X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angeline Quinto sa pagiging first time mom: "May mga pagkakataon na bigla akong iiyak, 'di ko alam anong dahilan."

5 min read
Angeline Quinto sa pagiging first time mom: "May mga pagkakataon na bigla akong iiyak, 'di ko alam anong dahilan."

Angeline Quinto nagpasalamat sa mga tumulong sa kaniya para maalagaang mabuti si Baby Sylvio

Angeline Quinto very happy ngayong isa na siyang ganap na nanay at inspired dahil sa kaniyang son na si Sylvio. Ngunit may mga pagkakataon na naiiyak daw siya kahit hindi niya alam ang dahilan.

Ang maaari mong mabasa sa artikulo na ito ay ang mga sumusunod:

  • Karanasan bilang ina, ibinihagi ni Angeline Quinto
  • Angeline Quinto nagpasalamat sa mga tumutulong sa kaniya

Karanasan bilang ina, ibinihagi ni Angeline Quinto

Sa panayam kay Angeline Quinto sa Star Magic Inside News, naitanong sa singer kung ano ang kaniyang mga pinagdadaanan ngayong bilang ina.

Saad ni Angeline, hindi pa siya sigurado kung postpartum depression ang kaniyang nararamdaman. Ngunit may mga pagkakataon na nagiging emosyonal siya at minsan ay nagagalit pa sa kaniyang partner na si Nonrev Daquina, ang tatay ng kaniyang son.

“So may mga pagkakataon po na bigla akong iiyak, di ko alam kung anong dahilan. Tapos minsan, yung papa nung baby ko, galit ako sa kaniya. Hindi ko rin alam ang dahilan.”

“Pero minsan, may time na in love na in love ako. Ang weird ‘no? May time na tuwang-tuwa ako sa kaniya.”

angeline quinto son

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Doon na-open up ng kaniyang manager ang tungkol sa postpartum depression. Ngunit ayon kay Angeline Quinto, hindi niya batid kung ‘yon nga ang kaniyang pinagdadaanan matapos niyang isilang ang kaniyang son.

Kwento pa niya, matapos naman daw niyang magalit at umiyak ay move-on na siya ulit.

“Iniisip ko, ano naman kaya bukas ang emosyon ko?”

Minsan daw ay naiisip niyang hindi madali ngunit kapag nakikita na niya ang kaniyang anak, nalilimutan na niya ang lahat ng hirap at pagod. Saad pa ni Angeline ay marami pa siyang gustong maintindihan at malaman sa pagiging mommy at lahat naman daw ng ito ay ready siyang matutunan.

“Minsan naiisip kong hindi madali, hindi madali. Pero kapag ka nakikita ko ‘yong anak ko, parang lahat ‘yon nakakalimutan ko. Nakakalimutan ko ‘yong hirap, nakakalimutan ko ‘yong pagod.”

“At ‘yon nga, ang dami kong gusto pang maintindihan at malaman sa pagiging mommy. At lahat naman yan talagang ready ako na matutunan lahat for baby.”

angeline quinto son

Larawan mula sa instagram account ni Angeline Quinto

BASAHIN:

Angeline Quinto nataranta sa first bath ni Baby Sylvio: “Baka masyadong malamig o mainit ‘yong tubig.”

Kinakagat ni baby ang nipples mo? Meryll Soriano shares breastfeeding tips

Coleen Garcia pina-breastfeed si Baby Amari kahit nasa dagat: “Strike anywhere”

Angeline nagpasalamat sa mga tumutulong sa kaniya

Ngayong nanay na si Angeline Quinto, halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya si Baby Sylvio.

“Sobrang happy. ‘Di ko ma-explain ‘yong kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Kasi araw-araw na nangyayari sa buhay ko ngayon na nakikita ko yung anak ko. Parang iba eh. Minsan iniisip ko nga, sa akin ba talaga galing ‘to?”

Ibinahagi rin ni Angeline Quinto ang kaniyang karanasan bilang isang mommy sa kaniyang son na si Sylvio. Nabanggit ni Angeline na worth it ang lahat kahit pa medyo nahirapan siya sa kaniyang panganganak dahil siya ay na-emergency CS. 

“Kahit na medyo nahirapan ako sa panganganak kasi na-emergency CS ako. Napaka-worth it lahat nung nakita ko ‘yong baby ko. Lalo nung first time na narinig ko ‘yong iyak nung baby ko, talagang ako din naiyak.”

Pagbabahagi pa ni Angeline Quinto na naisip niya na sana raw ay naabutan ng kaniyang mama na pumanaw na. Pero sigurado pa rin daw si Angeline na masayang masaya ang kaniyang mama at nandiyan lang naman na nakikita ang kaniyang apo kay Angeline.

Isa rin sa maituturing niyang pinaka-challenging para kay Angeline ay ang pagiging palaging puyat. Ika niya, minsan ay natataranta siya kapag biglang umiiyak ang baby lalo na kapag pinaliliguan niya ito. 

Nabanggit din niya na napaka-thankful at napaka-blessed niya sa mga kaibigang mommy na malalapit sa kaniya dahil sa pagtulong ng mga ito.

“Pero napaka-thankful din at napaka-blessed ko sa mga nanay na nandiyan. ‘Yong mga nanay na malapit sa akin, dami kong kaibigan na mga mommies na. So, kapag meron akong ‘di naiintindihan sa pagiging nanay, talagang sila ‘yong tumutulong sa akin.”

angeline quinto son

Larawan kuha mula sa instagram account ni Angeline Quinto

Sobra rin daw excited si Angeline sa mga nakikita niya sa kaniyang baby. Kuwento pa ni Angeline, sa ngayon ay nakikita niya nang ngumiti ang kaniyang anak. Sabi rin daw ng kaniyang doktor na ang hihintayin naman daw ni Angeline ay kung saan pipilitin o gagawin ng baby na iangat ang ulo niya. 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

“So ngayon, ang dami kong mga bagong pangarap. Ang daming mga bagong plano sa buhay ko na dati hindi naman. At syempre, bukod sa sarili ko talagang lahat ay ginagawa ko ngayon for Sylvio at sa binubuo po naming family.”

Sa panayam din sinabi ni Angeline Quinto na excited na siyang umuwi mula sa trabaho dahil may naghihintay sa kaniyang baby. Marami rin daw hinanda si Angeline para sa kaniyang mga tagasuporta, gaya ng mga bagong songs na handog din niya para sa kaniyang anak.

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nichole Samson

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angeline Quinto sa pagiging first time mom: "May mga pagkakataon na bigla akong iiyak, 'di ko alam anong dahilan."
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.