Riva Quenery baby Athena naisilang na!
Mababasa sa artikulong ito:
- Riva Quenery baby Athena isinilang na.
- Preparations of Riva Quenery before giving birth.
Riva Quenery baby Athena naisilang na!
Nanganak na ang dancer, actress at vlogger na si Riva Quenery. Sa wakas ay naisilang niya na ang kaniyang Baby Athena! Ito ay makikita sa pinaka-latest na Instagram story ni Riva.
Bagama’t wala pang opisyal na pahayag ang 23-anyos na si Riva na siya ay nanganak na, makikita sa kaniyang IG story na ipinagdidiwang na ng kaniyang pamilya ang magandang balita.
Sa IG story ni Riva ay makikita ang larawan ng kaniyang boyfriend na si Vern Ong na may hawak na bulaklak at white teddy bear na may pink ribbon.
Sa bandang baba ng larawan ay makikita ang isang sanggol. Samantala, sa sumunod na IG story ay makikita ang larawan ng isang cake na may nakasulat na “Happy Bornday Baby Athena”. Sa parehong larawan ay makikitang very happy ang pamilya ni Riva sa napaka-halagang moment na ito sa mga buhay nila.
Image from Riva Quenery’s Facebook account
Riva Quenery pregnancy
Matatandaang Mayo ngayong taon ng i-anunsyo niya kasama ang non-showbiz boyfriend na si Vern Ong na siya ay nagdadalang-tao.
Ito ay sa pamamagitan ng Instagram na kung saan ibinahagi ni Riva na ang pagmamahalan nila ng kaniyang boyfriend ay nakabuo ng isang buhay na talaga namang tine-treasure nila.
“The butterflies he used to give me turned into tiny feet.✨”
Ito ang post ni Riva tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
View this post on Instagram
Marami naman sa kaniyang fans ang agad na nagbigay ng kanilang prediction na girl ang magiging anak ni Riva.
“Baby girl magiging baby mo @riva. Take care always and congrats. God bless.”
Ito ang nasabi ng isang fan.
Ang prediction nga na ito ng fan ay nagkatotoo. Dahil sa gender reveal party ng baby ni Riva ay nalaman nilang isa nga itong girl.
Sa mensahe ni Riva sa ginawang gender reveal party ay sinabi niyang babae man o lalaki ay ayos lang sa kaniya. Basta maging healthy lang ang kaniyang baby.
“Super excited ako kasi super tagal kong inantay itong moment na ‘to, itong gender reveal. Pero para sa akin kahit anong gender naman talaga, basta ang lagi kong ipinagdadasal is healthy ‘yung baby paglabas.”
Ito ang nasabi ni Riva sa gender reveal party ng baby niya.
Nito nga lang din nakaraang dalawang linggo ay nagsagawa ng baby showe ang pamilya ni Riva para sa kaniya.
Image from Riva Quenery’s Facebook account
BASAHIN:
Vlogger Anna Cay on breastfeeding struggle: “Nakaka-stress ‘pag wala kang mabigay sa anak mo”
LOOK: Nikki Gil gives birth to baby girl, Madeline Elle
#AskDok: Is Aceite de Manzanilla safe for baby?
Riva nakuha pang mag-sayaw bago manganak!
Samantala, sa pinaka-latest na vlog ni Riva ay nakuha pa nitong pag-aralan ang steps ng trending Lalisa dance na matagal niya na daw gustong gawin.
Pero kahit malaki na ang tiyan ay makikitang hindi nakaapekto ito sa dance moves ni Riva. Bagamat pag-amin ni Riva nanibago at naging challenge sa kaniya ang pagsasayaw ng buntis.
“Sobrang nakakapanibago na sumayaw ng ganoon, Grabe yung challenge dahil di ko nakikita yung form dahil ang laki nga ng tiyan ko.”
Ito ang nasabi ni Riva sa kaniyang vlog.
Dagdag pa ni Riva, dahil sa pagbubuntis ay marami rin siyang napansin na pagbabago sa mukha niya.
“Grabe napapansin ko na changes sa mukha ko. Super dry na lips ko, lumalalim na mata ko. Yung pimple ko na sobrang tagal na hindi parin nawala ‘yong mark. Ito na yung sinasabi nilang stage ng pregnancy na sobrang pangit ka talaga. Ang lala.”
Sa parehong vlog ay sinabi rin ni Riva na baka manganak na siya anumang araw. Dagdag pa nga niya kung sakali mang hindi agad nasundan ng Lalisa dance cover ang latest vlog niya noong October 11, isa lang ang ibig sabihin nito siya ay nanganak na.
Image from Riva Quenery’s Facebook account
Tulad ng maraming nagdadalang-tao, ibinahagi rin ni Riva sa kaniyang vlog na kinakailangan niyang magpa-swab test linggo-linggo. Dahil ang negative RT-PCR swab test ang isa sa mga requirements na hinihingi ng mga ospital ngayon sa mga babaeng manganganak.
“Every week kailangan ko mag-swab para in case of emergency kailangan mayroon akong RT-PCR para sa hopsital. Kasi hindi ka ma-admit kung wala kang negative RT-PCR na valid lang for one week.”
Pagbabahagi niya sa kaniyang vlog, naka-tatlo siyang pa-swab test at ilang beses siyang nagpabalik-balik sa ospital dahil hindi pa bumubuka ang cervix niya para manganak.
Pagbabahagi niya sa kaniyang vlog, naka-tatlo siyang pa-swab test at ilang beses siyang nagpabalik-balik sa ospital dahil hindi pa bumubuka ang cervix niya para manganak.
Umabot nga nang hanggang 3 swab test ang kaniyang pinagdaanan para sa paghahanda sa kaniyang panganganak. Ano mang hirap ang pinagdaanan ni Mommy Riva ay worth it naman.
Congrats Riva at welcome to the world baby Athena!
Source:
ABS-CBN News
Photo:
Image from Riva Quenery’s Facebook account
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!