LOOK: Anne Curtis ipinanganak na ang kanyang baby girl

Isa nang ganap na celebrity mom si Anne Curtis-Heussaff!

Ganap na ngang celebrity mom si Anne Curtis-Heussaff! Ipinanganak na niya ang kanilang baby girl ngayong araw sa Australia.

Image from @annecurtissmith’s Instagram

Ayon kay Philippine Star columnist Ricky Lo, nanganak na nga ang celebrity/ host na si Anne Curtis. Matatandaan na inanunsyo ng 35-year old celebrity ang kanyang pagbubuntis noong November, nakaraang taon. Sa isang Instagram post, ito ang kanyang naging pahayag.

“I think you should know something… Another reason to love November..”

Si Anne Curtis at Erwan Heussaff ay ikinasal noong 2017 sa New Zealand. At talaga namang goals kung matatawag ang dalawa. Hindi man daw inaasahan ni Anne na siya ay magbubuntis na ngayong taon, siya pa rin ay nagpapasalamat at itinuturing niya ito na isa sa mga biggest blessings na dumating sa buhay niya.

Image from @annecurtissmith’s Instagram

Umalis naman sa noontime show na It’s Showtime ang host noong December 2019 para magpahinga sa kanyang homeland, sa Australia at para doon na nga manganak. Sa kanyang emosyonal na live TV baby shower, sinabi niya na:

“Naiiyak na ako na ewan (I feel like crying, I don’t know). But I know you guys understand why and are all happy for this new chapter in my life.”

Image from @annecurtissmith’s Instagram

Wala pang announcement ang dalawa sa kung ano ang pangalan ng kanilang baby girl. Pero welcome to the parent life, Anne and Erwan!

Anne Curtis nude photo

Sa kaniyang ika-35 na kaarawan nitong February 17 ay nagpasalamat si Anne Curtis sa mga pagbati na kaniyang tinanggap, At ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpopost ng mensahe sa kaniyang social media accounts na may kalakip na nakakahangang larawan. Ito ay ang mga sexy nude photos niya na kung saan bida ang kaniyang baby bump. Dahil ayon kay Anne, ang kaniyang paparating na baby girl ang pinaka-the best the birthday gift na natanggap niya. At sobrang na-aamaze siya sa mga pagbabagong ginawa nito sa kaniyang katawan pati narin sa kaniyang pananaw sa buhay.

Narito ang mensahe ni Anne:

“Birthday Suit.

I have been so amazed how my body has changed, created and grown a little human being – I can feel her little hiccups, her big kicks in my ribs and squirming around in me every single day. Not too long till my little girl meets the outside world and she will be the best gift I have ever received in my life️ Thank you for your birthday greetings everyone! Sending out light and love to all of you!”

Mensahe ng mister niyang si Erwan Heussaff

Samantala sa kaniyang Instagram account ay nagpaabot rin ng pagbati si Erwan Heussaff sa kaniyang misis. Ayon kay Erwan, ay sa loob ng sampung taon ay nakita niya ang maraming pagbabago sa buhay ni Anne. At excited na siya sa mga susunod na linggo na kung saan may bagong maidaragdag sa mga accomplishments niya sa bahay. At ito ay ang pagdating ng kanilang baby girl.

Narito ang buong mensahe ni Erwan kay Anne.

“A decade has gone by and I’ve seen you grow in so many different ways. From short hair to long hair and back, from late nights out to order in TV dinners, from petty young love fights, to laughing off problems we know we can work through together, from beer to kombucha, from insecurities to self confidence, from tight fitting dresses to comfortable pregnancy jeans and from your love of fish and chips, to your surviving love for fish and chips. The list goes on. Some things have changed, others have stayed the same, but you’re always moving forward. “I can’t wait to see you go through the next couple of weeks, as you come into motherhood. I don’t see it as a next step, or a new phase in life, more so as something you are adding to your growing list of accomplishments in life, because I know that there is still so much more to come. Happy birthday @annecurtissmith”

Sa post na ito ng mister ay sumagot si Anne Curtis na naiiyak daw sa mensahe ni Erwan.

annecurtissmith

Making me cry 😭
Je t’aime Mon amour!!!! ❤️

Sa ngayon si Anne ay naka-maternity leave at ini-enjoy ang paghihintay sa nalalapit na mga linggo ng kaniyang panganganak.

 

SOURCE: Rappler, News5

BASAHIN: Anne Curtis, ipinagbubuntis ang unang anak nila ng asawang si Erwan Heussaff

Sinulat ni

mayie