Anna Vicente, isang Kapuso actress, inaming hindi naging madali ang mga pangyayari matapos niyang makapangak para sa kaniyang twin babies.
Mababasa sa artikulong ito:
- Anna Vicente kinailangang iwan ang kaniyang twins sa NICU
- Bakit kailangang dalhin sa NICU ang sanggol
Anna Vicente kinailangang iwan ang kaniyang twins sa NICU
Noong nakaraan buwan ay ibinahagi ng GMA Kapuso actress na si Anna Vicente ang kaniyang litrato kasama ang kaniyang newborn twin babies.
“My biggest blessings came earlier than expected,” pagbabahagi ng aktres.
Ayon sa kaniya, excited daw ang dalawang bata na lumabas mula sa kaniyang sinapupunan kaya naman kinailangan niyang mag-undergo sa emergency CS o Cesarean delivery. Mabilis daw ang naging pangyayari at inamin naman ng aktres na medyo kabado siya nong mga oras na iyon.
Subalit pagkukuwento niya,
“The kaba was worth it when I heard them cried for the first time, when I first held them in my arms. The best feeling ever! I never knew I could love someone so much that it hurts (in a good way)”
Hindi nakalimutan ni Anna na magpasalamat sa mga panalangin at positive energy na ibinibigay ng mga tao sa kaniya nang siya ay manganganak na.
Malaki rin ang pagtanaw ng utang na loob ng aktres sa mga staff ng ospital dahil nanatili siyang ligtas pati na rin ang kaniyang dalawang anak.
Samantala, ibinahagi rin ng aktres sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post ang kasalukuyang kondisyon ng dalawang bata na kaniyang iniluwal. Inamin ng aktres na hindi naging kasing dali ng kaniyang panganganak ang mga sumunod na nangyari.
Dahil napaaga ang paglabas ng mga baby, kinailangan muna sila iwanan ng kanilang ina na si Anna Vicente sa NICU. Ayon pa sa kaniya,
“We had to leave the twins in the nicu. I was looking forward to hospital trips everyday, early morning or even late at night because we couldn’t stand a day not seeing our babies.”
Bilang magulang, hindi matiis ni Anna at ng kaniyang non-showbiz partner na si Paolo Mercado na hindi puntahan ang kanilang mga anak sa ospital. Kaya naman maya’t maya ang kanilang pagbabalik-balik sa lugar upang bisitahin ang mga bata.
Pagbabahagi pa niya,
“It was really challenging, painful, amazing and everything in between but seeing them makes it all worth it.”
Hindi na rin talaga makapaghintay si Anna na makalabas ang kaniyang dalawang supling mula sa NICU upang ito ay kaniyang araw-araw makasama, mahagkan, at maalagaan.
“It was a wild ride but this sure made me stronger. Can’t wait to do life with you two,” sambit ng aktres.
Sa siyam na buwan niyang dala-dala sa kaniyang tiyan at ilang araw mula ng ito ay kaniyang iluwal at makita, masasabi ni Anna na ang dalawang anghel na ito na ang pinaghuhugutan nita ng lakas. Ang tatag na dala-dala niya ngayun ay nagmula sa kaniyang labis-labis na pagmamahal sa kaniyang “little family.”
Pagbabahagi ni Anna Vicente,
“If it wasn’t for these 2 I kinda wouldn’t be as strong as I am right now.”
BASAHIN:
LOOK: Rich Asuncion binigyan ng surprise baby shower sa Australia
LOOK: Anne Curtis at Erwan Heussaff ipinagdiwang ang 2nd birthday at binyag ni Baby Dahlia
Bakit kailangang dalhin sa NICU ang sanggol?
Ang ibig sabihin ng NICU at Neonatal Intensive Care Unit, kung saan buong araw binabantayan ng mga medical expert ang baby. Kinakailangang dalhin ang sanggol dito kapag siya ay maagang naipanganak, mayroong health problem, o hindi naging madali ang naging panganganak sa kaniya.
Karamihan sa mga sanggol ay dinadala sa NICU sa loob ng 24 oras matapos siyang ipanganak. May mga pagkakataon kung saan kinakailangang manatili ng sanggol sa NICU nang mas matagal, depende sa kondisyon ng kaniyang kalusugan.
May mga baby na nananatili lamang sa NICU sa loob ng ilang oras o araw. Samantala, may ilan din nagtatagal at umaabot ng linggo at mga buwan. Ito ay nakadepende sa kanilang kondisyon at kalusugan.
May ibang tawag din sa NICU. Tinatawag ito ng iba bilang:
- a special care nursery
- an intensive care nursery
- a newborn intensive care nursery
Sino lamang ang maaaring bumisita sa NICU?
Ang mga taong maaaring pumasok sa NICU ay nakadepende sa rules and regulation ng ospital. Karaniwan, ang mga magulang lamang ng sanggol ang maaaring pumasok at bumisita sa loob ng NICU.
May ilang pagkakataon kung kailangan pinapayagan din ang kamag-anak, subalit mayroon lamang nakatakdang oras at hindi sabay-sabay.
May mga units na nire-require ang mga bumibisitang magsuot ng hospital gowns, gloves, at mask kapag papasok. At sinuman pumasok, nurse, bisita, o magulang man ang pumasok ay kinakailangang maghugas ng kamay bago pumasok.
Karaniwang mayroong lugar upang paghugasan malapit sa NICU o kaya naman ay mga hand sanitizer. Mahalaga ito upang mapanatiling malinis ang loob at maka-iwas at hindi ma-expose sa germs ang sanggol.