TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

It’s a boy! Cong TV at Viy Cortez nalaman na ang gender ng kanilang baby

4 min read
It’s a boy! Cong TV at Viy Cortez nalaman na ang gender ng kanilang baby

Cong TV napatakbo at nawala sa tabi ni Viy ng malaman ang gender ng kanilang baby.

Cong TV at Viy Cortez naging emosyonal ng malaman ang gender ng kanilang baby. Little Cong o baby boy ang panganay nilang anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Cong TV at Viy Cortez baby gender reveal.
  • Mensahe ni Cong TV at Viy sa kanilang magiging baby.

Cong TV at Viy Cortez baby gender reveal

cong tv viy cortez baby boy ang panganay

Image from Nice Print Photography

Nitong Sabado, February 5, 2022 ay ibinahagi ng mga vloggers na sina Cong TV o Lincoln Velasquez sa totoong buhay at girlfriend nitong si Viy Cortez ang kanilang ginawang baby gender reveal party.

Ito ay dinaluhan ng kanilang mga kaibigan at pamilya na kung saan may kaniya kaniyang pusta sa kung anong magiging gender ng baby nila.

Sa mga tagpo sa vlog na ibinahagi ni Cong, sinabi niya na babae ang gusto niya sanang maging gender ng baby nila. Habang si Viy naman ay gusto sanang maging boy ang kanilang baby. Pero hirit ni Cong, anuman ang gender ng kanilang baby ay hindi mahalaga basta’t ito ay maipanganak ng malusog.

Ang gender ng kanilang baby ini-reveal sa pamamagitan ng helicopter na nagbagsak habang nasa himpapawid ng kulay blue na smoke at confetti.

Nang makita ito ni Cong, biglang itong nagtatalon at nagtatakbo sa tuwa. Habang si Viy ay sinalubong ng yakap ng kaniyang magulang at mga kaibigan.

Nang muling magkasama si Cong at Viy ay nagyakapan silang dalawa. Si Cong makikitang maiyak-iyak sa tuwa ng malaman ang gender baby nila.

“Tumakbo ako sobrang bilis paikot. Nawala na ako sa sarili. Team boy talaga ako.”

Ito ang paliwanag ni Cong sa bigla niyang pagkawala.

cong tv viy cortez baby gender reveal

Image from Nice Print Photography

BASAHIN:

LOOK: Team Payaman vloggers Pat Velasquez at Boss Keng, ikinasal na

Dingdong Dantes sa paggamit ng gadgets ng mga anak: “Marian and I don’t want to solely rely on just technology”

Viy Cortez ibinahagi ang pagkakunan sa baby nila ni CongTV

Abraham Kidlat ang pangalan ng baby ni Cong at Viy

Bago sila magpunta sa susunod na venue ng kanilang ginawang gender reveal party ay binaggit ni Cong ang pangalan na ibibigay nila ni Viy sa kanilang baby boy. Abraham Kidlat ang sabi ni Cong sa dulo naman ng vlog ni Viy.

“Kidlat, nakikita mo naman siguro anak napaka-espesyal mo kasi mapapanuod mo to 10 years or 15 years, 20 years. Hindi ko alam from now, makikita mo tong video na ito at makikita mo kung paano namin ipinagdiwang ikaw.”

“Hindi ka pa lumalabas makikita mo na kung gaano ka namin kamahal. Maraming salamat kasi dumating ka. Mukhang babaguhin mo ang buhay namin. I love you, Kidlat. Power sa ‘yo, peace.”

Ito ang sabi ni Cong.

Mensahe ng mga magulang ni Cong at Viy para sa kanilang dalawa

Nagbigay rin ng mensahe ang mga magulang ni Cong at Viy sa kanila. Hirit ng ama ni Cong sana ay magpakasal na sila ni Viy.

“Ang masasabi ko lang sa inyo Cong at Viy, planuhin ninyo na ang inyong pagpapakasal. Dahil ‘yong magiging apo namin sa inyo ay magiging legitimate na “Velasquez na.

Bago ang lahat hindi pa naman lumalabas ‘yong bata, magmahalan kayo at mag-bigayan. At higit sa lahat tumawag tayo sa Panginoon pagka-may problema kayo.”

Nagpaalala rin ito kay Cong na sana ay huwag saktan si Viy at palakihin ang magiging anak nila ng higit sa ginawa nila bilang mga magulang.

“Cong, huwag mong sasaktan si Viy. Kung anong ginawa naming pagpapalaki sa inyo ay higitan ninyo pa. Mahal na mahal namin kayo.”

Ito ang sabi pa ng tatay ni Cong sa kanilang dalawa ni Viy.

Payo naman ng ama ni Viy sa kanilang dalawa ni Cong ay ibigay at ialay ng mga ito ang buhay sa kanilang magiging anak.

“Ang masasabi ko lang ang pag-aalay ng sarili sa mga anak. At ipaglaban lagi ang tama, ipaglaban lagi ang katotohanan. Ilagay o ilaan ang sarili para sa mga anak. Kung kinakailangan kahit buhay dapat ibibigay.”

Ito naman ang mensahe ng tatay ni Viy.

Its a boy! Cong TV at Viy Cortez nalaman na ang gender ng kanilang baby

Image from Nice Print Photography

Habang payo naman ng ina ni Viy sa kanila ni Cong ay paghandaan na ang pagdating ng anak nila. At dapat bilang mga magulang ay magtulungan sila sa pag-aalaga dito.

“Ang masasabi ko sayo Viy, napakahirap mag-alaga ng bata kung sa totoo lang. Kahit gusto mo ng matulog kailangan tulog manok kasi ang pag-aalaga ng bata. Hindi ka puwedeng matulog ng himbing na himbing kasi konting galaw lang ng anak kailangan gising ka. Magpalitan kayo. Minsan kung mahirap tumahan yung bata nandyan si Cong para tulangan ka.”

Congratulations Cong at Viy!

 

YouTube

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • It’s a boy! Cong TV at Viy Cortez nalaman na ang gender ng kanilang baby
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko