LOOK: Farm-themed 1st birthday celebration ng anak ni Angeline Quinto na si Baby Sylvio

Narito ang birthday wish ni Angeline Quinto at fiancé na si Nonrev Daquina sa anak na si Baby Sylvio.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang taon na ang anak ni Angeline Quinto na si Baby Sylvio. Narito ang ilang tagpo sa naging farm-themed birthday celebration ng anak ni Angeline.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

Angeline Quinto at Nonrev Daquina ipinagdiwang ang first birthday ni baby Sylvio

Larawan mula sa Facebook account ni Angeline Quinto

Nitong April 27 ay nagdiwang ng kaniyang first birthday ang anak ni Angeline Quinto na si Baby Sylvio. Ang kaniyang birthday ginanap sa isang farm sa Lipa, Batangas.

Sa mga larawang ibinahagi ni Angeline sa kaniyang Instagram account ay makikitang nag-enjoy si Sylvio sa kaniyang first birthday. Poging-pogi rin ito sa kaniyang cowboy costume pati na sa makulay na venue na pinuno ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng kaniyang mga magulang.

Ang mga batang invited sa birthday party ni Sylvio ay makikitang nag-enjoy rin. Dahil maliban sa masarap na food ay may ice cream cart, puppet show at magician na nag-entertain sa kanila.

Larawan mula sa Facebook account ni Angeline Quinto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ni Angeline at Nonrev sa anak na si Sylvio sa 1st birthday nito

Sa naturang event, syempre ang mga magulang ni Sylvio na si Angeline at Nonrev ay hindi rin maitago ang kasiyahan para sa anak. Sa video nga na ibinahagi ni Angeline sa kaniyang YouTube account ay engage sila ni Nonrev ng mensahe para sa kaniyang baby boy.

Si Nonrev, ito ang wish para sa anak na si Sylvio.

“Sana lumaki siyang mabait.”

Habang si Angeline naman ay ito ang wish para sa kaniyang unico hijo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Si Sylvio kapag gigising yan lagi yang nakangiti. Gusto ko makasanayan niya yun para paglaki niya at may haharapin siyang pagsubok, maalala niya lagi na tinuruan ko siyang masanay na laging naka-smile.”

Ito ang birthday wish ni Angeline Quinto sa first birthday ng anak niyang si Baby Sylvio.

Larawan mula sa Facebook account ni Angeline Quinto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement