Anne Curtis, naiyak matapos magkuwento tungkol sa anak na si Dahlia

Ayon sa aktres, ang pagiging ina ang pinaka-masayang role na ginampanan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anne Curtis, sinabing hindi niya alam kung bakit pinatagal niya pang maging mommy. Ito’y dahil sa ngayon hindi niya raw maipaliwanag ang happiness na ibinibigay ng pagiging isang ina sa kaniya.

Anne Curtis nagkuwento tungkol sa anak na si Dahlia Heussaff

Image from Anne Curtis Instagram account

Sa September 15, YouTube live show episode ng writer turned host na si G3 San Diego ay nagpaunlak ng kaniyang first ever interview matapos maging mommy ang TV host-actress na si Anne Curtis. Ito’y ginawa online habang nasa Australia pa sa ngayon ang aktres.

Sa interview ay kitang-kita ang glow at ganda ni Anne kahit na ito ay walang make-up. Ayon kay Anne, ito ay epekto ng happiness niya sa pagdating ng kaniyang baby girl na si Dahlia Amelie.

Kwento ni Anne, hindi niya alam kung bakit pinatagal niya pa ang magkaroon ng anak. Dahil sa ngayon na-realize niya na labis-labis ang binibigay nitong saya.

Sa sobrang saya nga ng aktres ay ‘di nito napigilian ang maiyak nang magkuwento tungkol sa anak.

“I’m so happy to be a mom. Alam mo ‘yun parang, honestly, I don’t know why I waited so long to become a mom. It’s the best thing that happens to me. I can’t imagine my life without Dahlia, naiiyak ako.  It’s the most beautiful thing that happened to me. She is my world.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Anne Curtis tungkol sa anak na si Dahlia Heussaff.

Anne, inamin na pinaglihian si Erwann

Kuwento pa ni Anne, very bungisngis daw tulad niya ang anak na si Dahlia. Sa murang edad nito, na nag-6 months lang nitong September 1 nakikita niya raw na nakuha nito ang personality niya. Bagama’t pag-amin ng aktres ang looks nito ay nagmula sa kaniyang Papa na si Erwann Heussaff na pinaglihian niya.

“Kamukha ni Erwann. She really looks like her Papa. The moment we saw her kamukha na ng Papa niya. But I would say she has a lot of my personality. I can see it na.”

“In the latter part of my pregnancy, kailangan lagi kong kasama si Erwan. Kailangang lagi ko siyang mayakap, laging kinikiss. Oo pinalihian ko ‘yung asawa ko.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang natatawang pagkukuwento ng aktres. Dagdag pa nga niya, sa pagdating ng kanilang anak ni Erwan ay mas lalo niya pa nga raw minahal ito. Ito’y dahil sa ipinapakita nitong pagmamahal kay Dahlia bilang ama at sa suporta nito sa kaniya bilang asawa.

“It just came really naturally to him being a father. Seeing how he is with Dahlia has made me love him more. I know I sound so cheesy, but wala, eh! That’s really how it is.”

Image from Anne Curtis Instagram account

Kung bakit Dahlia Amelie ang pangalan ng kaniyang baby girl

Ibinahagi rin ni Anne Curtis sa kaniyang interview kung bakit Dahlia Amelie ang naging pangalan ng kaniyang baby. Ayon kay Anne, ang pagpangalan dito ang pinakamahirap na part ng kaniyang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon sila noong 4 choices ng asawang si Erwann. Nakapag-desisyon sila na ito ang ipangalan sa anak dahil na rin sa tulong ng mga signs.

“We are taking a walk in a botanical garden dito. Then we saw Dahlia Moonfire which is a flower. And we kinda look at each other kasi isa ‘yun sa choices namin talaga. I really like the name kasi of course it was my first role in Magic Kingdom, Princess Dahlia. So, it really meant so much for me.”

Dagdag pa ni Anne, dahil sa French si Erwan nag-isip sila ng second name na babagay sa apelyido nito. Ang napili nga nila ay ang pangalang Amelie na nagmula sa kanilang favorite French movie. At nangangahulugang “hardworking” na perfect description kay Anne noong siya ay nagbubuntis sa anak.

“For Amelie, another sign is that we were watching a movie and that name came on. Nagtinginan kami ni Erwann at we are like ito na ‘yun, Dahlia Amelie.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Anne Curtis Instagram account

Anne Curtis sa bago niyang role bilang isang ina

Sa ngayon. Si Anne at kaniyang pamilya ay nasa Australia pa rin. Matatandaang lumipad sila papunta roon ng kaniyang mister na si Erwann noong nakaraang pasko. Mula noon hanggang siya ay makapanganak ng March 1 kay Dahlia ay hindi na sila nakabalik pa ng Pilipinas. Pero pagbabahagi ng aktres, ang pangangak niya sa Australia ay last-minute decision na. Dapat babalik agad sila ng Manila matapos niyang manganak. Pero dahil sa kasalukuyang sitwasyon minabuti nilang mag-stay na muna roon.

“Given the current situation, na-extend talaga ‘yung stay namin dito because I mean, if it was just me, no problem. Kaya kong lumipad anytime, ‘di ba? Pero now, I have a little life to think off and she is the top priority. Her safety is the top priority and her health.”

Kahit na lockdown pa rin sa kanilang lugar dahil sa COVID-19, may magandang naidulot daw ito para sa kaniya. Ito ay ang pagkakaroon ng mas mahabang oras kasama ang kaniyang anak at pamilya.

“I’m here in Victoria. And we’re still in lockdown. Lockdown pa rin kami. And honestly, the silver lining of it all is that Dahlia gets both of her parents 24/7. As in 24/7. And pareho kami.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May realizations at napakasaya

Sa pagiging ina, may isang bagay nga daw na na-realize si Anne. Ito ay ang mas ma-appreciate pa ang Mommy niya.

“You appreciate every single thing. Magsisisi ka at one-point na naging pasaway ka sa nanay mo.”

So far sa buong buhay niya, ang mommy journey ang sobrang na-enjoy niya. Dahil sa ito ay puno lang ng happiness at pagmamahal.

“All I can say is that this journey has been filled with so much love.”

Ito ang pagsasalarawan ni Anne sa nararamdaman niya ngayon kasama ang kaniyang anak at buong pamilya.

 

Source:

ABS-CBN Push

BASAHIN:

Coleen Garcia: “I never anticipated how hard it would be…”