Trina Candaza nagbahagi ng kaniyang naging pregnancy journey sa anak nila ni Carlo Aquino na si Enola Mithi. Ayon kay Trina, na-realize niya matapos magbuntis at manganak na hindi madali ang pagiging isang ina.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pregnancy journey ni Trina Candaza.
- Realizations ni Trina matapos mabuntis at manganak.
Pregnancy journey ni Trina Candaza sa anak na si Enola Mithi
Image from Trina Candaza’s Facebook account
Nagpaunlak ng isang exclusive interview ang model at first time mom na si Trina Candaza sa aming theAsianparent team. Isa sa nakuwento niya ay ang naging pregnancy journey niya sa anak na si Mithi.
Kuwento ni Trina, nasa Japan trip sila ni Carlo ng makaramdam siya ng mga sintomas ng pagbubuntis. Tulad na lang ng pagiging antukin na hindi umano mapigilan ni Trina na makatulog kahit nasaan pa siya.
“Galing kami sa Japan, nag-spend kami doon ng Christmas and New Year. Noong pag-uwi parang feel ko talaga pregnant na ako.
Kasi during nung Japan trip namin grabe as in sobrang inaantok ako. Noong nasa isang store, shop kami natulog ako doon sa counter. Kasi grabe yung antok ko, ‘di ko mapigilan.”
Ito ang kuwento ni Trina tungkol sa isa sa mga sintomas ng pagbubuntis na naranasan niya.
Antukin at sensitive na pang-amoy, ilan sa sintomas ng pagbubuntis na naranasan ni Trina
Maliban nga daw sa pagiging antukin ay sensitive rin ang pang-amoy ni Trina noong siya ay buntis. Ayaw niya ng matatapang na amoy. Kahit nga ang mga air fresheners sa bahay nila ay pinatanggal niya. Habang ang amoy ng bawang ang talagang hindi niya kinakaya at nagpapasuka sa kaniya.
“Nagluto lang ‘yong nagluluto sa amin, nag-saute lang ng garlic nasuka na ako agad. Tapos tuwing papasok ako ng work kahit nasa kotse lang ako nagsusuka talaga ako. Doon ako nahirapan kasi nasa work nasusuka ako. Sobrang lakas ng pang-amoy ko.”
Pagdating naman sa paglillihi, strawberry daw ang hinahanap-hanap na pagkain ni Trina noon. Pero kung may weird craving daw siya, ito ay ang hiniwang piraso ng mansanas na hindi niya kakainin ng hindi malamig o walang yelo.
Trina na-CS ng manganak
Image from Trina Candaza’s Facebook account
Kuwento pa ni Trina, tuwang-tuwang si Carlo noon ng malamang buntis siya dahil gustong-gusto na umano talaga nitong magkaanak. Pero ang pagbubuntis niya ay hindi naging madali, ganoon din ang panganganak niya. Si Trina ay na-CS dahil overdue na ang panganganak niya.
“‘Yong malapit na akong manganak, tapos iihi ka ng mdaling araw hindi ko in-expect na ganoon kasakit at kahirap ‘yon.”
“Na-CS ako. Medyo sad ako noon kasi gusto ko told mag-normal. Na-CS ako kasi ininduce ako, kasi overdue na ako. September 3 dapat ‘yong due date ko which is birthday ng daddy niya pero hindi ako nanganak, so noong Septermber 8 na-CS na ako.”
Dagdag pa ni Trina masyadong naging mabilis ang pangyayari noong panganganak niya. Pero sobrang saya niya daw ng makitang maayos si Mithi ng maipanganak.
“Sobrang bilis ng pangyayari. Sa CS pala mayroon pa lang feeling na kapag tinanggal na ‘yong baby sa tummy mo parang may dadagan na elephat sa chest mo. Na-feel ko na may tinanggal sa katawan ko tapos biglang bumigat.”
“Sabi ko wow tapos na. Ilang buwan kong dinala to tapos nakalabas na siya. Happy ako kasi noong nakita ko siya maayos siya. Kasi ‘yong ang pinaka-worry ko talaga baka may defect or what.”
BASAHIN:
Trina Candaza ibinahagi ang “paghiram” ni Carlo Aquino sa kanilang anak
Trina Candaza to netizen na nagsabing inagaw niya si Carlo Aquino: “Wala akong inagaw.”
WATCH: Trina Candaza pregnancy journey with baby Enola Mithi
Realizations ni Trina matapos magbuntis at manganak
Image from Trina Candaza’s Facebook account
Akala ni Trina kapag naipanganak na si Mithi ay tapos na ang paghihirap niya. Hindi niya inakalang magiging masakit at mahirap pala ang pagpapasuso pati na ang pagkakaroon ng hiwa ng dahil sa CS delivery.
“Hindi ko inexpect na ganoon pala kahirap ‘yong CS after. Naalala ko kahit ‘yong pag-upo lang sa hospital bed sobrang hirap. Iba ‘yong feeling ng katawan ‘yong feeling mo nasa baba lahat ng organs mo.”
Kaya naman dahil sa karanasan, may naging realizations ni Trina. Ito ay ang hindi madali ang trabaho ng isang ina. Lalo na pagdating sa pagbubuntis, panganganak at pag-aalaga ng sanggol.
“Nakakasaludo rin ‘yong mga nanay na dumaan sa ganoon. Kasi ang hirap pala alam mo ‘yon bagong tahi ka, tapos kailangan mong alagaan ‘yong baby mo tapos ang sakit pa magpa-breastfeed.”
Ito ang sabi pa ni Trina.
Sa ngayon, ang anak niyang si Mithi ay 1 year and 5 months na. Ito ay nag-bebreastfeed parin at nagsisimula ng mabanggit ng mga two-words na mga salita.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!