X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Iya Villania buntis sa pang-apat na anak—isang BABY BOY!

4 min read

Iya Villania shares pregnancy with her 4th baby and how she kept it a secret from her husband Drew. She and Drew also had a cute baby gender reveal. They are having another BABY BOY!

Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:

  • Iya Villania pregnancy news and experience with 4th baby
  • Mga pagbubuntis at anak ni Iya Villania.

Iya Villania buntis sa kaniyang 4th baby

iya villania

Image from Iya Villania’s Instagram account

Ito ang isa sa magandang balitang ibinahagi ni Iya Villania sa programang Mars Pa More kung saan siya ay isa sa mga host kasama si Camille Pratts at Kuya Kim Atienza.

Sa segment ng programang “Tarantanong” ay tinanong ni Camille si Iya kung totoo bang maging ate na si Alana. Ang sagot ni Iya ay isang masayang “Yah” na napasayaw pa sa tuwa.

“Yes Mars! Magiging ate na si Alana. I’m so excited!” dagdag pa ni Iya.

Sabi pa niya, ukol sa hindi halatang pagbubuntis dahil sa maliit niya paring tiyan ay hindi siya nahirapan dito. At masuwerte siya na kahit buntis na, siya ay nakakapagtrabaho at nakakahataw pa.

“I’ve been really lucky to have it easy again. At least, nakakapag-work ako. Kaya I am sure ‘yong iba diyan hindi siguro nila namalayan. Siyempre hataw pa rin tayo. Palaban din ito, e.”

Sa ngayon, si Iya ay nasa 4 month na ng kaniyang pagbubuntis at inaasahang manganganak sa kaniyang 4th baby ngayong Hunyo.

“So yes, we are expecting and parating na siya. Coming soon in June!”

Ito ang masayang sabi pa ni Iya.

Pagbubuntis ni Iya sinikreto nila noong una ng anak niyang si Primo

Samantala, sa kaniyang vlog ay ibinahagi ni Iya na silang dalawa lang ng panganay niyang si Primo, 5-anyos, ang unang nakakaalam ng pagbubuntis niya. Ito ay hindi alam ng mister niyang si Drew at kaniyang mommy Elena.

“Kuya Primo and I have a secret so nobody knows yet just a few maybe. Only few people knew.”

Ito ang sabi ni Iya sa kaniyang vlog.

Halos isang linggo umano itinago ni Iya at Primo ang kanilang sikreto. Kaya naman si Iya, super proud sa anak at sinabing, “Ah! This boy can keep secrets na.”

Ang sikreto ni Primo at Iya ay na-reveal lang noong nag-camping ang buo nilang pamilya sa Tanay. Habang karga ni Iya si Primo at nasa tabi ng mister na si Drew ay ito ang sinabi ni Primo.

“Papa, Mama has a baby, but it’s only very, very tiny. It will grow.”

Si Drew napa-Oh my God nalang at napasigaw ng “Woah. What an adventure!”

Pag-amin ni Iya sa ngayon ay hirap na sila sa pag-aalaga ng kanilang anak. Pero labis silang natutuwa na may dagdag na miyembro sa kanilang pamilya.

“It’s already so hectic with three having to walk in mud. But because we want to be more intense and bring an addition to the family.”

Ito ang masayang sabi ni Iya na sinundan ng matamis na halik ni Drew. Pabiro rin itong nagsabi na “Ginusto natin to e!” na sinundan ng tawanan ng mag-asawa.

BASAHIN:

Iya Villania warns parents: “Drew and I never thought this could happen from wiping your nose so much”

Iya Villania ibinahagi ang sikreto kung paano i-potty train ang kaniyang mga anak

Mommy duty while working! Iya Villania, nagpa-breastfeed habang live sa ‘Chika Minute’

Iya Villania pregnancy experience with her baby #4

iya villania and drew arellano family

Image from Iya Villania’s Instagram account

Sa parehong vlog ay ibinahagi ni Iya ang naging first check-up niya sa doktor na sinabing sa June 15 ang expected due date niya. Pagbabahagi rin ni Iya ay hindi naging madali ang unang mga buwan ng pagbubuntis niya dahil sa morning sickness na naranasan niya. Ito rin ang dahilan kung bakit nahirapan siyang itago ito bilang sikreto.

“This time around medyo nag-struggle na ko to keep it as a secret. Morning sickness this time around has not been good.  Actually, medyo all day sickness so that’s been the hardest part. The things that I used to like hindi ko na masyadong type.”

Ito ang pagbabahagi ni Iya. Isa nga daw sa mga inaayawan niya ngayong buntis siya ay ang mga juices niya na nakaugalian niyang inumin sa umaga at sa gabi bago siya matulog. Palagay ni Iya, ito ay dahil narin sa edad niya at syempre sa iba’t-ibang karanasan talaga ng pagbubuntis sa bawat bata.

August 30, 2016 ng ipanganak ni Iya ang panganay niyang si Primo. Matapos ang dalawang taon, August 19, 2018 ay ipinanganak niya ang second baby niyang si Leon. Habang si Alana, ang kaniyang baby girl ay ipinanganak niya nito lamang July 18, 2020.

iya villaniaand drew arellano kids

Image from Iya Villania’s Instagram account

 

Congrats Iya and Drew!

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Source:

GMA

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Iya Villania buntis sa pang-apat na anak—isang BABY BOY!
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.