Si Mommy Iya Villania na ata ang kokoronahan bilang ‘Best Multitasker Mom’ dahil sa pagiging hands on sa kanyang baby. Sa kanyang Instagram story kasi, ipinakita nito ang nakakabilib na mommy scene. Habang nag ho-host sa 24 Oras, ito pala ay nagpapa-breastfeed kay baby Alana!
Iya Villania, nagpa-breastfeed kay baby Alana habang live sa ‘Chika Minute’
Ilang linggo na ang nakakaraan nang ipinanganak ni Mommy Iya Villania si baby Alana, ang kanilang 3rd baby at 1st baby girl sa asawang si Drew Arellano. Aminado ang aktres na naging mahirap ang naranasang panganganak nito.
Iya Villania with baby Alana | Image from Iya Villania Instagram
Ang IG story nito ay may caption na “Thank you, Lord. Delivery is hard. Thank you Lord for getting me through that once again.”
Bago pa lamang ito, aminado si Mommy Iya na takot siyang maging baby girl ang kanilang magiging anak ni Daddy Drew. Ito’y dahil takot pa siyang lumaki ang magiging anak niyang babae sa panahon ngayon. Bukod pa rito, mga gamit ng baby boy ang mga nakahandang gamit para rito.
Ayon kay Mommy Iya, hindi niya inaasahan na magiging babae ang kanilang magiging anak.
“Wala akong hinandang pambabae, at all.”
Sa kabila nito, makikita mo pa rin ang pagiging emosyonal mommy ni Iya habang karga ang kaniyang baby girl.
Kilala rin ang celeb mom sa pagiging hands on nito! Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha sa pinapakitang dedication ni Mommy Iya para ipagsabay ang mommy duty while working?
Nakakatulong ng malaki ang suportang ibinibigay ni Daddy Drew sa kaniya. Noong isang linggo lamang, kuhang-kuha sa camera ni Daddy Drew si Mommy Iya habang ito ay nakaharap sa laptop at nagtatrabaho. Habang karga at nag pa-pabreastfeed kay baby Alana.
At ngayon nga, isa pang nagpabilib sa mga netizen ang Instagram story na in-upload ni Mommy Iya. Habang naka-live kasi ito ang kasalukuyang host ng ‘Chika Minute’, si baby Alana pala ay may breastfeed session!
Sa picture, ito ay may caption na,
“You’d never even guess there’s a baby feeding, one of the perks of working from home.”
Hindi mo mahahalatang habang live si Mommy Iya, ito pala ay may karga na baby at siya ay nagpapa-breastfeed.
Iya Villania with baby Alana | Image from Iya Villania Instagram
Breastfeeding kay baby
Sa journey ng isang pregnant mommy, isa sa pinaghahandaan diyan ay ang pagpapasuso o ‘yung tinatawag nating breastfeeding kay baby.
Ang breastfeeding ay isang mahalagang gawain. Dahil ang gatas ng ina ay isa sa mga pangunahing kailangan sa development at healthy na pangangatawan ng sanggol habang lumalaki.
Marami rin ang benefits ng sanggol sa gatas ng ina. Ito ay dahil ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies. Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t ibang importanteng ingredients para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil rito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kaniyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.
Bukod pa rito, ang breastfeeding para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan rin ang obesity o labis na katabaan sa kanyang edad.
Iya Villania with baby Alana | Image from Iya Villania Instagram
Benepisyo ng breastfeeding kay baby:
- Napapababa ang tiyansa na magkaroong ng eczema, asthma, at food allergies si baby.
- May mabilis na epekto sa kaniyang cognitive development.
- Napapaganda ang tubo ng ngipin at bumababa ang tiyansa na magkaroon ng tooth decay.
- Napapababa ang risk ng obesity habang tumatanda.
- Napapababa ang risk ng sudden infant death syndrome.
Benepisyo ng breastfeeding kay mommy:
- Ang pagpapasuso o breastfeeding kay baby ay isang magandang bonding sa inyong mag-ina. Mapapanatili kayo nitong close at napapatibay ang connection sa isa’t-isa.
- Ang breastfeeding ay napapababa ang risk ng breast cancer at ovarian cancer kay mommy.
- Napapababa ng breastfeeding ang hip fractures at osteoporosis.
Source:
GMA News
BASAHIN:
FIRST LOOK: Coleen Garcia nanganak na!
FIRST LOOK: Dianne Medina, isinilang ang anak nila ni Rodjun Cruz
Solenn, pinakita kay Nico kung paano mag-multitask habang nagpipinta at nagpapa-breastfeed
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!