Angeline Quinto vlog: binuksan ng singer ang kanyang bahay para sa mga street children.
Angeline Quinto vlog
Sa isang vlog ng singer na si Angeline Quinto, ipinakita niya ang kanyang pag-iimbita sa ilang batang lansangan. Pinatuloy niya ito sa kanyang bahay at hinayaan na maligo sa swimming pool. Pinakain niya rin ang mga ito at binigyan ng groceries.
Ayon sa kanya, sa mga ganitong bagay daw talaga sumasaya ang kanyang puso.
“Actually matagal ko na pong plano ito na kapag nakakita ako ng mga bata sa kalsada, ginagawa nilang swimming pool kung anumang tubig, minsan kahit madumi doon sila naliligo.”
Ikinwento pa ng singer na ganito rin daw kasi siya noon. Nagsu-swimming din daw siya sa baha kasama ang kanyang mga kaibigan kaya naman ang sarap daw sa pakiramdam na ngayon ay siya na ang nakakatulong sa mga batang ito.
Angeline Quinto life before fame
Kilala si Angeline sa kanyang kwento na simple lang ang buhay nila dati. Kaya nga sa kanyang kanta na Patuloy Ang Pangarap, sinasabi niya na hindi naging madali para sa kanya noong nagsisimula pa lang siya bilang singer. Pero dahil sa kanyang pagpupursigi para sa kanya ring pamilya, nakamit niya na ang kung anong mayroon siya ngayon.
Lagi rin ikinikwento ni Angeline ang kanyang adoptive mother na si Mama Bob dahil ito raw ang kanyang punong inspirasyon sa lahat ng kanyang ginagawa. 6 years old daw si Angeline noong nalaman niya na siya ay adopted pero hindi naman nagbago ang relasyon nila ng kanyang ina na si Mama Bob. Sa katunayan, lalo pa nga raw niya itong minahal.
Sa kanyang mga life stories, hindi na rin talaga kataka-taka kung bakit sobrang busilak ang puso ni Angeline.
How to teach your kids to be generous
Kahit sa maliliit na bagay, importanteng turuan ang inyong mga anak na maging mapagbigay. Kapag mayroon silang nakikita na nangangailangan, dapat maramdaman agad nila ang urgency na tumulong. Isa kasi ito sa mga paraan para mapakita na napalaki nang mabuti ang isang bata.
Dapat din natin silang turuan na ‘wag tumingin sa estado ng buhay ng tao. Kahit pa sabihin niyong medyo nakaka-angat kayo sa buhay, dapat ay pantay-pantay ang trato natin sa ating kapwa.
Paano mo nga ba ituturo sa iyong anak na maging mapagbigay at matulungin? Simple lang, maging role model nila. Kailangan na makita muna nila ito sa atin. Kung kaya ng oras at inyong resources, makibahagi sa mga outreach programs ng inyong komunidad. Puwede rin naman na sa eskwelahan ng bata ay isali siya sa mga programs na tumutulong sa ibang tao.
Maigi rin na kausapin sila tungkol dito at talagang ituro sa kanila na ang pagiging matulungin ay mahalaga.
Watch the full vlog here:
Iba pang mga artista na tumutulong sa kapwa
Iza Calzado
Kilala bilang matatag na tao ang aktres na si Iza Calzado. Ito ay dahil bata pa lamang ay marami nang naranasan na nagpatibay sa kanya. Kaya nang makumpirmang positibo siya sa COVID-19 ay hindi agad siya nawalan ng pag-asa.
“Ang dami dami nang nangyari sa buhay ko. Ang dami nang hirap ang pinagdaanan ko. Sabi ko, hindi ito magtatapos dito. Hindi COVID ang magpapatiklop sa akin.”
Isa ang kanyang asawang si Ben Wintle sa naging inspirasyon ni Iza sa paglaban niya sa virus. Ayon sa kanya, hindi niya nakikitaan ng kahit anong pagkahina ang kanyang asawa.
“Yung asawa ko hindi ko siya nakitaan na pinanghinaan ng loob pero nakita ko kung gaano kabigat yung dinadala niya.”
Isa pa sa naging malaking parte ng COVID-19 journey ni Iza ay ang kanyang kasambahay na si Donna Garcia. Lubos ang pasasalamat ng aktres sa kanyang kasambay dahil sa pagpili at hindi pag-iwan sa kanila.
Iza Calzado on “Paano Kita Mapapasalamatan” | Image from ABS-CBN Entertainment
Kwento pa ng aktres, pinili ni Donna ang manatili sa kanila kahit na ito ay pinapauwi na sa kanilang bahay ng pamilya niya.
Ayon kay Donna, naging mahirap ang kanyang desisyon lalo na at nag-aaalala sa kanya ang kanyang pamillya.
“Ang hirap po eh. Mas pinili kong mag stay kahit ayaw ng anak ko pero sabi ko sa kanya kailangan din ako ng amo ko.”
Naging emosyonal ang aktres habang kinukwento ang kanyang kasambahay. Dito niya na-realize na pinili ni Donna ang magstay at manatili sa kanyang pamilya.
“Malaking bagay ‘yon para sa akin.”
Todo todo ang pasasalamat ni Iza Calzado sa kanyang kasambahay na si Donna Garcia. Ibinahagi rin nito na hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanila kung wala ang tulong nito.
“Ang dami mong sinakripisyo para sa amin. Sa amin mo ibinigay ang pagmamahal mo at taos puso akong nagpapasalamat. Pinatunayan mo na hindi lang employer o employee ang relationship natin. Posibleng maging iisang pamilya tayo. At dahil doon, sana tanggapin mo ang isang simbolo na ibibigay ko sa’yo.”
Dahil sa nangyari, isang malaking pasasalamat ang binigay ni Iza sa kanyang kasambahay. Ibinigay nito ang susi ng kanilang bahay dahil para sa kanya, parte na siya nito at bahay na rin niya ang bahay nila.
Heart Evangelista
Isa ka ba sa mga nangangailangan ng tulong para sa darating na School Year? Narito ang Big Heart PH ni Heart Evangelista! Ito ay ang kanyang proyekto para tumulong sa mga estudyante sa kanilang online learning.
Sa Instagram post ni Heart, inanunsyo niya ang launch ng kanyang passion project na Big Heart PH. Nasa kanilang Instagram page na rin ang mechanics kung paano makakasali at makakakuha ng free tablet at data allocation.
Matatandaan na noong Agusto pa lang ay nagsimula nang magbigay ng tulong ang dating host at aktres sa kanyang Twitter followers.
Image from Heart Evangelista’s Instagram
Umabot ng 550 tablets ang naibigay ni Heart sa mga estudyanteng nangangailangan ng gagamiting gadget para sa online class ngayong darating na pasukan.
Sa kuwento ni Heart, noong una ay hindi alam ng kanyang client kung saan niya gagamitin ang halos 500 piraso ng tablet. Hindi nila alam na ito ay gagamitin ng aktres para maipamahagi sa mga mag-aaral.
Sa kanya pang tweet, ito ang pahayag niya:
“The time, hardwork and love that I put out in this artwork was well worth it. As the proceeds have allowed me to purchase 550 tablets for angels.”
Kilala rin si Heart Evangelista bilang isang aktres na laging nagpapaabot ng donation para sa iba’t iba nating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.
BASAHIN: LOOK: Street kids nagbebenta ng kanilang drawing imbis na manglimos
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!