Riva Quenery, ibinahagi ang naging saloobin ng ama sa kaniyang biglaang pagbubuntis.
Mababasa sa artikulong ito:
- Relasyon ni Riva at kaniyang ama na si Bob Quenery
- Unexpected pregnancy ni Riva
Relasyon ni Riva at kaniyang ama na si Bob Quenery
Ang kilalang aktres at vlogger na si Riva ay siyang itinuturing na “soft spot” ng kaniyang ama na si Bob Quenery.
Malapit ang aktres sa kaniyang ama at nito lamang nakaraan ay nagkaroon si riva ng pagkakataon upang maka-one-on-one ito sa isa sa kaniyang mga vlog.
Larawan mula sa Instagram account ni Riva Quenery
Nang tanungin ni Riva ang kaniyang ama kung ano ang pinakamasayang memory nito na habang buhay niyang iche-cherish,
“Noong pinanganak ka,” ang masayang sambit ng kaniyang ama.
Ang kaniyang ama ay kabilang sa limang magkakapatid na puro lalaki. Noon, lahat ng kaniyang kapatid ay may anak ng babae at siya lamang ang wala.
Dalawang lalaki ang kapatid ni Riva. Kaya naman ang kaniyang pagdating ay itinuturing ng kaniyang magulang bilang answered prayer.
Ayon sa kay Bob,
“I was asking God for a princess and she gave me an angel.”
Masayang ibinahagi ng ama ni Riva ang labis na kasiyahan niya nang dumating sa buhay nila si Riva.
Ang anak na babaeng pinaka-aantay ng ama ni Riva, ngayon ay may sarili na ring anak. Ano nga ba ang reaksyon at naramdaman ng ama ni Riva sa kaniyang pagbubuntis?
Larawan mula sa Instagram account ni Riva Quenery
BASAHIN:
Riva Quenery, Vern Ong at Baby Athena, nag-positive sa COVID
LOOK: Riva Quenery ipinakita ang photo ni Baby Athena, ikinuwento ang birth story
Riva Quenery goes through 3 swab tests, shares how she went through labor
Unexpected pregnancy ni Riva Quenery
Noon lamang nakaraang taon ay ibinahagi ni Riva Quenery sa mga netizen ang kaniyang biglaang pagbubuntis sa kaniyang long-term partner na si Vern Ong.
Marami ang nagulat ngunit higit na mas marami ang natuwa. Kasama na roon ang parehong pamilya ni Riva at partner na si Vern.
Subalit, alam ng fans at supporter ni Riva na mayroon siyang istriktong mga magulang lalo na ang kaniyang ama. Ano nga ba ang naging reaksyon nito sa hindi planadong pagbubuntis ng vlogger.
Sa isang vlog ni Riva mula sa kaniyang youtube channel ay naibahagi niya ang naging reaksyon ng kaniyang pamilya ukol sa usaping ito.
Dito ay ibinahagi niya na hindi umano siya emotionally stable para humarap sa kaniyang mga magulang at sabihin ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Ito rason kung bakit hinayaan na lamang niya na ang partner na si Vern ang maglakas ng loob magsabi sa kaniyang magulang.
Dahil pagmamahal at supporta ang nangibabaw noong panahon iyon, hindi agad napagusapan kung ano nga ba talaga ang totoong naradaman ng ama ni Riva sa pagiging pregnant ng aktres.
Ngunit kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagkakataon ang aktres at vlogger na si Riva na muling pagusapan ito. Sa isang vlog ni Riva na pinamagatang Questions I’ve never asked my dad, tapat na ibinahagi ng ama ang kaniyang naging saloobin sa bagay na ito.
Ayon sa kaniya,
“Nung nalaman kong buntis ka, mixed emotion siyempre ‘di ba? Hindi kasi siya nakaplano. I felt betrayed”
Bagama’t naging tapat ang ama sa kaniyang pagkadismaya, nagawa naman niya itong ipaintindi sa anak kung bakit ganito ang kaniyang nakaramdam.
Nasanay ‘di umano siya sa isang environment kung saan lahat ng bahay ay kailangang pinaplano lahat ng bagay. Para sa ama, ang pagkakaroon ng plan A, plan B, plan C, at kung minsang hanggang plan Z ay importante.
Dito siya nasanay kaya ang bagay ring ito ang parating pangaral niya kay Riza at sa kaniyang mga kapatid.
Para sa ama,
“If you fail to plan, you plan to fail.”
Samantala, tiwala’t pagmamahal naman sa anak ang nangibabaw. Dahil sa edad na 23 ni Riva, naniniwala ang kaniyang ama na may sapat na itong lakas upang tumayo at harapin ang totoong hamon ng buhay.
Hindi rin nagtagal ay natanggap at naramdaman din ng kaniyang ama ang excitement para sa kaniyang kauna-unahang apo.
“We just have to accept na since nung nalaman namin, ‘di ka na uuwi sa amin. Doon ka na sa partner mo,” dagdag pa ng ama ni Riva.
Ang pamilya ni Riva, lalo’t higit ang kaniyang ama at ina, ay nasa yugto pa rin ng kanilang buhay kung saan tinatanggap at nag-aadjust sila sa katotohanang may sarili nang pamilya ang kanilang unica hija.
Larawan mula sa Instagram account ni Riva Quenery
Inamin din ng ama nito na kung minsan ay bakas pa rin sa mata ng kaniyang ina ang lungkot tuwing kinakailangan nang umalis ni Riva sa kanilang bahay.
Madalas din ‘di umano nilang ma-miss ang bunso lalo na sa mga pagkakataong magkakasama ang pamilya ngunit si Riva at wala dahil mayroon na rin siyang sarili.
Samantala, ang video na ibinahagi ni Riva ay umani naman ng mga positibing reaksyon mula sa mga viewer.
Ayon kay Grace Figueroa,
“Daming lesson na pwdeng matutunan dito sa episode with your daddy.”
Pagbabahagi naman ni Angelika Tolentino,
“I’m crying na parang yung parents ni ate riva get disappoint for what she become kase hindi yun yung plano but at the same time they handle it and accept her kase kahit anong gawin mo anak parin nila yun. PROUD OF YOU ATE RIVA!!”
At para naman kay Alliyah Bangate,
“Napaka genuine ng mga sagot ng dad nya..All straight to the point and halos words of wisdom. You are blessed to have a dad like him ate Riva! Godbless your fam!”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!