X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Breastfeeding: Mga pagkain na dapat iwasan

4 min read
Breastfeeding: Mga pagkain na dapat iwasan

Narito ang mga pagkaing dapat kainin at iwasan ng mga nagpapasusong ina.

Pagkain na dapat iwasan breastfeeding do’s and don’ts para sa mga nagpapasusong mommy.

Pagkain Na Dapat Iwasan Breastfeeding

Image from Freepik

Upang makakuha ng mga nutrients at minerals ang isang bagong silang na sanggol ay mahigpit na ipinapayong kumain ng masusustansyang pagkain ang kaniyang nagpapasusong ina. Ngunit hindi nangangahulugan ito na kahit anong prutas o gulay ay maari niya ng kainin. Sapagkat may ilan sa mga ito ang maaring makaapekto sa lasa ng kaniyang gatas at supply nito na maapektuhan ang maayos na pagsuso ng kaniyang sanggol. Ilan nga sa mga pagkain na dapat iwasan ng breastfeeding na ina ay ang sumusunod.

Pagkain na dapat iwasan breastfeeding do’s and don’ts

Pagkaing hindi dapat kainin ng breastfeeding mom

Alcohol

Ang pag-inom ng alcohol habang nagpapasuso ay maaring makaapekto sa milk production ng isang breastfeeding mom. Ito ay humahalo rin sa bloodstream at maaring mapunta sa gatas ng ina. Ang epekto ito ay magdudulot ng pagbabago sa sleep pattern ng sanggol at makakasama sa kaniyang early development.

Sa mga okasyong nais uminom ng alcohol ng isang breastfeeding mom, mabuting maghintay ng dalawang oras matapos uminom ng alcohol bago ulit magpasuso.

Pagkain Na Dapat Iwasan Breastfeeding

Image from Pixabay

Chocolates at kape

Ang pagkain ng chocolate at pag-inom ng kape ay hindi rin makakabuti sa isang breastfeeding mom. Dahil ito ay may taglay na caffeine na maari ring mapunta sa gatas niya at maaring maging dahilan upang hindi makatulog ng maayos ang isang sanggol. Naapektuhan rin nito ang milk production ng isang nagpapasusong ina at nagdudulot ng dehydration.

Maanghang na spices o pagkain

Ang mga maanghang na pagkain ay dapat ding iwasan ng mga nagpapasusong ina. Dahil ito ay maaring magdulot ng kabag, gas, pagtatae at rashes sa isang sanggol. Dapat ding iwasan ng isang breastfeeding mom ang pagkain ng bawang. Dahil sa ito ay maaring makapagpabago ng lasa at amoy ng gatas niya.

Maasim na prutas

Ang pagkain ng maasim na prutas ay hindi magiging masama sa isang breastfeeding mom kung ito ay hindi naman sobra. Ngunit, kung kakain o iinom ng sobrang juice mula sa mga maasim na prutas ito ay maaring magdulot ng reaksyon sa sensitive pang tiyan ng sanggol. Isa pang prutas na dapat iwasang kainin ng breastfeeding na ina ay pinya. Dahil ito ay nagdudulot ng gas sa tiyan ni baby at binabago rin nito ang lasa ng gatas niya.

Mga gulay na maaring magdulot ng gas kay baby

Upang maiwasan rin ang gas sa tiyan ni baby ay dapat ding iwasang kainin ng nagpapasusong ina ang mga gulay na nakakapagdulot nito. Ang mga gulay na ito ay sibuyas, repolyo, cauliflower at broccoli.

Peppermint at parsley

Ang mga pampalasa tulad ng peppermint at parsley ay ding iwasang kainin ng nagpapasusong ina. Dahil maaring maapektuhan nito ang milk supply ng breastfeeding mom pati na ang lasa ng gatas niya.

Matatamis na inumin at pagkain

Bagamat kailangang laging uminom ng liquid ng isang breastfeeding mom dapat niyang iwasang uminom ng matatamis na inumin ganoon din ang matatamis na pagkain. Dahil ang fructose na mula sa mga pagkain at inuming ito ay maililipat kay baby. Ito ay maaring magdulot ng problem sa kaniyang cognitive development at learning. At maari ring maging dahilan upang siya ay maging obese, magkaroon ng diabetes, fatty liver disease at sakit sa puso.

Mga pagkaing dapat kainin ng breastfeeding mom

Samantala, upang lumakas naman at maging masustansya ang gatas ng isang breastfeeding mom ay may mga pagkain siyang dapat kainin. Ito ay ang mga sumusunod:

Oatmeal

Ang oatmeal ay hindi lang maganda para sa digestion nagpapalakas rin ito ng supply ng gatas ng isang ina.

Salmon

Ang isdang salmon ay full of nutrients at omega-3 fatty acids. Nagpapalakas rin ito ng supply ng gatas at nagpapaganda ng quality nito.

Spinach

Ang mga nutrients na taglay ng spinach na folic acid, iron at calcium ay mahalaga sa development ni baby. Ito ay may iron na nakakatulong rin para makaiwas sa anemia ang isang breastfeeding mom.

Carrots

Ang carrots ay puno ng vitamin A na makakatulong sa eye development ng isang sanggol. Nakakatulong rin ito sa produksyon ng gatas ng isang ina.

Dairy products

Ang mga dairy products tulad ng keso, gatas at yogurt ay magandang source ng protein at calcium. Ang mga nutrients na ito ay makakatulong sa development ng bones ng isang sanggol.

Pagkain Na Dapat Iwasan Breastfeeding

Image from Freepik

Mga pagkaing may taglay na protein tulad ng itlog at whole grains

Tulad ng dairy products ang itlog ay good source rin ng protein na kailangan at mahalaga sa sanggol para sa kaniyang paglaki. Ganoon din ang mga grains tulad ng brown rice at whole-wheat bread.

Partner Stories
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'

Source: CDC, USC News, Medical News Today, Healthline, The Asianparent

Basahin: 5 breast milk storage bags na maaari mong gamitin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Breastfeeding: Mga pagkain na dapat iwasan
Share:
  • 16 na pagkain na maaaring makapagpalaglag sa sanggol

    16 na pagkain na maaaring makapagpalaglag sa sanggol

  • 11 gawain ng mga toxic parent na dapat iwasan ng mga magulang

    11 gawain ng mga toxic parent na dapat iwasan ng mga magulang

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • 16 na pagkain na maaaring makapagpalaglag sa sanggol

    16 na pagkain na maaaring makapagpalaglag sa sanggol

  • 11 gawain ng mga toxic parent na dapat iwasan ng mga magulang

    11 gawain ng mga toxic parent na dapat iwasan ng mga magulang

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.