Anne Curtis, sinagot ang mga nagtatanong tungkol sa stunt na ginawa kahit buntis na pala ito

Anne Curtis, sinagot ang mga nagtatanong tungkol sa stunt na ginawa kahit buntis na pala ito

Opisyal na ngang inanunsyo ng singer-host, actress na si Anne Curtis ang kaniyang pagbubuntis sa kaniyang noontime show na It's Showtime.

Masaya ngang kinongratulate si Anne at asawang si Erwan Heussaff ng kaniyang mga It's Showtime family sa kaniyang pagbubuntis.

Anne naging emosyonal

Anne Curtis naging emosyonal nga habang pinag-uusapan ang kaniyang pagbubuntis kasama ang kaniyang It's Showtime family.

Bungad nga niya, "Naging lalong naging special ang November sa akin because I'm happy to announce that Erwan and I are expecting."

Dagdag pa niya, "Kaya andito din si mommy."

Present nga sa audience ang ina ni Anne na si Mommy Carmen.

Aniya, "Kaya my mom is here, ayon na nga magiging mommy na ako. So I'm very, very happy. Erwan and I are very, very happy."

Naging emosyonal nga si Anne sa pasasalamat nito sa lahat ng mga taong nagpadala ng kanilang pagmamahal matapos nga inanunsyo sa kani-kanilang Instagram accounts ni Erwan na expecting na nga sila.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan) on

Sambit ng aktres, "Maraming salamat for the love madlang people na binigay ninyo yesterday sa akin, sa asawa kong si Erwan, and for my little one."

Magpasikat 2019 ni Anne

Kung aalalahanin, noong nakaraang buwan lamang, Oktubre, nagkaroon nga ng yearly Magpasikat ang mga It's Showtime hosts.

Kilala nga si Anne Curtis na nagbibigay ng mga show-stopper at buwis-buhay na mga performances at ngayon ngang Magpasikat 2019 at 10th year ng It's Showtime ang Team Anne kasama si Tiyang Amy ay nagbigay muli ng isang fit pang world stage at buwis-buhay na performance.

Kuwento nga ng co-host na si Vhong Navarro, "Alam mo nung binanggit sa atin ni Anne yun, una siyempre tuwang-tuwa tayo, pero nagkahalo ng kaba dahil kasi nung Magpasikat, di ba Anne, ano ba yung ginawa mo?"

Sabay sagot ni Anne, "Kaya nga yun lang ang ginawa ko, hindi ako sumampa."

Singit ni Vhong, "Anong yun lang yun?"

"Yung gumulung-gulong ka sa Resorts World," pagsingit ni Karylle.

Sagot ni Anne, "Very simple lang yung ginawa ko."

Ipinaliwanag naman ni Anne na chine-check niya lahat sa kaniyang doktor at sinabihan naman daw di-umano siya ng kaniyang doktor na, "safe na safe naman at ang nakakaalam lang from that yung trainer ko, siya ang may alam."

Nagkaroon nga rin ng surpresa ang It's Showtime family ni Anne para sa kaniya. Sa surpresang ito ay ang message nga ng asawang si Erwan Heussaff sa kaniya.

Sambit nga ni Erwan ang pagmamahal at pagsusuporta nito sa asawa lalo na ngayong magkakaroon na sila ng little one.

Congrats muli para sa #LittleWanForAnne!

Source: ABS-CBN Entertainment

Basahin: Anne Curtis, ipinagbubuntis ang unang anak nila ng asawang si Erwan Heussaff

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner