti nilang magpa-check-up upang malaman kung ang pagpo-positive sa pregnancy test ni Vien ay dahil buntis talaga siya at hindi dahil sa sakit lamang.

Isa rin sa sinurpresa ng mag-asawa ay ang nag-iisa nilang anak na si Mavi.

“Ipapakita ko sa’yo ang iyong baby brother o sister.”

“Iiyak ba siya?” Noong tanungin ng mag-asawa ang anak kung happy at excited ba ito ay natuwa nang sobra ang bata.

“Hindi namin akalain ni Junjun na makakabuo kami…agad. Kasi sabi lang namin, ‘Try natin! ‘Di naman natin sure kung mabilis kaming makakabuo kasi tatlong taon na si Mavi. So si baby daw ay 6 weeks and 6 days na.”

“Ayan, nagtry kami sabi namin, ‘Try natin kung makakabuo tayo.’ Ayan, so nagbunga naman.”

Biniro pa ni Vien si Junnie Boy nang maipaalam na nitong siya ay nagdadalang-tao.

“Mother of two na ako ay hindi pala mother of three kasi kunsumisyon din ito.”

Inaasahang manganganak din ang vlogger ngayong taon.

BASAHIN:

LOOK! Vloggers Vien Iligan at Junnie Boy kinasal na!

LOOK: Team Payaman vloggers Pat Velasquez at Boss Keng, ikinasal na

It’s a boy! Cong TV at Viy Cortez nalaman na ang gender ng kanilang baby

vien iligan junnie

Larawan mula sa Instagram account ni Vien Iligan

Wedding nina Vien at Junnie Boy

Taong 2017 pa lamang ay magkarelasyon at may anak na ang dalawang Youtube vloggers ngayon na sina Vien Iligan at Junnie Boy Velasquez ng Team Payaman.

Sa parehong taon din nagpasyang magsimula ng YouTube channel si Junnie Boy kasama ang kapatid niya na si Cong TV. At dito sumikat na ngayo’y parehong may milyon-milyong subscribers na.

Nagpasyang magpropose si Junnie Boy kay Vien taong 2020, kung saan nagpatulong siya sa girlfriend ni Cong na si Viy. Ikinasal sila nitong Marso 28, sa Silang, Cavite.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Youtube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Vien Iligan naluha sa big surprise para kay Junnie Boy: "Mother of two na ako."
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko