X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

5 min read

Andi Eigenmann masaya sa kaniyang 32nd birthday. Dahil ang hinihiling-hiling ni Andi na bakasyon ng kanilang pamilya sa labas ng bansa ay natuloy na.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • First out of the country, family vacation nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo kasama ang kanilang mga anak.
  • Mensahe ni Philmar kay Andi Eigenmann sa 32nd birthday nito.

First out of the country family vacation nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo kasama ang kanilang mga anak

andi eigenmann family vacation sa indonesia

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Nitong Biyernes ay masayang lumipad palabas ng bansa si Andi Eigenmann kasama ang mga anak niyang sina Ellie, Koa, Lilo at fiancé na si Philmar Alipayo.

Pagbabahagi ni Andi sa kaniyang Instagram account, kasama ang kaniyang mga anak at si Philmar ay isasakatuparan na nila ang matagal naring naunsyameng first family vacation nila sa labas ng bansa.

“Been dreaming about this moment! To me, there is no better way to make cherishable memories than to travel the world with my family. We were finally able to do it!”

Ito ang caption ni Andi sa IG post niya tampok ang ilang larawan sa naging biyahe nila. Sa kanila ngang first family vacation na ito, sabi pa ni Andi ang napili nilang puntahan ay Bali, Indonesia na talaga nga namang pinag-ipunan at matagal ring hinintay ni Andi para maisakatuparan.

“With the pandemic, money saving, (and even the kids getting sick and us having to push back our entire trip to give them time to get better), it sure feels so much sweeter to finally be here! For our first #HappyIslandFam vacation, we decided to go to Bali, Indonesia!”

Ito ang sabi pa ni Andi sa kaniyang Instagram post.

Sabi ni Andi sa pinaka-latest na vlog ng kanilang “Happy Islander” YouTube channel, napaka-special ng family vacation na ito ng kaniyang pamilya para sa kaniya. Dahil matagal niya na daw pinangarap ito na magawa ng kaniyang pamilya kasama siya.

Ang naging inspirasyon niya nga daw para gawin ito ay ang kapatid niyang aktor na si Gabby Eigenmann. Hindi man daw ito matatandaan na maliliit niya pang anak na si Koa at Lilo, ito naman ay memories to keep para sa kanila ni Philmar.

“I got inspired my brother shout out to Mr. Gabby Eigenmann who made me realized how much more fun to see the world and make memories not just by yourself but with your kids regardless if they will remember it or not. Because the memories anyway are for me. They are for me and Papa. They’re for us to cherish for the rest of our lives.”

Ito ang natatawang sabi pa ni Andi.

Dagdag pa nga ni Andi ay may mga natutunan siya at tips na nais i-share sa iba pang mommies na tulad niya pagdating sa pagbyabyahe na may kasamang bata.

LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Dapat daw ay nag-ischedule ng flight o biyahe na hindi ka maru-rush. Ito ay para walang naiiwan, nawawala at na-hihighblood sa inyong mag-asawa. Dapat ang biyahe ay enjoy rin for the kids at hindi lang para makarating sa detinasyon niyo.

Dapat game kayo na i-entertain at laruin sila. Nakakatulong rin ang panonood at paggamit ng gadgets pero hindi dapat sobra para hindi sila ma-bored. Ganun rin ang pagbibigay sa kanila ng snack sa pagsisiguro na komportale ang byahe para sa kanila. Ito umano ang tips na natutunan ni Andi sa pagbabiyahe nila.

BASAHIN:

Jake Ejercito shows dinner date photo with Ellie; shares throwback picture of Andi Eigenmann

Andi Eigenmann sa tuwing naloloka sa pag-aalaga sa tatlo niyang anak: “I just tell myself, ‘ginusto mo ‘yan!’”

KC Concepcion happy na sa relasyon kay Sharon Cuneta: “There is nothing like having your own mother’s LOVE.”

Mensahe ni Philmar kay Andi Eigenmann sa 32nd birthday nito

Samantala, sa kaniya namang Instagram account ay may post rin si Phimar tungkol sa kanilang family vacation sa Indonesia. Ayon kay Philmar, ang pagbabakasyon nilang ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ni Andi ng kaniyang 32nd birthday. Si Phimar binati si Andi sa kaniyang birthday sa pamamagitan ng isang short but sweet birthday greeting.

Sa post ni Philmar na magkahalong English at Bisaya ay sinabi niyang si Andi ay blessing sa buhay niya at sa kaniyang mga anak. Hinihiling niya rin na sana ay maging masaya ito sa araw-araw kapiling sila. Lalo na sa kanilang first family vacation sa Indonesia. Nag-I love you rin si Philmar kay Andi na hindi daw matutumbasan ng kahit na sino.

“Happiest birthday my Mahal. Having you in my life is nothing but a blessing, blessing kaw sa amo nan mga bata. Gusto ko malipajun kaw mintin kada adlaw sanan mag lingaw ta koman sa ato first family vacation diri sa Bali 🇮🇩 I love you so much na way maka labaw.”

Ito ang pagbati ni Philmar kay Andi.

Si Andi agad naman nag-reply sa IG post na ito ng kaniyang mahal na si Philmar. Siya ay nagpasalamat sa pagbati nito sa kaniya.

andi eigenmann 32nd birthday

Happy birthday Andi!

Instagram, YouTube

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.