X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Vlogger Anne Clutz sa kaniyang pregnancy journey: “Ramdam ko na, kaya ang sakit-sakit ng likod ko."

5 min read

Isa sa mga kilalang makeup vlogger na si Anne Clutz o kilala sa tawag ng kaniyang mga followers na Mama Anne ay buntis sa kaniyang 3rd baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Anne Clutz buntis sa kaniyang 3rd baby
  • Pregnancy journey ni Anne Clutz
  • Pagbabago ni Anne Clutz sa kaniyang lifestyle

Anne Clutz buntis sa kaniyang 3rd baby

Bago matapos ang taong 2021 ay sumagi sa isip ng mag-asawa ang muling pagkakaroon ng anak sa ikatlong pagkakataon. Samantala, malaki naman ang naging impluwensya ng edad ng sikat ng vlogger na si Anne Clutz sa kanilang tuluyang pagdedesisyon na muling mag buntis para sa kanilang baby #3.

Nagkaroon siya ng pangamba na mahihirapan siyang mabuntis muli kung madadagdagan pa ang kasulukuyan niyang edad na 37. 

Naging masaya naman ang kanilang pamilya sa desisyong ito ng mag-asawa. Lalo na ang kanilang panganay na anak na si Jeya na noo’y tutol sa muling pagkakaroon niya ng kapatid.

Sa pagkakataong ito, ipinakita ng kanilang anak ang labis na suporta para sa hinahangad ng kanyang mga magulang. Ayon sa kanya, kung ito ang gusto ng kanyang mga magulang at mayroon silang kakayanan para dito ay magiging masaya siya at patuloy na susuporta habang binibiro ang kaniyang na “sana babae” [ang susunod niyang kapatid].

Pregnancy journey ni Anne Clutz

Pagpasok ng bagong taon na 2022, ibinahagi ni Anne Clutz sa isang vlog ang simula ng kaniyang pregnancy journey. Dito ay ipinakita niya ang ilang mga kapansin-pansing pagbabago na nangyayari sa kanys.

Lalo na sa kaniyang pangangatawan at nararamdaman. Katulad na lamang ng masakit na balakang, palagiang pagduwal, at minsa’y sinasamaan rin ng pakiramdam. Dagdag pa rito ay madalas niyang maramdaman ang mabilis na pagkapagod kahit na wala siyang masyadong ginagawa. 

Dahil sa mga senyales na kaniyang napansin ay minabuti ni Anne Clutz na subukang mag-pregnancy test. Sa unang pagkakataon ay negative ang naging resulta ng dalawang test kits na kaniyang ginamit.

Bakas sa kanyang mukha ang lungkot at pagkadismaya, ngunit sa tulong at suporta ng kaniyang asawa’t anak at patuloy pa rin siyang naging positibo at muling sumubok. 

Pagbabahagi niya,

 “Umaasa pa ako dun sa second line..”

Vlogger Anne Clutz sa kaniyang pregnancy journey: Ramdam ko na, kaya ang sakit-sakit ng likod ko.

Hindi naman nabigo ang vlogger na si Anne Clutz, dahil sa pangatlong pagkakataon, malinaw na ‘pregnant’ ang lumabas sa digital pregnancy test kit na kanyang ginamit.

Masaya at agad niyang ibinalita ito sa mga kaniyang pamilya. Unang-una na siyempre sa kanyang husband na si Papa Kitz. Sunod na rito ang kaniyang dalawang anak na si Joo at Jeya, sa kanilang mga magulang.

anne clutz

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz

Makikita sa kanyang vlog na iisa lamang ang kanilang mga naging reaction, masaya at puno ng pagpapaalalang mag-ingat at alagaan ang kanyang sarili.

Pagkukuwento niya,

“Sabi ko na hindi ako nababaliw.. ramdam ko na.. na buntis ako!”  

anne clutz

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz

Pagbabahagi pa niya kaya pala umano siya nakakaramdam ng pananakit ng likod at iba pang sintomas ng pagbubuntis ay dahil siya ay buntis na talaga,

“Ramdam ko na, kaya ang sakit-sakit ng likod ko.”

