LOOK: Vlogger Clutz buntis sa kaniyang pangatlong anak

Matapos mag-desisyong magka-anak ulit, buntis na nga ang vlogger mom!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kilalang vlogger Anne Clutz, buntis na sa kaniyang baby number 3! Alamin ang iba pang detalye rito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Anne Clutz, buntis na sa kaniyang ikatlong anak
  • Bakit nagbago ang isip niya
  • Mga sintomas bago makumpirma ang pagbubuntis

Huling hirit pa para sa sikat na vlogger na si Joanne Clutario o mas kilala sa tawag na Anne Clutz at sa kaniyang hubby na si Papa Kitz. Mula sa pagiging family of four, madadagdagan pa ng isang miyembro ang kanilang pamilya.

Kinumpirma nga ni Anne ang kaniyang pagbubuntis sa isang video na inupload niya sa kaniyang Instagram account, na walang ibang caption kundi ang isang emoji ng isang buntis na babae.

Sa kaniyang video, nakikitang lumuluha ang beauty vloggger habang tinitingnan ang kaniyang pregnancy test result na may nakalagay na 'pregnant.' Pinasilip rin niya ang kaniyang mga pinagdaanan para makabuo - kabilang na rito ang ilang larawan ng pregnancy tests na may negatibong results.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 

Gayundin, sa kaniyang mga huling IG stories, ibinahagi ni Mommy Anne ang kondisyon ng pagbubuntis:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Finally! Masasabi ko na... Maselan ako now, guys; 'di ako makatagal sa phone," sulat niya, na may kasamang sumusukang emoji. "I'll be back as soon as I'm able ... Thank you! Please pray for me and little peanut," dagdag niya.

Anne Clutz, nadesisyong magbuntis ulit

Matatandaang noong Mayo 2021, ibinahagi ni Anne na gusto na niyang magpatali o sumailalim sa ligation. Aniya noon, hindi niya makita ang sarili niyang babalikan pa ang hirap na dinaranas kapag nagbubuntis, at gusto niya na kung magbubuntis man siya, ay handa siya.

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Cluts

“Hindi ko makita ‘yong sarili ko na babalikan ko ‘yong sakit na naranasan ko noong na-operahan ako.” aniya.

“Paano kung mabuntis ako? Feeling ko hindi ako ready. Kung magbubuntis ka, kailangan ready ka.”

Basahin ang tungkol sa kaniyang desisyong magpa-ligate dito.

Subalit sa kaniyang vlog na inilabas noong simula ng taon, ibinahabi ng sikat na vlogger na nagbago ang kaniyang isip at nagdesisyon silang mag-asawa na sumubok ulit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mapapanood sa vlog na kinakausap niya ang kaniyang 16-taong-gulang na anak na si Jeya tungkol sa kaniyang desisyon.

"Kung ibibigay 'yan, ibibigay 'yan, kung hindi, hindi." sabi niya sa anak.

Noong panahong iyon, tinanong siya ni Jeya kung buntis na siya, pero sinabi niyang hindi pa. Tinanong rin niya si Jeya kung anong masasabi nito sa kaniyang desisyon, at sinabi naman ng anak na gusto niya ngang magkaroon ulit ng baby sa pamilya.

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Cluts

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Anne Clutz: "Gusto ko ng magpatali. Is it being selfish ba kapag pinili mong wag ng magka-anak pa?"

REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang mabubuntis pa ako at 40."

LOOK: Iya Villania buntis sa pang-apat na anak—isang BABY BOY!

Ibinahagi ni Mommy Anne na kamakailan lang ay kinausap niya ang kaniyang OB-Gynecologist at sinabi niya nga na nagbago ang isip niya. Aniya, isa sa mga rason kung bakit nagdesisyon silang subukan uli ay ang kakaibang sayang nakikita sa asawa na si Kitz kapag napag-uusapan ang posibilidad ng pagbubuntis.

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Cluts

"Iba kasi 'yong saya ni Papa Kitz noong sinabi ko sa kaniya na, 'Gusto ko yatang mag-baby pa.' Iba 'yong happiness niya, kuminang 'yong mga mata niya. Ipagkakait ko pa ba sa kaniya 'yon?"

Ayon pa sa vlogger, sumailalim na rin siya sa iba't ibang tests para paghandaan ang kaniyang pagbubuntis, at pinayuhan na rin sila ng kaniyang OB kung kailan ang kaniyang ovulation timeframe upang mas tumaas ang posibilidad na makabuo.

Sa kaniyang pinakahuling vlog na inilabas noong January 7, mapapansing nakakaramdam na ng sintomas ng pagbubuntis si Mommy Anne, dahil habang gumagawa ng vlog ay sinabi niyang, masakit ang ulo niya at nakakaranas siya ng cramps, na siya namang pinag-alala rin niya. Pansin rin niyang tila "maga" na ang kaniyang mukha.

Pero hindi naman niya pinangunahan ang sarili.

"Hindi ko iniisip na buntis na ako, but a huge part of me na parang, 'Sana ito na,'" aniya.

Sa kaniyang vlog, nasabi na hihintayin nila ang ika-20 ng buwan para makumpirma ang kaniyang pagbubuntis, pero mukhang napaaga na ang kumpirmasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dalawa ang anak nina Mommy Anne at Papa Kitz, si Jeya, 16, at si Joo, 6-taong-gulang.

Congrats, Anne at Kitz!

Source:

Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Camille Eusebio