Angeline Quinto may naisip ng pangalan kung magiging baby girl ang anak niya

Prank yan! Ito daw agad na naisip ng mga showbiz friends ni Angeline ng malamang buntis siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angeline Quinto nag-share ng pregnancy updates tungkol sa pinakabagong-vlog niya. Singer ibinahagi ang naging reaksyon ng mga showbiz friends niya ng malamang buntis siya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angeline Quinto pregnancy update.
  • Reaskyon ng mga showbiz friends ni Angeline ng malamang buntis siya.
  • Naisip na pangalan ni Angeline kung magiging baby girl ang anak niya.

Angeline Quinto pregnancy update

Nitong Biyernes ay ibinida ni Angeline Quinto sa Instagram ang baby bump niya. Kasabay nito ay muli rin siyang nagbigay ng update tungkol sa pagbubuntis niya sa kaniyang vlog.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong mula sa mga followers niya sa Instagram. Karamihan ng mga tanong ay tungkol sa karanasan ni Angeline sa una niyang pagbubuntis. Tulad na lang sa kung naging moody rin ba siya na sagot ng singer ay oo, na nawewirduhan din siya.

Image from Instagram 

“Sobra. Sobrang sensitive ako ngayon. Ewan ko para nga akong nababaliw minsan. May time din na iyak ako ng iyak at hindi ko alam kung saan nanggagaling kalungkutan ko. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil masayang-masaya ako o umiiyak ako dahil malungkot ako.”

Ito ang natatawang kuwento ni Angeline tungkol sa sensitive mood niya sa ngayon. Kuwento pa niya naging antukin rin siya. Sa katunayan, tulog lang siya ng tulog noon matapos kumain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang sa napansin niyang namamanas na ang kaniyang mga kamay at paa. Ito ang nagtulak sa kaniya na baguhin ang habit at mas maging active. Maliban sa pag-i-exercise, paglilinis sa loob ng bahay ay ito ang isa pang ginagawa ng singer para mawala ang antok niya.

“Wala pang 11am naliligo na ko para mabuhayan ang buong katawan ko at hindi ako antukin.”

Ito ang sabi ni Angeline.

Food cravings ni Angeline habang buntis

Pagdating naman sa pagkain, nakaranas din si umano si Angeline ng weird cravings. Ang pinaglihian niya balut, penoy at lumpiang toge na walang pinipiling oras kung hanapin niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Walang oras yung bigla-bigla kong maiisip na gusto ko ng penoy at saka balut. Gusto ko sa penoy ‘yong medyo basa. Ayoko kasi nung penoy na parang itlog na pag naluto.

Gusto ko ‘yong parang. Alam mo ‘yong penoy na parang taho ‘yong laman? ‘Yong malambot siya. Ganun ‘yong gusto ko. Tapos maraming maraming suka at saka balut.”

“Kadalasan ng ganyan, ‘di ba, kinakain natin iyan hapon o pagabi. So sa akin, walang oras. Minsan parang after ng tanghalian, gusto kong maghanap ng balut. Minsan naman, ang nangyari sa akin, ala-una ng madaling araw gusto ko kumain ng lumpiang toge. ‘Di ba mahirap?”

Ito ang natatawang kuwento pa ni Angelne tungkol sa pagbubuntis niya.

Prank ‘yan! Ito raw ang reaksyon ng mga showbiz friends ni Angeline ng malamang buntis siya

Pero kung may pinakanakakatawa sa kuwento ng pagbubuntis ni Angeline, ito ay noong nalaman ng mga showbiz friends niya na buntis siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat kuwento ni Angeline, inisip nila Kyla, Yeng Constantino at KZ Tandigan na nagpa-prank lang siya. Lalo pa’t nalaman ng mga ito na buntis siya habang sila ay nasa isang concert.

“Sila Ate Kyla, si KZ saka si Yeng, akala nila prank hindi sila naniniwala. Kinakausap sila noong naging writer namin sa concert ko na 10Q nasa Metropolitan Theater para sa gender reveal ng baby.

Sabi ni KZ, ‘Hala! si Ate Angge buntis. Prank ‘yan!’ So walang naniniwala hanggang sa nagtake kami, kumanta kami tapos, nag-take na kami ng gender reveal parang natahimik sila. Te totoo ba te? Hindi nga prank totoo nga!”

Doon lang daw naniwala sina Kyla, KZ at Yeng na naging emosyonal sa magandang balitang ibinahagi niya. Sina Sarah Geronimo, Erik Santos at Regine Velasquez ay tuwang-tuwa nga rin umano para sa kaniya ng sabihin niya sa mga ito ang magandang balita.

BASAHIN:

Angeline Quinto sa ama ng ipinagbubuntis: “Ayaw niya po talaga ng showbiz”

Angeline Quinto: “Ngayon na magiging nanay na rin ako sana maging masaya kayo para sa akin.”

Riva Quenery’s dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: “I felt betrayed”

Naiisip na pangalan ni Angeline sa magiging baby niya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Star Cinema

Kuwento pa ni Angeline sa ngayon ay may naisip na siyang pangalan kung sakaling magiging babae ang anak niya. Ito ay ang pagsamahin ang pangalan ng kaniyang Mama Bob at idol niyang si Regine Velasquez.

“Gustong-gusto ko yung name ni Ms. Reg ‘yong Regina, gustong-gusto ko ‘yon. Tapos noong pinagsama ko ‘yong pangalan ni Ms, Reg saka ng Mama Bob ang ganda ng kinalabasan. Sylvia Regina or Regina Sylvia.”

Ito ang masayang kuwento pa ni Angeline. Pero dagdag niya, depende parin daw ang pangalan ng kaniyang anak sa magiging gender nito. At hindi lang daw siya ang nag-iisip ng ipapangalan dito. Kung hindi dalawa sila ng ama ng kaniyang anak na ayon parin kay Angeline ay hindi pa ngayon ang tamang panahon para ipakilala niya sa publiko.

Si Angeline ay nakatakdang manganak ngayong darating na Abril.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement