Paano mag-potty train ng baby? Narito kung paano tinuruan ng TV host na si Iya Villania ang kaniyang mga anak na sina Primo, Leon at Alana.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pag-potty train ni Iya Villania sa kaniyang mga anak.
- Tips ni Iya Villania sa pag-potty train.
Image from Healthline
Iya Villania shares tip on potty training
Sa latest Instagram post ng TV host na si Iya Villania ay makikitang hawak niya ang kaniyang bunsong anak na si Alana habang nakaupo ito sa toilet bowl. Ayon sa caption ng post ni Iya, 4:30 ng umaga kuha ang larawan, ang oras kung saan nagpo-poop si Baby Alana araw-araw. Ang nakakatuwa lang kahit ito ay 4 months old pa lang, sanay na si Alana na mag-poop sa toilet bowl. Ito umano’y sa tulong ng potty training secret ni Iya na ginawa niya rin sa dalawa niyang boys na sina Primo at Leon.
View this post on Instagram
Paano niya ito ginawa sa mga anak niya?
Ayon kay Iya, tuwing madaling araw ay nagigising ang baby girl niyang si Alana para dumede. Matapos nito kapag napansin niyang nag-unlatch na si Alana at sumisipa-sipa ang kaniyang paa, ito na ang sign na ito ay magpo-poop na. Kaya naman dadalhin niya na ito sa toilet bowl at papaupuin.
“This baby girl has been waking up at 4:30am to go to the toilet 💩 then goes back down to sleep at 5:30am 😆 she normally just feeds back to sleep but when I noticed that she unlatches and starts to kick around, then I figured that must be the cue that she needs to go 💩 Have you guys tried sitting your baby on the toilet??? It’s crazy! You’ll be surprised! It’s almost so natural for them to poo in the toilet! It must be the pooping position 😆🤷🏻♀️ If you haven’t yet, take them when you know they normally poop 😆 like in the morning or before bath time 🚽 and then make it a routine! 😆#PottyTraining”
Ito ang pahayag ni Iya sa kaniyang Instagram account.
Isa pang dagdag na tip na ibinahagi ni Iya, para mas magawa ito ng maayos, imbis na onesies ay dapat sanayin na rin ang inyong mga anak na magsuot ng separate na top at bottom clothes. Ito’y para kapag mag-poop siya ay mas madali lang ito matatanggal at hindi na mahihirapan pa.
Image from Iya Villania’s Instagram account
BASAHIN:
Kumpletong guide: Hirap sa pagdumi ang baby at iba pang inaalala sa potty
Potty train your child in just one week with this Chinese method
Potty Training: Kailan ba dapat simulan?
Paano mag-potty train ng baby?
Ayon sa health website na Kids Health, walang tamang oras kung kailan dapat simulan ang pag-potty train sa mga bata. Ang mahalaga lang mabantayan ang mga palatandaan na sila’y ready na. Ang ilan umano sa mga palatandaan na ito’y ang sumusunod:
- Kaya na nilang sumunod sa mga simple instructions.
- Kaya na nilang maupo sa potty trainer.
- Naibaba na nila ang kanilang diapers, disposable training pants o underpants.
- Pagpapakita ng interes sa paggamit ng potty trainer o pagsusuot ng underpants.
- Hindi na nababasa ang kanilang diapers sa loob ng dalawang oras o higit pa.
- Kaya na nilang masabi ang salitang poop o ma-determine ang kaibahan nito sa pag-ihi.
Para naman unti-unti siyang maturuan na mag-potty train, narito ang maaari mong gawin:
Potty training tips
- Gumamit o turuan siya ng mga salita na mag-i-express na kailangan niya ng gumamit ng toilet o CR. Tulad ng mga salitang pee, poop at potty.
- Sabihan ang iyong anak na magsabi sa ‘yo sa oras na basa na ang kaniyang diapers.
- Alamin ang mga behavior na palatandaan na iihi o mag-poop na ang iyong anak.
- Bumili ng potty chair na puwedeng pagpratiksan ng iyong anak.
- Huwag pilitin ang iyong anak na umupo sa toilet kung hindi niya gusto.
- Ipakita o i-model sa iyong anak kung paano maupo sa toilet. Ipaliwanag din kung bakit mo ito ginagawa o ang kahalagahan nito.
- Mag-establish ng routine. Tulad ng pagpapaupo sa iyong anak sa potty trainer pagkatapos niyang dumede o maligo sa umaga. O kaya naman sa loob ng 15-30 minutes pagkatapos niyang kumain. Dahil ito ang mga oras na kung saan ang katawan ay may natural na tendency na magkaroon ng bowel movement o dumumi. Siguraduhin na ang routine na ito’y susundin ng iba pang kasama ninyo sa bahay. Tulad ng kaniyang caregiver na nag-aalaga sa iyong anak sa oras na wala ka.
- Bantayan ang mga body cues ng iyong anak na ready na siyang mag-poop. Tulad ng pagsipa ng kaniyang mga paa, pag-cross ng kaniyang legs o pag-squat.
- Iwasang pasuotin ang iyong anak ng mga damit na mahirap tanggalin. Tulad ng overalls at onesies. Mas mainam na pasuotin siya ng mga damit na madali nilang mahuhubad o matatanggal.
- Bigyan ng reward ang iyong anak sa oras na masagawa niya ng tama ang pag-potty train. Tulad ng pagbibigay sa kaniya ng stickers o pagbabasa sa kaniya ng isang story.
- Kapag na-master na niya ang pag-potty train, bigyan na siya ng freedom na pumili ng underwear na susuotin niya.
Image from Flickr
Paalala
Mahalagang paalala, sa oras na makaranas ng hirap sa pagdumi ang iyong anak o sa tingin mo ay hindi ito normal para sa kaniya ay agad na ipa-konsulta siya sa doktor.
Source:
Kids Health
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!