Anne Clutz inihahanda na si Baby Jirou sa nalalapit na cleft lip and palate operation nito.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Paghahanda ni Anne Clutz kay Baby Jirou para sa nalalapit na operation nito.
- Photoshoot ni Baby Jirou.
Paghahanda ni Anne Clutz kay Baby Jirou para sa nalalapit na operation nito
Sinisimulan na ng mommy vlogger na si Anne Clutz o Joanne Clutario sa tunay niyang pangalan ang paghahanda sa anak na si Jirou para sa magiging operation nito. Si Baby Jirou ay ipinganak ni Anne nitong Setyembre 8 na may cleft lip and palate.
“Meet Franc Jirou, born September 8, 2022 at 12:28pm 6.5lbs and 49cm long. Second child namin with cleft lip pero may additional surprise pala siya. Other than that, he is a very healthy baby boy and we fell in love with him instantly.”
Ito ang pagpapakilala ni Anne kay Baby Jirou na tulad ng pangalawa niyang anak na si Joo. Bagamat sa kaso ni Joo ay cleft lip lang.
Kuwento ni Anne sa mga nauna niya ng vlog, struggle para sa kanila ang pagpapadede kay Baby Jirou. Maliban sa mahirap na ito mag-latch dahil sa kaniyang kondisyon mahina raw noong una ang gatas ni Anne.
Pero ngayon ilang linggo matapos makapanganak ay unti-unti ng nakapag-adjust ang mommy vlogger. At si Baby Jirou patuloy na ang paglaki. Ito ay nalalapit na rin sumailalim sa operasyon para itama ang kaniyang cleft lip at palate.
Isa nga sa paghahanda na ginagawa nila Anne sa anak ay ang tinatawag na taping. Ito ay payo ng doktor para unti-unting masara ang space sa cleft lip and palate ni Baby Jirou at mas maging successful ang operasyon sa kaniya.
“Ang taping is para ma-close kasi malambot pa ‘yong skin tsaka cartilage ng baby o mga newborn so mas maganda habang newborn pa lang sila para ma-mold na, ma-form at ma-close paunti-unti. Before mag-surgery kahit papaano malapit na ‘yong iko-close ng surgeon.”
Ito ang sabi ni Anne tungkol sa taping na kung saan tinatakpan ng isang klaseng uri ng medical tape ang cleft lip at palate ng kaniyang baby. Ayon sa doktor kailangan nilang gawin ito ng ilang linggo. Pagsisiguro niya hindi naman daw mahihirapan si baby sa paghinga kahit bahagyang natatakpan nito ang kaniyang ilong.
Photoshoot ni Baby Jirou
Dahil nalalapit narin ang operasyon ng anak ay hindi na sinayang ni Anne ang pagkakataon na isalang sa photoshoot si Baby Jirou.
Sa pagbabahagi niya nga ng larawan ng anak ay may mensahe ring ibinigay si Anne sa mga mommies na tulad niya ay may anak na nakakaranas ng parehong kondisyon. Pati na sa mga taong ginagawang kakatuwa ang kondisyon ng anak niya.
“Sobrang pasasalamat po sa mga parents na nag-share ng photos ng #cleftwarriors nila on my recent post. My heart is happy knowing na maraming #cleftproud mommies and daddies out there helping to spread awareness.”
Ito ang mensahe ni Anne para sa mga tagasubaybay niya.
Para naman sa mga kumekwestyon sa ginawa niyang photoshoot sa anak. Si Anne ay walang pakialam at sinabi pang gusto niyang i-treasure ang pagkakaroon ng cleft lip at palate ng anak na mami-miss niya sa oras na ito ay ma-operahan na.
“And for those asking, “ano ba yan bakit nagphotoshoot pa ng baby, hindi ba nakakahiya yan paglaki nya?”
“Sa totoo lang po, mami-miss ko ‘yang cleft na yan once maoperahan na siya. You will learn to love your child regardless, cleft or no cleft. I remember someone messaged me before na hangga’t maaari kumuha ka ng maraming picture ni baby kasi mami-miss mo ‘yong cleft niya lalo na pag naoperahan na.”
Sabi pa ni Anne, proud siya sa anak at pinasasalamatan niya ang Diyos sa pagbibigay nito sa kaniya. Dahil ang anak marami daw naturo sa kaniya partikular na ang pagiging mas matatag pa laban sa mga pagsubok sa buhay.
“After all ganyan, siya binigay ng Diyos, konting repair lang para maiayos ang feeding at pagsasalita nya. Siguro po depende naman po yan kung paano niyo po i-instill sa bata, ang sure lang ako eh I want my kids to be #cleftproud kasi warriors ko sila. They taught us more about life, sila ang nagbibigay strength sa amin and I will forever be grateful. #cleftstrong”
Ito ang sabi pa ni Anne.
Ang mga mommies na may anak na parehong kondisyon kay Baby Jirou ay hindi naman napigilang mag-react sa post na ito ni Anne para suportahan ang mommy vlogger.
“They have the sweetest smile. And i am proud to say that my son was one of the #CleftLipWarriors.”
“Hi Mommy Anne, I’m a mom of a cleft warrior too. Kagaya mo, naranasan ko rin lahat ng kagaya sa naging journey mo sa babies mo. I’m a proud Mom of my little cleftie and mas nakakaproud na kinaya namin ang journey namin.”
Ito ang ilan sa komento ng mga netizens sa post ni Anne Clutz tungkol sa kaniyang Baby Jirou.