Coleen Garcia: "I never anticipated how hard it would be..."

Coleen Garcia: "I never anticipated how hard it would be..."

Ilang araw matapos manganak, Coleen Garcia nagbahagi ng ilang saloobin patungkol sa postpartum recovery at breastfeeding.

Huwebes, Setyembre 10 ng manganak si Coleen Garcia sa panganay nilang anak ng mister na si Billy Crawford. Ito ay isang lalaki na pinangalanan nilang Amari Crawford. Ilang araw matapos ang panganganak, Coleen inaming nahihirapan sa bago niyang role. At malaki ang pasasalamat niya sa mister na si Billy na tumutulong at umaalalay sa kaniya.

Coleen Garcia sa kaniyang bagong role bilang mommy

Sa pamamagitan ng Instagram stories ay ibinahagi ng actress-TV host na si Coleen Garcia ang kaniyang first time mommy journey. Ayon kay Coleen, hindi niya inakala na mahirap pala talaga ang maging isang ina. Lalo na ang pagpapasuso at pag-rerecover mula sa panganganak.

coleen-garcia

Image screenshot from Coleen Garcia’s  Instagram account

“I knew postpartum recovery was not going to be easy and I knew breastfeeding was going to be challenging. But wow, I never anticipated how hard it would be to go through both at the same time.”

Ito ang pahayag ni Coleen. Ngunit sa kabila nito ayon parin kay Coleen ay very rewarding naman ang mga unang araw ng kaniyang pagiging ina. At umaasa siya na agad na manunumbalik ang kaniyang lakas at makakakilos na ng maayos.

“I wish I could be stronger ASAP & move around better. It’s been a tough few day, but also so incredibly rewarding.”

Dahil nga sa hindi parin siya tuluyang nakakabawi ng lakas, humingi ng tawad si Coleen sa mga taong patuloy na bumabati sa pagdating ng kanilang baby na si Amari. Hindi man daw niya maisa-isang mapasalamatan ang mga ito sa ngayon, sila ni Billy ay labis na nagpapasalamat sa mga magagandang salita at regalong patuloy nilang ipinapadala.

“Thank you to everyone who’s been messaging us and sending gifts! We are grateful. I’m so sorry I haven’t been able to get back to anyone yet, but in a few days, I’ll be stronger and have more time to be back on my phone for sure. For now, just taking all this time to recover and tend to our little blessing.”

Appreciation message ni Coleen sa asawang si Billy Crawford

Sa hiwalay na Instagram story post ay hindi naman nakalimutang pasalamatan at purihin ni Coleen ang mister na si Billy sa pag-aalaga sa kaniya at sa baby nilang si Amari. Pati na ang pagpapalakas nito sa loob niya sa pagharap sa bago at mahirap niyang role na isang ina. Very blessed nga daw siya na si Billy ang kasama niya sa bagong yugto na ito ng kaniyang buhay. Kung wala nga daw ito sa tabi niya ay malamang hindi niya na alam ang kaniyang gagawin.

coleen-garcia

Image screenshot from Coleen Garcia’s from Instagram account

“I’m at my most vulnerable right now, but you always remind me that what you see, is my strength and not my weakness.”

“I can’t tell you how much I appreciate you, love, I always have, but you’ve been on another level, taking care of both me and Amari the way you do. I am so blessed that it’s you I get to do this with. You both make this all more than worth it.”

“Thank you for the never-ending patience, all the words of encouragement and for being so positive through all of this. Thank you for always speaking life into me. I’d be so lost without you.”

Ito ang appreciation message ni Coleen Garcia sa mister na si Billy Crawford.

Mensahe ni Billy kay Coleen at sa anak nilang si Amari Crawford

Samantala, sa kaniyang Instagram account ay hindi rin maitago ni Billy Crawford ang kaligayahan sa pagdating ng little blessing nila ni Coleen. Bagamat hindi niya umano kamukha si Baby Amari, hanggang ngayon ay hindi parin daw siya makapaniwala na nagmula ito sa kanila ni Coleen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

“Can’t be more in love! @coleen love we made that! Hehe. Too bad he looks nothing like me hahah at least he looks like you, I’m good!”

Ito ang pahayag ni Billy sa isa sa kaniyang Instagram post.

Sa kaniyang latest Instagram post ay ibinida naman ni Billy ang larawan ng kaniyang mag-ina.

Sa larawan ay makikitang pinapasuso ni Coleen ang kanilang baby na si Amari. Kalakip ng larawang ito ay isang mensahe para sa kaniyang misis na si Coleen at sa kanilang baby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

“My Queen and my Prince:)”

“These past few days have been the biggest life changing experience I’ve ever had in my entire life! First of all, I can’t thank God enough for blessing me with my AMAZING wife. I will do anything for you my love. I’m so thankful for what you’ve done and sacrificed and continue to recover from. You are my Queen but I will always remember that God comes first and you’re next! Amari is beautiful gift we got from God. I love both of you so so so much.”

Tulad ni Coleen ay nagpasalamat rin si Billy sa mga taong patuloy na nagpapadala ng regalo sa kanila. At humingi ng paumanhin at pasensya kung hindi man mapasalamatan ang mga ito ng isa-isa dahil sa hindi pa lubusang nakaka-recover si Coleen mula sa panganganak.

Mensahe para sa mga kaibigan at supporters

“To everyone who’s been sending gifts and food and just so much love from all of you, from the bottom of our hearts thank you. 😘”

“Bear with us for a few days since @coleen is still recovering and doing wonderful!”

Ito ang pahayag ni Billy sa kaniyang Instagram account.

Nitong September 10, 2020 sa ganap na 6:33 am ipinanganak ni Coleen ang baby nila ni Billy na si Amari Crawford. Ito ay kaniyang isinilang sa pamamagitan ng unmedicated water birth sa kanilang bahay.

coleen-garcia

Image from Coleen Garcia’s Instagram account

 

BASAHIN:

Is water birth less painful? 

Homebirth at water birth, mas safe nga bang option ngayong may pandemic?

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner