Kaninang bandang 4 pm ay nag-post ang aktres na si Coleen Garcia sa kaniyang Instagram account na siya nga ay nanganak na sa pamamagitan ng isang “unmedicated water birth at home!”
“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari ❤️”
Pinili ni Coleen Garcia ang “unmedicated home birth.”
Ito ang maikling caption ng nilagay ng new mom kalakip ng kaniyang delivery photos. Makikita rin ang kaniyang asawa na si Billy Crawford na todo suporta sa kaniyang asawa. Ipinasilip rin ng mag-asawa ang kanilang baby boy na si Amari.
Ayon sa mga post ni Coleen ay inabot siya ng apat na oras ng active labor bago niya naisilang si Baby Mari ng 6:33 am ng September 10. After mailabas si baby, inilabas naman niya ang placenta matapos ang isang oras.
Coleen Garcia, nag-labor ng 4 hours bago nanganak
Coleen Garcia: Unmedicated home birth
Noong ipinagbubuntis pa lamang niya si Baby Amari ay sinabi na ni Coleen Garcia na nais niya na manganak nang natural at hindi gumagamit ng aumang medikasyon o anesthesia. Nais din niyang isilang ang kanilang baby sa loob ng kanilang tahanan ng asawang si Billy.
“Unmedicated is my goal,” pahayag niya sa kaniyang guesting sa Youtube channel ni Tim Yap. “I started watching my birthing classes yesterday, it’s all online. I started watching it. It’s from the States. It’s centered on natural, unmedicated birth and I watched the first session yesterday and I was crying. I was crying because it looks so hard.”
Kita sa larawan ang pag-aalaga kay Coleen ng kaniyang mister na si Billy.
Coleen Garcia: Pregnancy journey
Sa kaniyang recent interview para sa Preview magazine kung saan nagkaroon siya ng maternity photo shoot, sinabi ni Coleen Garcia na naging kakaiba nga ang kaniyang experience sa pagbubuntis dahil na rin sa pandemic na nararanasan ng buong mundo.
“There have been many limitations, restrictions, and obstacles, but at least it wasn’t impossible.”
Dagdag pa niya, “I want to look back on this pregnancy and remember all the happiness that each milestone brought us… I want to remember that, even in such a gloomy time, this was more than enough, and it was all we needed for us to be filled to the brim with joy and hope.”
Sa mga vlogs din ng aktres, inamin nito na hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang Polycystic Ovarian Syndrome o mas kilala bilang PCOS. Dahil dito, madalas siyang umiinom ng pills para rito. Dahil sa madalas na pagpunta sa check-up niya, nawala rin agad ang kanyang PCOS.
Bukod sa PCOS ni Coleen, pinayuhan rin sila ng kanilang doctor na hindi pa oras para sila ay magkaanak. Ito ay dahil sa dating lifestyle ni Billy. Mahilig kasi itong uminom ng alak at manigarilyo dati ngunit halos 2 years na rin ng itigil niya ito.
Nang nagbuntis si Coleen ay labis silang nagulat ng malaman ito. Ito ay dahil hindi karaniwan na ma delay ang period ng aktres dahil nga sa iniinom nitong pills para sa PCOS.
Unang naramdamang sintomas ng pagbubuntis ng aktres ay ang pagsusuka. Kaya naman nang mag take ng pregnancy test si Coleen, dalawang line ang nakikita niya rito ngunit ang isang line ay malabo. Kuwento ng aktres na hindi agad niya ito sinabi sa asawa dahil baka delayed lang talaga siya ng period at maaaring bumalik din agad.
Hawak-hawak ni Billy Crawford ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Amari.
Kaya naman kahit hindi ideal ang sitwasyon ngayon, bakas sa mukha ng mag-asawa ang pagsilang ng kanilang precious baby na matagal din nilang hinintay. Congratulations, Coleen and Billy!
Home birth: Sino ang puwede dito?
Hindi lahat ng buntis ay maaaring sumailalim sa home birth. Ayon sa Mayo Clinic, ilan nga sa mga dahilan kung bakit hindi puwedeng sumailalim sa home birth ang isang buntis ay ang sumusunod:
- Nagbubuntis ng multiples o higit sa isang sanggol.
- Wala sa tamang posisyon ang ipinagbubuntis na sanggol. O hindi ito maipapanganak ng una ang ulo o sa pamamagitan ng headfirst delivery.
- Sumailalim sa C-section bago ang kasalukuyang pagbubuntis.
Habang ayon naman sa American College of Obstetricians and Gynecologists o ACOG, ang isang babae ay maaring maging candidate ng home birth kung low risk ang kaniyang pagbubuntis. O kung hindi siya nakakaranas ng sumusunod na kondisyon:
- Hypertension
- Diabetes at iba pang chronic medical conditions
- Pregnancy complications tulad ng gestational diabetes o preeclampsia.
- At risk sa preterm birth
Kung hindi naman nagtataglay ng mga sumusunod na kondisyon at good candidate para sa home birth ay mahalagang makipag-ugnayan parin sa kaniyang health care provider ang isang buntis. Dahil sila ang magbibigay ng ng necessary precautions na magsisiguro sa kaligtasan niya at ng kaniyang sanggol sa panganganak.
“If you are considering a home birth, it would be wise to make sure your health care provider continues to take all necessary precautions. To keep you safe from potential exposure and then to carry on as normal.”
Ito naman ang pahayag ng women’s health expert na si Dr. Jennifer Wider.
Congratulations, Coleen and Billy!
SOURCE:
ABS-CBN News, Coleen Garcia Instagram
READ MORE:
Coleen Garcia, gusto ng natural at unmedicated childbirth para sa kaniyang first baby
Home Birth during COVID-19: Lahat ng dapat mong malaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!