Anna Cay baby boy ang first baby. Beauty vlogger umaming nahihirapang magpa-breastfeed dahil sa masyadong maiksi umano ang kaniyang nipples.
Mababasa sa artikulong ito:
- Anna Cay baby and her breastfeeding journey.
- Tips sa mga breastfeeding moms na may flat nipples.
Anna Cay baby #1: Alexei Constantin
Image from Anna Cay’s Instagram account
Ganap ng isang ina ang beauty vlogger na si Anna Cay. Dahil nitong October 3 ay isinilang na ni Anna ang kaniyang first baby na isang boy sa pamamagitan ng planned cesarean section delivery. Ang kaniyang baby ay pinangalanan ni Anna at kaniyang mister na si Geloy Villalobos na Alexei Constantin o Baby X.
Ayon sa mga doktor, si Baby X ay isang healthy baby ng maipanganak na may bigat na 3180 grams. Ito umano ay complete breech o suhi kaya naman ay kinailangang i-cesarean maipanganak lang ng ligtas.
Kuwento ni Anna sa kaniyang vlog ay hindi naman siya nahirapang maipanganak si Baby X. Sa katunayan ay very smooth umano ang naging operasyon sa kaniya na halos hindi niya naramdaman na hinihiwaan na siya.
“Wala akong pain na naramdaman during operation. Hindi ko nga naramdaman na hiniwa na ako e.”
Ito ang nasabi ni Anna sa kaniyang vlog.
Pero kung may isang bagay umano na struggle para kay Anna ngayon ay ang pagpapasuso. Ito ay dahil masyadong short ang nipples niya na nahihirapan ang kaniyang Baby X na i-latch.
“Iyak siya ng iyak dahil hindi siya maka-latch sakin dahil short ‘yong nipple. May milk naman kasi kapag ginagamitan ng nipple puller may lumalabas na colostrum. Hindi puwede i-pump ‘yon, sobrang konti masasayang lang didikit lang sa pang-pump.”
Ito ang nasabi ni Anna sa kaniyang vlog tungkol sa pagpapasuso sa kaniyang bagong silang na sanggol.
Anna on breastfeeding: “Nakaka-stress ‘pag wala kang maibigay sa anak mo.”
Image from YouTube
Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi rin ni Anna ang malaking challenge na ito para sa kaniya.
Ayon kay Anna, ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit maraming mommy ang nag-gigiveup sa breastfeeding.
“Now I know why some mothers give up on breastfeeding. Nakaka-stress ‘pag wala kang maibigay sa anak mo.”
Ito ang sabi ni Anna. Pero dagdag niya, siya ay hindi susuko at naniniwala siyang sa mga susunod na araw o linggo ay mapapasuso niya na ng maayos ang anak niya.
“I’m just trying to trust the process na lalabas din siya.”
Ito ang sabi pa ni Anna.
Sa ngayon, nagpapasalamat si Anna sa suporta na natatanggap niya mula sa kaniyang pamilya. Dahil napakalakingbagay umano nito. Partikular na sa isa niyang kaibigan na isang ring mommy na nag-share ng gatas niya para sa kaniyang Baby X.
Sinabi rin ni Anna sa parehong Instagram story na totoo ang postpartum depression. Pero masuwerte siya dahil very supportive ang mga taong nasa paligid niya na tumutulong sa kaniya na malampasan ito.
BASAHIN:
Tips para sa mga mommies na may flat at inverted nipple
Food photo created by pvproductions – www.freepik.com
Samantala, ayon sa parenting educator at certified lactation counselor na si Abbie Yabot ay hindi dapat panghinaan ng loob ang mga mommies na nahihirapang magpasuso. Kahit na ba may flat nipples tulad ni Anna. Ang sikreto lang umano para maging successful ang breastfeeding ay ang pagiging matiyaga.
“Breast feeding ito hindi nipple feeding so kahit ano pang shape ng nipple mo kaya mo pa rin mag breastfeed basta ikaw ay matiyaga.”
Ito ang sabi ni Abbie na nagbahagi rin ng tip kung paano magiging madali ang breastfeeding sa mga may mga inverted o flat nipples na mommy.
“Kasi ang problema sa inverted at flat nipple kasi ‘yon ‘yong pang sentro nila, so medjo i-gaguide lang ni mommy si baby kung nasaan ang nipple.
You can also use ice cubes kasi ‘pag medyo malamig, gumaganon (tumatayo) ang nipple mo. ‘Yon ang pinaka easiest and remedy for inverted and flat but you can still breastfeed for sure.”
“Don’t worry if your nipple is inverted or flat, give it a week, lalabas na rin ‘yang nipples mo for sure so it will definitely be easier.”
Ito pa ang tip ni Abbie na isa ring mommy sa kaniyang limang anak.