X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Angeline Quinto ipinakita na ang mukha ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis!

4 min read
LOOK: Angeline Quinto ipinakita na ang mukha ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis!

Angeline ibinahagi narin ang magiging pangalan ng baby boy niya!

Angeline Quinto jowa reveal o pagpapakita ng mukha ng boyfriend at ama ng kaniyang anak ikinatuwa ng kaniyang mga fans.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angeline Quinto jowa reveal and maternity shoot.
  • Reaksyon ng mga netizens sa pagpapakita ng singer sa mukha ng ama ng kaniyang magiging anak.

Angeline Quinto jowa reveal and maternity shoot

angeline quinto

Image screenshot from YouTube video

May pasabog sa kaniyang bagong vlog episode nitong Biyernes ang singer na si Angeline Quinto. Dahil ang inakalang “Who Knows Me Better” lang na game ni Angeline para sa kaniyang team ay may twist pala sa dulo.

Si Angeline nag-share ng ilang tagpo sa ginawa niyang maternity shoot na kung saan kasama ang ama ng kaniyang magiging anak.

Ito ang unang pagkakataon na ipinasilip ni Angge ang mukha ng kaniyang boyfriend sa publiko. Matatandaang sa kaniyang mga nakalipas na vlog at interview ay pinipili niyang huwag magbigay ng impormasyon dito o kahit man lang maglabas ng litrato nilang dalawa na magkasama.

Ayon kay Angeline, ito daw ay mismong kagustuhan ng kaniyang boyfriend at ninais lang nilang i-enjoy ang moment ng kaniyang pagbubuntis.

“Yong tatay naman din talaga ng magiging baby ko, siya din talaga mismo, kumbaga ayaw niya po talaga ng showbiz.”

“Mas gusto lang talaga namin sana na mai-treasure itong moment na ito nang sa amin lang. Kasi iba rin ‘yong pakiramdam at mayroon talagang parte ng buhay natin na nagiging pribado na kasama lang ‘yong mga taong mahal na mahal natin at importante sa atin.”

Ito ang sabi noon ni Angeline.

angeline qunto jowa reveal

Image screenshot from YouTube video

Pero ngayon, mukhang iba na ang ihip ng hangin at handa na si Angeline na i-share sa kaniyang mga fans kung sino ang ama ng kaniyang ipinagbubuntis.

Bagama’t wala pang opisyal na pahayag si Angeline tungkol sa ama ng kaniyang anak ay tuwang-tuwa na ang kaniyang mga fan na nabigla sa kaniyang pa-jowa reveal. Ito ang ilan sa naging komento nila sa vlog ng singer.

“Happy for u Miss Angeline and finally may pic na kayong dalawa. Goodluck and God Bless.”

“Wow! Nasagot na rin ang mga katanungan namin. Congrats Angge. Can’t wait to see your baby.”

“Wow naiiyak ako sa short na pakita kay boyfriend mo sa inyong maternity shoot. happy for you Angeline. God bless you more and more each day. Keep safe.”

“OMG finally, face revealed na nga!!! Hahahaha unexpected. Congrats Angge!!”

Sa mga larawang ibinahagi ni Angeline ay makikitang napakasaya nito sa kaniyang pagbubuntis. Ganoon rin ang ama ng kaniyang magiging anak na inaalalayan siya sa ginawa nilang maternity photoshoot.

angeline qunto jowa reveal

 

Sa isa sa kaniyang latest Instagram story ay may video ng isang lalaking inupload rin si Angeline. Makikitang kapareho ito ng features ng lalaking kasama niya sa maternity shoot at posibleng ang boyfriend rin ng singer.

LOOK: Angeline Quinto ipinakita na ang mukha ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis!

BASAHIN:

Angeline Quinto: “Ngayon na magiging nanay na rin ako sana maging masaya kayo para sa akin.”

Angeline Quinto sa ama ng ipinagbubuntis: “Ayaw niya po talaga ng showbiz”

Trina Candaza shares pregnancy journey: “Nasa isang store kami natulog ako doon sa counter. Kasi grabe ‘yong antok ko, ‘di ko mapigilan.”

Angeline at kaniyang boyfriend may naisip ng pangalan para sa kanilang baby

Samantala, sa pinakabagong TV guesting ni Angeline ay ibinahagi niya na may napili ng silang pangalan ng kaniyang boyfriend para sa kanilang baby.

Matatandaang noong una nang hindi pa nire-reveal ni Angeline ang gender ng kaniyang baby ay naiisip niyang girl ito. Kaya naman ang naisip niyang pangalan sa anak ay tulad ng sa kaniyang Mama Bob at sa idol niyang si Regine Velasquez.

“Sa buong five months na pagbubuntis ko, ang buong akala ko babae ang magiging baby ko. Ang gustong-gusto ko talaga ipangalan, isunod kay Mama Bob na Sylvia.

Kasi Sylvia ang Mama Bob. Siguro second name ang Sylvia then first name Regina. Gustong-gusto ko kasi talaga Regina Sylvia.”

Ito ang sabi ni Angeline sa panayam sa kaniya sa programang “Magandang Buhay” ng ABS-CBN nito lamang nakaraang linggo.

Pero sa gender reveal party na in-organize ni Vice Ganda para kay Angeline ay nalaman niyang boy ang magiging baby niya. Kaya naman ito na ang pangalan nilang naisip ng kaniyang boyfriend sa magiging anak nila.

“Ang name na naisip namin nung Tatay niya, Aziel Sylvio. Ang meaning nung (Aziel), strength from God. At ang nickname gusto ko talaga Bobby.”

Ito ang sabi pa ni Angeline tungkol sa pangalan ng magiging anak na kasunod parin sa kaniyang namayapang Mama Bob.

 

ABS-CBN

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Angeline Quinto ipinakita na ang mukha ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis!
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.