Angeline Quinto sinorpresa ng partner sa kaniyang first Mothers’ Day celebration: "Ang sarap sa pakiramdam."

Nagdiwang ng kauna-unahang mothers’ day si Angeline Quinto bilang isang mommy. Basahin ang buong kwento sa article na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinaghandaan ng non-showbiz partner ni Angeline Quinto ang first ever Mothers’ Day celebration ng sikat na singer bilang isang mommy.

Mababasa sa article na ito:

  • Angeline Quinto nagdiwang ng first Mothers’ Day as a mom
  • Sa pagiging mommy ni Angeline: Parang di ko nararamdaman ‘yong pagod

Angeline Quinto nagdiwang ng first Mothers’ Day as a mom

Sa latest vlog ni Angeline Quinto noong May 15, makikita ang preparasyon ng kaniyang partner para sa Mothers’ Day celebration.

Larawan mula sa Instagram ni Angeline Quinto

Nagsimula ang video sa pamamalengke ni at pagbili ng bulaklak ni Nonrev Daquina, ang partner ni Angeline Quinto. Ipinakita rin nito na siya mismo ang nag-arrange ng flowers para maging isang bouquet. Tumulong din ang boyfriend ni Angeline Quinto sa pag-decorate ng pool area kung saan gaganapin ang Mothers’ Day celebration.

Pagbaba ni Angeline Quinto mula sa kwarto, bitbit ang kaniyang anak ay nasorpresa siya sa nadatnan sa salas ng bahay.  Masayang sinalubong ng kaniyang partner si Angeline Quinto at baby Silvio at binati ng “Happy Mothers’ Day.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbiro naman ang actress-singer na baka ibawas daw sa kaniyang sweldo ang ipinambili ng lechon. Inalalayan ng boyfriend si Angeline Quinto patungo sa pool area at doon na niya nakita ang mga inihanda ng partner.

Nagpasalamat naman si Angeline Quinto sa kaniyang boyfriend dahil sa effort nito para sa kaniyang first Mothers’ Day.

“Gusto kong magpasalamat sa babe ko sa effort niya. Ang aga-aga niyang gumising para sa surprise sa Mothers’ Day. Unang Mothers’ Day ko. Thank you very much sa flowers…I love you. Thank you, babe.”

Larawan mula sa Instagram ni Angeline Quinto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Simula pag gising pa lang daw ni Angeline Quinto ay binaha na siya ng pagbati para sa Mothers’ Day.

“Iba pala talaga ang feeling kapag gini-greet ka ng Happy Mothers’ Day. At talagang na-eexperience mo kasi nanay ka na. Ang sarap sa pakiramdam.”

Samantala, sa isang bahagi ng vlog ay makikita na kasama nila si Vice Ganda na nagdiwang ng Mothers’ Day.

Labis ang pasasalamat ni Angeline Quinto sa effort ng mga tao para sa kaniyang first Mother’s Day. Aniya sa caption ng vlog, talagang ramdam niya na ganap na ganap na siyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nangako naman si Angeline sa kaniyang fans na patuloy ang gagawing pag-uupload ng vlogs kasama ang anak na si Slyvio.

BASAHIN:

Angeline Quinto nanganak na, sinalubong si Baby Sylvio: "Love at first sight."

Angeline Quinto kinailangang i-CS para maisilang si Sylvio: "Nakatagilid ang ulo ni baby."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

Sa pagiging mommy ni Angeline: Parang 'di ko nararamdaman ‘yong pagod

Nag-upload ng vlog si Angeline Quinto noong May 11, 2022. Sa nasabing vlog ay ipinakita niya kung paano ang buhay niya ngayon bilang isang ina.

Nag-umpisa ang video sa pag-aalmusal ni Angeline Quinto habang natutulog si baby Slyvio. Aniya, madalas na wala sa oras ang pagkain niya. Minsan umano ay mas maaga siyang kumakain, madalas din na late dahil binabantayan ang anak.

Sinabihan na rin daw si Angeline ng kaniyang doktor na limitahan ang pag-inom ng kape dahil siya ay nagbre-breastfeeding. Ani Angeline Quinto, challenging pero masaya ang maging isang ina.

 “Kahit mahirap, nakakapagod, parang di ko nararamdaman ‘yong pagod. Ganoon pala ang nanay no?”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagpapatuloy ng vlog ay ipinakita pa nito ang mga ginagawa sa bawat araw na kasama ang anak. Nakaayos lahat ng gamit ni Baby Slyvio sa iba’t ibang organizer. Ito ay para umano hindi malito si Angeline Quinto kung saan kukunin ang mga gamit nito.

Ipinakita rin ni Angeline sa vlog ang paraan ng pagpaaaraw, pagpapaligo at pagpapalit ng diaper at damit ni baby Sylvio. Makikitang inaalalayan din siya ng kaniyang partner sa pag-aalaga sa bata.

Pagkatapos mapaliguan ang bata ay dumede na ito. Saad ni Angeline, alternate niyang ginagawa ang breastfeeding at bottle feeding sa kaniyang anak.

Larawan mula sa Instagram ni Angeline Quinto

“Noong una nga, after ko manganak, siguro mga unang araw o pangalawang araw. Nahirapan akong magpadede talaga."

Nagpasalamat din si Angeline sa mga midwife na tumulong sa kaniya at nagturo kung paano mag breast pump.

“Noong wala pang gatas na nalabas sa akin, pinilit talaga naming makapag-breast pump every day. Kahit masakit tinitiis ko."

Ngayon daw kahit papaano ay may lumalabas na rin daw na breastmilk sa dibdib ni Angeline Quinto.

Nagising ng ala-una ng umaga si Angeline dahil nagising din si baby Sylvio. Pinadede niya ang bata hanggang sa muling makatulog. Bandang ala-singko ng umaga ay muling nagising ang singer at ang partner nito para i-breastfeed ulit si baby Sylvio at palitan ng diaper.

Nag-iwan naman ng mensahe si Angeline para sa mga kapwa niya mommy lalo na saa mga first time mom na tulad niya.

“Nakakaantok pero kailangan natin ‘to for baby. So laban lang tayo mommies. Kaya natin ‘yan. Lalo doon sa mga katulad ko na first time mom."

"Medyo maninibago talaga tayo pero nakakatuwa na nararanasan natin lahat ng ito. At nag-eenjoy ako sa ginagawa ko for Sylvio,”

Sinulat ni

Jobelle Macayan