Vlogger couple na sina Riva Quenery at Vern Ong, ikinuwento ang kanilang karanasan nang nag-positive sila pati ang kanilang baby sa Covid.
Mababasa sa artikulong ito:
- Riva Quenery, Vern Ong at Baby Athena, nag-positive sa Covid
- Anong napagdaanan ng kanilang pamilya
Sa pagsimula ng taon, lumobo nang husto ang bilang ng mga taong tinatamaan ng Covid-19 sa bansa. Marahil ay mayroon kang kaibigan, kapamilya na tinamaan ng nakakahawang sakit na ito, lalo na ang Omicron variant.
Dagdag naman sa listahan ng mga artista at vloggers na nagkaroon ng Covid-19 ang munting pamilya nina Riva Quenery, Vern Ong at ang kanilang 3-month-old baby na si Baby Athena.
Riva Quenery, Vern Ong at Baby Athena, positive sa Covid-19
Sa kaniyang pinaka-bagong YouTube video na in-upload kahapon lang (January 12), bukod sa pagpapasilip ng trailer ng kaniyang pinakabagong proyekto (isang teleseryeng pinamagatang Dear God ng ABS-CBN), ibinahagi ng aktres at vlogger na kaya hindi siya nakapag-upload ng mga vlogs noong mga nakaraang linggo ay dahil tinamaan ang kanilang pamilya ng Covid-19, at nag-positive na naman siya sa pangalawang pagkakataon.
“Nag-positive po ako, si Vern, at sadly, si Baby Athena rin,” ani Riva.
Subalit ani sa new mom, wala namang dapat ipag-alala ang kanilang mga taga-subaybay dahil fully recovered na ang kanilang mag-anak.
“Pero we’re okay na. Okay na okay po kami,” pagbabahagi niya.
Ipinaliwanag rin niya kung bakit naantala muna ang buwan-buwang pag-a-upload ng monthly photo shoot ng kanilang baby, na inaabangan ng kanilang followers. Pero aniya, gagawin pa rin nila ito sa mga susunod na linggo.
Hindi man nagbigay ng masyadong maraming detalye si Riva tungkol sa kanilang pagkakasakit, nasabi naman niya na mas “mild” o mas banayad raw ang mga naramdaman niyang sintomas ngayon kumpara noong unang beses niyang nagkaroon ng Covid-19.
Larawan mula sa Instagram account ni Riva Quenery
Aminado ang aktres na imbis na isipin ang sarili, mas nag-focus sila ng partner na si Vern sa pagbabantay at pag-aalaga sa kanilang anak na si Athena.
“Nag-focus kami kay Athena – sa pag-observe sa kaniya, pag monitor sa kaniya. Hindi na para sa sarili namin, para kay Athena na lang talaga,” ani ng first-time parent.
BASAHIN:
LOOK: Riva Quenery ipinakita ang photo ni Baby Athena, ikinuwento ang birth story
Riva Quenery goes through 3 swab tests, shares how she went through labor
Gabay para sa mga magulang sa panahon ng COVID-19
Samantala, sa huling vlog naman ng magkapatid na Van at Vern Ong, nagbigay naman ng mas maraming detalye ang partner ni Riva Quenery na si Vern Ong tungkol sa pinagdaanan nilang pamilya dahil sa Covid-19.
Ani Vern, siya ang unang nagkasakit sa kanilang tahanan. January 4 nang una siyang nakaramdam ng chills at pangangati ng lalamunan.
Inakala niyang normal na ubo lang ito, subalit nang nilagnat siya, nagsagawa na siya ng saliva antigen test kung saan lumabas na positive siya sa Covid-19. Agad naman siyang nag-self-isolate mula sa kaniyang mag-ina para maiwasan na mahawa ang mga ito.
“Noong nag-positive ako, lumipat ako ng ibang room. Humiwalay ako kay Riva at Athena,” ani Vern.
Subalit hindi nagtagal ay sumailalim na rin sa swab test ang ilang miyembro ng kanilang pamilya at napag-alaman ngang nag-postitive na rin si Baby Athena.
Larawan mula sa Instagram account ni Vern Ong
Dahil negative pa si Riva sa unang antigen test, siya ang nag-alaga at nagbantay kay Athena. Ani Vern, hindi naman gaanong naapektuhan ang sanggol.
Isang araw lang nilagnat si Athena, at agad namang gumaling nang mabigyan ng gamot. Malakas pa rin siyang kumain, at pareho pa rin ang pagtulong.
Alam naman ni Vern ang napagdaanan ng kaniyang partner na unang beses maiwan sa kanilang anak mag-isa ng mahabang panahon.
“Si Riva nakatutok kay Athena. Siyempre hirap siya, solo niya si Athena.” ani ng vlogger.
“Magpapahinga siya tapos iiyak si Athena, Siya lahat eh – siya magpapa-burp, magpapakain, magpapatulog,” dagdag niya.
Hindi nagtagal ay nagkasakit na rin nga si Riva. Kaya inisip na rin nila na positive na rin ito sa Covid-19. Dito na nagsimulang sama-samang mag-isolate ang tatlo kasama pa ang dalawang kapatid ni Vern.
Sa kabila naman nito, sa halip na maawa sa sarili, naging positibo na lang ang pananaw ng kanilang buong pamilya na malalagpasan rin nila ang sakit.
Inisip ni Vern na marahil ay naging saglit lang ang kanilang sakit dahil sa fully-vaccinated naman silang lahat (maliban kay Baby Athena).
Larawan mula sa Instagram account ni Riva Quenery
Nagpasalamat rin sila sa mga taong tumutulong sa kanila, at sa mga taga-subaybay na hindi sila iniwan. Kahit naging madalang ang kanilang paglalabas ng bagong content.
Pinaalalahanan naman ng Ong Brothers ang kanilang supporters na maging mas maingat sa kumakalat na variant ng Covid-19 na Omicron dahil mas nakakahawa ito.
Panooring ang kanilang buong kuwento rito:
Source:
YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!