Ibinahagi ni Kyla sa Instagram ang malungkot na balita na muli siyang nakaranas ng miscarriage. Ito na ang ikaapat na beses na nakunan ang singer.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kyla sa kaniyang fourth miscarriage: “I am screaming and crying”
- Paano suportahan ang mahal sa buhay na nakaranas ng miscarriage
Kyla sa kaniyang fourth miscarriage: “I am screaming and crying”
Larawan mula sa Instagram ni Kyla
Hindi umano alam ni Kyla Alvarez kung paano maipapaliwanag ang kaniyang nararamdaman nang siya ay muling makunan. Aniya, ligaya ang hatid ng ilang buwan na nagawa niyang dalahin sa kaniyang sinapupunan ang baby, kahit na saglit lang itong ibinigay sa kaniya. Ngunit dagdag niya, ang ikaapat na miscarriage ay “unimaginable.”
“Losing you again for the fourth time is unimaginable. I can’t even put my feelings into words.”
Nahirapan din daw sila ng kaniyang husband na si Rich Alvarez na ipaalam ang miscarriage dahil wala rin silang pinagsabihan ng kanilang pregnancy. Ang plano sana nilang pagbabahagi ng excitement sa pregnancy ay nauwi sa grief na dulot ng panibagong miscarriage ni Kyla.
“I am screaming and crying in my head and I couldn’t tell anyone.”
Sa kabila ng nararamdamang lungkot at pagluluksa dahil sa miscarriage ay nagawa pa ring magpasalamat ni Kyla sa Diyos. Naniniwala aniya siya na magiging ayos din ang lahat at nagpasalamat sa presensya ng Diyos sa kaniyang buhay.
Saad pa ni Kyla, araw-araw ay intentionally siyang humahanap ng mga dahilan na maaari niyang ikaligaya.
“I have to constantly remind myself that God has already placed people in my life to love- people that I need in life. He has blessed me with the best ones to love and love me back. Everything else is just bonus.”
Larawan mula sa Instagram ni Kyla
Nagpadala naman ng kanilang pakikiramay ang mga celebrity friend at fans ni Kyla sa comment section ng kaniyang post.
Saad ng kapwa celebrity mom niya na si Angeline Quinto, “Ate Kyla, Gusto kita yakapin ngayon. I’m praying for you ate.”
Sina Karylle, Daryl Ong, Rocco Nacino, TJ Monterde, at Jonalyn Viray ang ilan pa sa mga celebrity na naghatid ng kanilang pagdamay.
Taong 2018 nang maranasan ni Kyla ang dalawang unang miscarriage at July 2021 naman nang makunan ito sa ikatlong pagkakataon. Matatandaang noong 2021 ay ibinahagi rin ng singer ang naramdamang kalungkutan sa pagkawala ng anak.
Aniya, malalim umano ang sakit at lungkot na kaniyang naramdaman. Noong 2018 naman ay ipinaliwanag nito na hindi basta-basta nawawala ang lungkot na dala ng pagluluksa.
“Grief is not a once and done process. You don’t cry for a week, or a month, or a year and then move on. It’s hard. You don’t get it out of your system. I will always wonder about the birthdays that we will never get to celebrate.”
Ngunit kagaya ng nararamdaman sa ngayon, ay itinaas na lamang ni Kyla sa Panginoon ang lungkot at sakit. Nagtitiwala aniya siya sa plano ng Diyos sa kaniyang buhay.
BASAHIN:
What causes miscarriage and how much at risk is a pregnant woman in
6 common kinds of antibiotics that can cause miscarriage
Britney Spears nakunan: “We lost our miracle baby”
Paano suportahan ang mahal sa buhay na nakaranas ng miscarriage
Larawan mula sa Instagram ni Kyla
Mabigat na karanasan ang mawalan ng anak dahil sa miscarriage. Kung ikaw ay may kaibigan o mahal sa buhay na nakaranas nito, mahalaga ang suporta na maaari mong maibigay sa kanya.
- Kausapin siya at iparamdam na may kasama siya. Iwasang i-invalidate ang kaniyang nararamdaman.
Narito ang ilang maaari mong sabihin sa kaniya:
- “I’m very sorry that you have to lost your baby”
- “This must be very difficult for you”
- “I don’t know what to say, but I’m here for you.”
Narito naman ang mga dapat mong iwasang sabihin sa kaniya:
- “Don’t worry, you are young. You can always have another baby”
- “It wasn’t meant to be”
- “It was probably for the best”
- “At least you have other children”
- Keeping in touch. Kung hindi ka sigurado kung space at privacy ba ang kailangan ng mahal mo sa buhay matapos makunan, maaari kang magpadala ng card o message sa kaniya. Ipaalam na iniisip mo siya at nariyan ka lang kung kailangan niya ng kasama.
- Kung ikaw ay buntis o may anak na bata pa, itanong muna sa iyong kaibigan o mahal sa buhay na nakunan kung ayos lang ba na kayo ay bumisita. Mayroon kasing ilan na nakararamdam ng stress o mas matinding lungkot kapag nakakakita ng buntis o bata matapos na sila ay makaranas ng miscarriage.
- Kung ikaw ay isang ina, at nakunan ang iyong anak, mahalaga ang comfort na maibibigay mo sa kaniya. Kapag nakakaramdam ka ng guilt o worry na baka may naipasa kang genetic o medical condition sa iyong anak, maaaring magpakonsulta sa iyong doktor.
- Kung matindi ang epekto ng miscarriage sa mental health ng pamilya, makabubuting humingi ng tulong o magpakonsulta sa mga mental health professional.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!