BASAHIN:

Missed period? 5 pregnancy test kits you can buy online

LOOK: Vlogger Clutz buntis sa kaniyang pangatlong anak

Anne Clutz: “Gusto ko ng magpatali. Is it being selfish ba kapag pinili mong wag ng magka-anak pa?”

Pagbabago ni Anne Clutz sa kaniyang lifestyle

Kasabay ng kumpirmasyon, sinabi rin ng sikat na vlogger ang kanyang mga bagay na handa niyang baguhin sa kanyang lifestyle upang magkaroon ng mas maingat at maayos na pagbubuntis upang hindi siya magkaroon ng anumang problema.

Ayon sa kanya, hindi na rin biro ang pagbubuntis sa edad na mid to late 30s. Dahil na rin tayo ay nasa kalagitnaan pa rin ng pandemic, doble-dobleng pagiingat ang kanyang gagawin upang hindi magkaroon ng problema sa kanyang pagbubuntis.  

Partner Stories
Leukemia: What you need to know
Leukemia: What you need to know
Casa de Memoria sets Holiday Auction
Casa de Memoria sets Holiday Auction
Make Mornings Amazing at Ayala Malls
Make Mornings Amazing at Ayala Malls
Bring Your Plastic Waste to the Mall
Bring Your Plastic Waste to the Mall

Ayon sa kanya, mabuting maaga nilang nalaman ang tungkol sa bagay na ito dahil mas magiging mapanuri na siya sa mga bagay na kanyang gagawin at pagkain na dapat kainin.

Batid naman ni Mama Anne ang kalakip na mga responsibilidad ng kanilang desisyon na muling magkaanak. Kaya nga sa pagkakataong ito ay mas pag-iigihan niya ang pagkain ng mga healthy foods. 

Pagbabahagi niya pa,

“I’m praying na lahat ng kagaya ko na gusto magka-baby this year ay sana magka-baby rin kayo.”

anne clutz

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz

Ganoon din ang paglimita sa mga bagay na kanyang gagawin upang panatilihin ang maayos na kalusugan at pangangatawan. Hindi na lamang ito para sakanya kundi para sa kanilang magiging isa pang anak.

Bukod pa doon ay nabanggit niya na higit niyang bibigyan ng oras ang pamamahinga at paglalaan ng oras para sa sarili. Dahil hindi lingid sa kaalaman ng karamihan hindi lamang siya isang full-time vlogger at ina sa kanyang mga chikiting. Kundi isa din syang successful businesswoman.

Sa pagkakataong ito, mas tututukan niya ang kanyang pagbubuntis at paghahanda para sa kanilang ikatlong supling ni Papa Kitz.

Masaya niyang ibinahigi sa mga netizens ang magandang balitang ito. Gusto man daw niyang gawing pribado ang bagay ito, ay pinili pa rin niyang dahil sa kanyang pagmamahal sa kaniyang mga supporters.

Ayon sakanya, ang kanyang mga taga-suporta ay may malaking parte sa kanyang buhay kaya nais niyang ibahagi ang mga ito sa kanila.

Source:

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Kamille Uriella Batuyong

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • Vlogger Anne Clutz sa kaniyang pregnancy journey: “Ramdam ko na, kaya ang sakit-sakit ng likod ko."
Share:
  • Rashes on breast during pregnancy: What you need to know

    Rashes on breast during pregnancy: What you need to know

  • Buntis Guide: Sintomas ng buntis ng 14 weeks at iba pang paalala

    Buntis Guide: Sintomas ng buntis ng 14 weeks at iba pang paalala

  • Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

    Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

  • Rashes on breast during pregnancy: What you need to know

    Rashes on breast during pregnancy: What you need to know

  • Buntis Guide: Sintomas ng buntis ng 14 weeks at iba pang paalala

    Buntis Guide: Sintomas ng buntis ng 14 weeks at iba pang paalala

  • Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

    Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.