Binigyang pamagat ng YouTube vlogger na si Anne Clutz ang pinakalatest niyang video ng ‘Last na namin ito’. Sa vlog na ito sinabi ni Anne Clutz na ang kaniyang ipinagbubuntis ang kanila na ring magiging last baby.
Mababasa rito ang mga sumusunod:
- Anne Clutz tungkol sa kaniyang baby no. 3
- Baby gender reveal ni Anne Clutz
Anne Clutz tungkol sa kaniyang baby no. 3
Sinabi ni Anne Clutz sa kaniyang vlog na ang kanilang anak na si baby Jirou ang magiging last baby nila. Dagdag pa niya ay nakakaramdam siya ng lungkot dito, naikuwento pa ni Anne na kino-compute pa niya kung kailan siya maaari pang magbuntis.
“So si Jirou ay magiging last na namin. Nakakalungkot kasi, alam niyo ba nung nagbuntis ako parang na-set ko na rin sa isip ko na after – parang kino-compute ko na after two years, kasi usually ‘pag ka sa CS ka, two years ‘di ba bago mo masundan. Sabi ko, parang before ako mag-forty sana kahit papaano mahabol pa. Kaso hindi na, so ito na si Jirou na yung magiging last namin.”
Pagbabahagi pa ni Anne ay nalulungkot at nagsisisi siya na sana ay binigyan na niya ng maraming anak ang asawa. Ika niya;
“Nalulungkot ako, nagsisisi tuloy ako bakit yung mga panahon na ano, sana binigyan ko na ng maraming anak si Kitz. Kasi siyempre, ‘di ba, iba pa rin yung family na, alam niyo yun sila ‘pag matatanda na kami sila magkakapatid tas mas marami mas masaya. Kaso nga dahil sa unexpected na ganitong pangyayari, mas mabuti nang ‘wag na lang.”
Dagdag pa ni Anne, sa ngayon ay iniisip niya ang mga pinagdaanan ni Joo na dadaanan din ng kaniyang magiging anak. Kinausap din si Anne ang anak na sana isang surgery lang ang kaniiyang danasin.
“Ngayon, iniisip ko mag-a-undergo din siya kung ano yung pinagdaanan ni Joo noon, very traumatic yung sa opera-opera niya. Isa lang yun ha, isa lang yun. Sana nak, isa lang. Nak, sana isa lang yung ano natin surgery natin. Sana, sana.”
Matatandaan na ibinahagi ni Anne Clutz sa hiwalay na vlog ang resulta ng kaniyang congenital anomaly scan. Doon nakita na may cleft lip ang kaniyang nasa sinapupunan. Isa pa sa dahilan kung bakit naging emosyonal ang vlogger ay dahil napag-alaman din na posibleng magkaroon ng Down syndrome ang kaniyang baby.
BASAHIN:
Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: “Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby”
Viy Cortez ipinasilip ang laman ng hospital bag para sa kaniyang panganganak
Bugoy Cariño sa pagiging batang ama: “Lahat ng nawala sa akin, bumalik nung nilabas si Scarlet.”
Baby gender reveal ni Anne Clutz
Mapapanood din ang gender reveal ng baby number 3 nina Anne Clutz at kaniyang mister na si Kitz sa isa sa mga vlog na makikita sa kanilang YouTube channel.
Excitement naman ang nararamdaman ni Anne noong araw kung kailan gaganapin ang kanilang gender reveal. Pagkukwento niya ay hindi siya makatulog at nananaginip pa siya na late na sila, dagdag pa niya ay excited na rin siyang malaman kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang baby.
“Sobrang excited ako ngayon guys. ‘Di ako makatulog kanina, nananaginip lang ako. Sabi ko, late na yata, late na yata parang magsisimula na… Nae-excite na ako kung ano magiging pangalan ni baby.”
Ayon pa kay Anne, ang magiging gender reveal ay super simple saglit lang dahil kailangan pa nilang magtrabaho sa kanilang business na lugawan.
Pagdadagdag niya, ito ay para mairaos at makita na nila ang iba pang mga ultrasound ng anak.
“Sobrang simple lang talaga nito, para lang mairaos at saka para matignan na namin yung ibang ultrasound photos ni baby at saka yung resulta ng NIPT (noninvasive prenatal testing) kasi until now hindi ko pa natitignan kasi nga nandoon ‘yong gender.”
Ikinuwento rin ni Anne ang ibig sabihin ng pangalan ng kaniyang mga anak. Kuwento niya, ang pangalan ni Jeya ay Indian at nangangahulugan itong victory. Korean name ang para kay Joo ang ibig sabihin ay precious. Dagdag pa niya, Japanese name naman ang pangalan na kanilang napili ngayon.
Makikita sa screen ang dalawang pangalan, ang unang pangalan ay Jirou na panglalaki at may ibig sabihin na second son, cheerfulness. Pangalawang pangalan ay Juno na pangbabae at nangangahulugang hope at long life.
“Ta’s ngayon, pinili namin Japanese name naman. So na-push pa rin si Jirou pero ‘yong Jirou hindi Jiro, Jirou yung may ‘u’ sa dulo, Jirou.”
Nagkaroon din ng final touches at paghula ng mga imbitado kung ano ang gender ng baby nina Anne. Para malaman ang gender ay tinusok nina Anne ang malaking lobo kung saan makikita ang mga confetti at maliliit na lobong kulay blue na nangangahulugang lalaki ang kanilang anak at papangalanang Jirou.
“Tama si Joo, boy nga. Boy daw eh.”
Pagbati, Mama Anne at Papa Kitz!