Anne Clutz, ibinahagi ang kasalukuyang paghihirap na kaniyang nararanasan dahil sa pagbubuntis sa kaniyang 3rd baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paghihirap ni Anne Clutz sa kaniyang pagbubuntis
- Paano i-handle ang difficulty ng 1st trimester ng pregnancy?
Paghihirap ni Anne Clutz sa kaniyang pagbubuntis
Hindi lahat ng soon-to-be mom ay pare-pareho nang nararanasan sa kanilang pregnancy journey. May ibang chill lang at tila hindi nagdadalang-tao, at mayroon din naman ilan na grabe ang hirap na dinaranas.
Isa si Anne Clutz sa mga nakakaranas ng matinding paghihirap dahil sa kaniyang pagbubuntis. Ibinahagi ng vlogger na si Anne Clutz ang kaniyang pinagdaraanan sa kasalukuyan.
“Tiis tiis lang para kay baby,” ang lagi niyang sambit twing siya ay nahihirapan.
Kumpara sa pagbubuntis niya sa panganak na anak na si Jeya at kay Joo, higit na naging maselan -ang pagdadalang-tao ni Anne Clutz. Nadagdagan nang nadagdagan amg mga gamot na kailangan niyan inumin sa araw-araw.
Ayon pa sa kaniya,
“Iba ‘yong pakiramdam ko sa iniinom kong gamot”
Matindi ang nagiging side effect ng gamot na iniinom ni Anne Clutz. Tuwing iniinom niya ang partikular na gamot na iyon, ay parati siyang nahihilo at umiikot ang paningin.
Bukod rito, mas lalo pang nadagdagan ang bilang ng iniinom niyang mga gamot nang lumabas ang resulta nga kaniyang lab tests. Napag-alaman ng vlogger na gaya lamang ng nauna niyang pagbubuntis sa dalawang anak, mayroon siyang bacterial infection sa kaniyang vagina.
Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz
Kahit anong infection ay hindi maganda sa sinumang nagdadalang-tao. Kaya hangga’t maaga ay ginagawan nila ito ng paraan upang maagapan at ‘di makaapekto ng husto sa kaniyang pagbubuntis.
Mula sa walong gamot, naging siyam na ito dahil kailangan nilang gamutin ang infection. Ilan sa kaniyang mga iniinom ay mayroong malalang side effect sa kaniya.
Kabilang sa mga side effect nito ang madalas niyang pagkahilo, grabe rin umano ang pananakit ng kaniyang tiyan, at pamamaga ng kaniyang mukha.
“Hindi ko na-anticipate ‘yong gantong level,” pagsasaad niya.
“Feeling ko hindi sa ‘kin yung katawan ko, parang hindi ako ‘to.” sambit pa ni Anne Clutz.
Nilinaw ng vlogger na masaya at grateful siya dahil sinagot ang kanilang panalangin na magkaroon muli ng anak sa ikatlong pagkakataon.
Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz
Subalit, inamin din niya na hindi siya prepared sa ganoong klaseng paghihirap na kaniyang dinaranas sa kasalukuyan.
Ayon sa kaniya, maraming pagkakataon kung kailan hindi siya makatulog ng maayos dahil sa hirap na kaniyang nararamdaman.
Pagbabahagi pa niya,
“Sobrang ano lang ako ngayon, wala akong ginagawa as in.. Upo, higa, ganun lang.”
Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz
Halos lahat ng bagay at gawain sa bahay ay ang asawang si Kitz ang gumagawa dahil hindi kinakaya ng katawan ni Anne Clutz ang kumilos.
Bed rest lamang ang vlogger na si mama Anne sa kasalukuyan. Kahit ang pagkuha ng sarili niyang pagkain ay hindi niya magawa, kaya naman hinahatiran na lamang siya ng asawa.
“Welcome sa reality ng pagbubuntis. Paano niyo nagagawa na magtrabaho o mag-alaga ng bata ng ganito ang pakiramdam?” tanong ng vlogger na si Anne Clutz sa mga kapwa niya buntis na hindi dumaranas ng matinding paghihirap.
Dahil din sa mga tine-take niyang gamot ay may ilang activities rin ang ipinagbawal sa kaniya. Subalit nilinaw naman Anne Clutz na bagamat nahihirapan siya, masaya pa rin dahil mas nasisigurado ang kaligtasan ng baby sa loob ng kaniyang tiyan.
BASAHIN:
Buntis ba ako? Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis
Mga sintomas ng pagbubuntis sa ikalawang buwan ng pagdadalang-tao
6 mararamdamang sintomas ng buntis sa unang buwan ng kaniyang pagdadalang-tao
Paano i-handle ang difficulty ng 1st trimester ng pregnancy?
Pagkahapo, nausea, sore breasts, at angg iba pang sintomas ag pagkaraniwan lamang sa unang trimester ng pagbubuntis. Kahit na nababago at mminsa’y nawawala ang ganitong mgga klase ng sintomas habang tumatagal, mahalaga pa ring alamin ang pansamantalang maaaring gawain.
-
Exhaustion o pagkahapo/pagkapagod.
Ang pinakamahalagang gawin ay ang maghinay-hinay. Umidlip, matulog ng maaga, at palampasin muna ang pagkilos sa mga gawaing bahay.
Kung kakayanin, mag-exercise subalit hindi katulad ng normal mong pag-eehersisyo. Makakatulong rin ang pag-eexercise kapag ikaw ay nag-labor na. Bukod rito, nakakatulong din ito upang mapataas ang iyong energy level.
-
Nausea, morning sickness.
Payo ng mga doktor na kumain nang madalas subalit kaunti lamang na pagkain. Mas makakabuti kung ikaw ay iiwas sa matataba, maaanghang, at pritong pagkain.
Makakatulong din dito ang pag-inom ng Ginger ale at ginger tea.
Wala kang masyadong magagawa sa bagay na ito dahil kailangan mong umihi kung kinakailangan.
Subalit, huwag kang magbabawas ng pag-inom. Dahil kailangan mo ng maraming tubig upang ma-sustain ang pagtaas ng iyong blood levels at amniotic fluid habang nagbubuntis.
Gumamit ka lamang ng bra na gawa sa malambot at stretchy na tela. Iwasang gumamit ng mga bra na may underwire, ito ay maaaring maging dahilan sa lalong pagsakit ng iyong suso.
Samantala, narito ang 4 na senyales na hindi mo dapat balewalain:
- Madalas na pagsakit ng tiyan o puson
- Malalang pagsusuka at nausea
- Malakas na pagdurugo
- Madalas na constipation
Ugaliing mag-report at komunsulta sa doktor anuman ang mga nagiging pagbabago sa iyong katawan upang maibigay ang tamang gamot at treatment na iyong kakailanganin.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!