TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

LOOK: Vlogger Clutz buntis sa kaniyang pangatlong anak

4 min read
LOOK: Vlogger Clutz buntis sa kaniyang pangatlong anak

Matapos mag-desisyong magka-anak ulit, buntis na nga ang vlogger mom!

Kilalang vlogger Anne Clutz, buntis na sa kaniyang baby number 3! Alamin ang iba pang detalye rito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Anne Clutz, buntis na sa kaniyang ikatlong anak
  • Bakit nagbago ang isip niya
  • Mga sintomas bago makumpirma ang pagbubuntis

Huling hirit pa para sa sikat na vlogger na si Joanne Clutario o mas kilala sa tawag na Anne Clutz at sa kaniyang hubby na si Papa Kitz. Mula sa pagiging family of four, madadagdagan pa ng isang miyembro ang kanilang pamilya.

Kinumpirma nga ni Anne ang kaniyang pagbubuntis sa isang video na inupload niya sa kaniyang Instagram account, na walang ibang caption kundi ang isang emoji ng isang buntis na babae.

Sa kaniyang video, nakikitang lumuluha ang beauty vloggger habang tinitingnan ang kaniyang pregnancy test result na may nakalagay na ‘pregnant.’ Pinasilip rin niya ang kaniyang mga pinagdaanan para makabuo – kabilang na rito ang ilang larawan ng pregnancy tests na may negatibong results.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Anne Clutz (@anneclutz)

Gayundin, sa kaniyang mga huling IG stories, ibinahagi ni Mommy Anne ang kondisyon ng pagbubuntis:

“Finally! Masasabi ko na… Maselan ako now, guys; ‘di ako makatagal sa phone,” sulat niya, na may kasamang sumusukang emoji. “I’ll be back as soon as I’m able … Thank you! Please pray for me and little peanut,” dagdag niya.

Anne Clutz, nadesisyong magbuntis ulit

Matatandaang noong Mayo 2021, ibinahagi ni Anne na gusto na niyang magpatali o sumailalim sa ligation. Aniya noon, hindi niya makita ang sarili niyang babalikan pa ang hirap na dinaranas kapag nagbubuntis, at gusto niya na kung magbubuntis man siya, ay handa siya.

anne clutz buntis

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Cluts

“Hindi ko makita ‘yong sarili ko na babalikan ko ‘yong sakit na naranasan ko noong na-operahan ako.” aniya.

“Paano kung mabuntis ako? Feeling ko hindi ako ready. Kung magbubuntis ka, kailangan ready ka.”

Basahin ang tungkol sa kaniyang desisyong magpa-ligate dito.

Subalit sa kaniyang vlog na inilabas noong simula ng taon, ibinahabi ng sikat na vlogger na nagbago ang kaniyang isip at nagdesisyon silang mag-asawa na sumubok ulit.

Mapapanood sa vlog na kinakausap niya ang kaniyang 16-taong-gulang na anak na si Jeya tungkol sa kaniyang desisyon.

“Kung ibibigay ‘yan, ibibigay ‘yan, kung hindi, hindi.” sabi niya sa anak.

Noong panahong iyon, tinanong siya ni Jeya kung buntis na siya, pero sinabi niyang hindi pa. Tinanong rin niya si Jeya kung anong masasabi nito sa kaniyang desisyon, at sinabi naman ng anak na gusto niya ngang magkaroon ulit ng baby sa pamilya.

anne clutz buntis

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Cluts

BASAHIN:

Anne Clutz: “Gusto ko ng magpatali. Is it being selfish ba kapag pinili mong wag ng magka-anak pa?”

REAL STORIES: “Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang mabubuntis pa ako at 40.”

LOOK: Iya Villania buntis sa pang-apat na anak—isang BABY BOY!

Ibinahagi ni Mommy Anne na kamakailan lang ay kinausap niya ang kaniyang OB-Gynecologist at sinabi niya nga na nagbago ang isip niya.

Aniya, isa sa mga rason kung bakit nagdesisyon silang subukan uli ay ang kakaibang sayang nakikita sa asawa na si Kitz kapag napag-uusapan ang posibilidad ng pagbubuntis.

anne clutz buntis

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Cluts

“Iba kasi ‘yong saya ni Papa Kitz noong sinabi ko sa kaniya na, ‘Gusto ko yatang mag-baby pa.’ Iba ‘yong happiness niya, kuminang ‘yong mga mata niya. Ipagkakait ko pa ba sa kaniya ‘yon?”

Ayon pa sa vlogger, sumailalim na rin siya sa iba’t ibang tests para paghandaan ang kaniyang pagbubuntis, at pinayuhan na rin sila ng kaniyang OB kung kailan ang kaniyang ovulation timeframe upang mas tumaas ang posibilidad na makabuo.

Sa kaniyang pinakahuling vlog na inilabas noong January 7, mapapansing nakakaramdam na ng sintomas ng pagbubuntis si Mommy Anne, dahil habang gumagawa ng vlog ay sinabi niyang, masakit ang ulo niya at nakakaranas siya ng cramps, na siya namang pinag-alala rin niya. Pansin rin niyang tila “maga” na ang kaniyang mukha.

Pero hindi naman niya pinangunahan ang sarili.

“Hindi ko iniisip na buntis na ako, but a huge part of me na parang, ‘Sana ito na,'” aniya.

Sa kaniyang vlog, nasabi na hihintayin nila ang ika-20 ng buwan para makumpirma ang kaniyang pagbubuntis, pero mukhang napaaga na ang kumpirmasyon.

Dalawa ang anak nina Mommy Anne at Papa Kitz, si Jeya, 16, at si Joo, 6-taong-gulang.

Congrats, Anne at Kitz!

Partner Stories
H&M Spotlights the New Role Models of Today – Kids
H&M Spotlights the New Role Models of Today – Kids
Ayala Malls Makes A Big Magical Splash At The Cinemas
Ayala Malls Makes A Big Magical Splash At The Cinemas
A secret to living a healthy life: Whole Grains
A secret to living a healthy life: Whole Grains
Enjoy the fastest, most affordable, and family-sized PREPAID home Internet!
Enjoy the fastest, most affordable, and family-sized PREPAID home Internet!

Source:

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Eusebio

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tanyag na mga Pinoy
  • /
  • LOOK: Vlogger Clutz buntis sa kaniyang pangatlong anak
Share:
  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

    A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

  • Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

    Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

    A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

  • Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

    Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko