X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kinakagat ni baby ang nipples mo? Meryll Soriano shares breastfeeding tips

5 min read
Kinakagat ni baby ang nipples mo? Meryll Soriano shares breastfeeding tipsKinakagat ni baby ang nipples mo? Meryll Soriano shares breastfeeding tips

Kung sakaling nagsusugat na ang nipples dahil sa ginagawang pagkagat ni baby, narito ang mga dapat mong gawin ayon sa mga eksperto.

Meryll Soriano may breastfeeding tips sa mga mother na kinakagat ni baby ang nipples sa tuwing nagpapasuso.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Meryll Soriano breastfeeding tips
  • Bakit ba kinakagat ni baby ang nipples mo sa tuwing nagpapasuso at ano ang mga dapat mong gawin

Meryll Soriano breastfeeding tips

Meryll Soriano breastfeeding tips

Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano

Sa pinaka-bagong vlog episode ng aktres at mommy na si Meryll Soriano ay binigyan niya ng payo ang isang mother na may problema sa pagpapasuso ng kaniyang baby. Hinaing ng ina kinakagat ni baby ang nipples niya at pareho ng nagsusugat ang mga ito.

Sinubukan na daw niyang i-bottle feed si baby pero ayaw nito. Sabi pa ng mommy, gusto niya pa daw ipagpatuloy sana ang pagpapasuso. ‘Yon nga lang ay sobrang sakit na at hindi niya na kaya.

Agad naman naka-relate si Meryll Soriano sa hinaing ng mommy letter sender niya. Dahil tulad nito ay nagpapasuso parin siya sa anak niyang si Gido na 17 months old na sa ngayon.

“Ako din I’m breastfeeding exclusively dahil 17 months na si Guido. What a struggle but what a fulfilling experience.”

Ito ang sabi ni Meryll. Pero sa kaso nila ni Guido, pagdadagdag ng aktres, maaga niyang naturuan si Gido na huwag kagatin ang nipples niya. Ito umano ang kaniyang ginawa.

“Actually maaga kong naturuan si Gido na huwag masyadong mag-bite. Kasi kapag nagbi-bite siya tinatanggal ko siya agad sa nipples. Tapos sasabihin ko ‘Ok, no biting’. And then binibigyan ko siya ng mga teeters, doon siya magbi-bite so nanggigil siya. Pagkatapos niyang manggigil puwede na siyang bumalik sa aking dede.”

Ito ang breastfeeding tip na ibinahagi ni Meryll Soriano sa kaniyang mother letter sender.

Dagdag pa niya malaking tulong na kausapin rin si baby. Ito ay para unti-unti niyang maintindihan ang kaniyang ginagawa at matigil niya.

“It also it helps na kausapin ninyo rin yung baby ninyo na ‘Anak, wag mangangagat. No biting, anak’. Because when you bite nasasaktan si Mama.”

Sabi pa ng aktres, pagdating sa pagi-introduce kay baby ng pagbobottle-feed, makakatulong ang pagbibigay sa kaniya ng makukulay at magagandang bote. Ito ay para makuha ang interes niya na subukan ito at unti-unti ay ma-enjoy na.

Meryll Soriano breastfeeding

Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano

BASAHIN:

Kyla muling nakunan sa ikaapat na beses: “I can’t even put my feelings into words.”

Meryll Soriano aminadong mahirap magpalaki ng mga anak na may big age gap: “Feeling mo you’re not giving enough.”

Ryza Cenon kinabahan sa first amusement park ride ni Baby Night: “Grabe ‘yong takot niya.”

Bakit nga ba nangangagat si baby sa tuwing nagbe-breastfeed?

Ayon sa mga eksperto, maraming posibleng dahilan kung bakit kinakagat ni baby ang nipples mo sa tuwing siya ay sumususo. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Siya ay nagngigipin at sensitive ang mga gums niya. Ang pagkagat ay nagbibigay sa kaniya ng relief o nag-aalis ng pangangati ng kaniyang gilagid dahil sa papalabas na ngipin.
  • Bored siya o na-didistract habang sumususo.
  • Gusto niyang makuha ang atensyon mo.
  • Maaring mahina o masyadong malakas ang flow ng breastmilk mo kaya napu-frustrate siya.
  • Masama ang pakiramdam niya at masakit ang lalamunan kaya nahihirapang sumuso ng maayos. Ito ay maaring dahil sa cold o ear infection.

Ang mga nabanggit na dahilan ay maaring sabay-sabay na maranasan ni baby. Kaya naman mas nanggigil siya at mas mangangagat dahil sa frustration na nararamdaman niya. Pero may magagawa ka naman para patigilin ito.

Tulad nga ng payo ng aktres na si Meryll Soriano, mainam na agad patigilin at alisin si baby sa iyong suso sa tuwing nangangagat siya. Bigyan rin siya muna ng alternative na kung saan magagawa niya ito. Maaring ito ay malinis na basang tela o teeter na puwede niyang kagat-kagatin para doon niya ibaling ang panggigil.

Paano maiibsan ang sakit sa nipples na kinagat ni baby

Kinakagat ni baby ang nipples mo? Meryll Soriano shares breastfeeding tips

Mom and baby photo created by cookie_studio – www.freepik.com 

Sa oras naman na nagsugat na ang iyong suso dahil sa pangangagat ni baby. Ito ang mga maaari mong gawin para mapabilis ang paggaling ng iyong nipples.

  • Banlawan ng tubig na may asin ang iyong nipples para maalis ang pananakit at mas madali itong gumaling.
  • Maari ka ring gumamit ng nipple cream na kung saan makakatulong rin sa paggaling ng sugat sa iyong nipples.
  • Maaari mo ring i-cold compress ang masakit mong nipples. Kumuha ng ice pack at idampi ito sa iyong nipples na makakatulong na maibsan ang pananakit nito.
  • Iwasan din muna ang pagpapasuso sa nipples na nagsusugat na. Bigyan na muna ito ng oras o panahon na maghilom.
  • Makatutulong rin ang pag-express muna ng gatas na ipapadede kay baby kaysa i-direct breastfeeding siya.
  • Mayroon din namang mga pain relievers na maari kang inumin na safe sa pagpapasuso. Sa tulong ng mga ito ay naiibsan ang pananakit na nararanasan habang nasisiguro na naibibigay parin kay baby ang breastmilk mo.

Pero para mas maliwanagan sa struggle na iyong nararanasan sa pagpapasuso, mas makakabuti kung lalapit at makikipag-usap ka sa isang eksperto. Maaring sa iyong doktor o lactation specialist na mabibigyan ka ng payo na angkop sayo at sa sitwasyon na iyong nararanasan.

YouTube, Healthline

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kinakagat ni baby ang nipples mo? Meryll Soriano shares breastfeeding tips
Share:
  • Traffic pinabababa performance ng mga bata sa school, ayon sa isang study

    Traffic pinabababa performance ng mga bata sa school, ayon sa isang study

  • Man steals thousands of gift money from the wedding of his friend

    Man steals thousands of gift money from the wedding of his friend

  • 6 na oral health problems ng mga buntis

    6 na oral health problems ng mga buntis

app info
get app banner
  • Traffic pinabababa performance ng mga bata sa school, ayon sa isang study

    Traffic pinabababa performance ng mga bata sa school, ayon sa isang study

  • Man steals thousands of gift money from the wedding of his friend

    Man steals thousands of gift money from the wedding of his friend

  • 6 na oral health problems ng mga buntis

    6 na oral health problems ng mga buntis

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.