LOOK: Anne Curtis pinakita ang kanyang 28-week baby bump!

LOOK: Anne Curtis pinakita ang kanyang 28-week baby bump!

Narito ang buntis journey ng aktres na si Anne Curtis.

Anne Curtis buntis sa kaniyang 1st baby. Pero sexy parin at kaniya itong ipinakita sa isang Instagram post.

anne curtis buntis

Image from Anne Curtis Instagram account

Anne Curtis buntis belly ipinasilip ng aktres sa publiko

Very fit at sexy parin ang aktres na si Anne Curtis kahit ito ay nasa 3rd trimester na ng kaniyang pagbubuntis. Ipinakita niya nga ito sa pamamagitan ng isang post sa Instagram stories.

Nagpasilip nga din ang aktres ang isa sa pagkaing kaniyang hinahanap-hanap sa mga puntong ito ng kaniyang pagbubuntis. Ito ay ang avo toast o ang open at toasted sandwich na nilagyan ng mashed avocado bilang toppings.

anne curtis buntis

Image from Anne Curtis Instagram account

Napaka-swerte nga ni Anne dahil cravings satisfied agad siya dahil sa husay magluto ng kaniyang asawang si Erwan Heussaf.

Anne Curtis buntis announcement

Matatandaang inanunsiyo niya ang kaniyang pagbubuntis sa pamamagitan ng isang music video.

Gamit ang kantang “Nothing’s Gonna Hurt You Baby” ng bandang Cigarettes After Sex bilang background music ay malikhaing inanunsiyo ng mag-asawa ang Anne Curtis buntis journey nilang dalawa.

Sa video ay makikita nasa park si Anne at Erwan, habang unti-unting ni-rereveal ang magandang balita.

At ang caption nga ng video ng ibinahagi ito ni Anne sa kaniyang fans ar followers sa Instagram ay ito:

“I think you should know something… Another reason to love November..”

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Ikinagulat naman ng mga Its Showtime fans ni Anne ang anunsiyong ginawa ng aktres sa kaniyang pagbubuntis. Lalo pa’t nasa ika-limang buwan na pala ito ng kaniyang pagbubuntis noong ipaalam nito sa publiko noong November 10.

Dahil nito lamang Oktubre sa 10th anniversary ng programang Its Showtime ay nagpamalas ng isang breathtaking stunts and performance si Anne sa segment na Magpasikat.

Matapos ang Anne Curtis announcement ay nilinaw naman ng aktres na ang kaniyang ginawang stunts ay may pahintulot ng kaniyang doktor at lalo ng kaniyang mister na si Erwan.

Anne’s comment sa mga tanong tungkol sa pagbubuntis

Noong Oktubre ay matatandaang naglabas ng kaniyang hinaing si Anne sa media. Tungkol ito sa madalas na pagtatanong sa mga babaeng artista sa kung kailan sila magbubuntis. Dahil ayon kay Anne, hindi daw nila alam ang pinagdadaanan ng isa’t-isa. Kaya naman hindi rin nila alam kung paano nakakasakit ang mga tanong na tulad nito lalo na sa mga babae.

Ito ang sinabi ni Anne sa isang panayam.

“I think I should take this opportunity to say that the press should stop asking that to any woman, because you don’t know what they’re going through… For me, it will happen in God’s time, and I think at any time I’m ready for it. But I’m speaking for every woman… Medyo nakakasakit when people keep asking them, ‘When are you going to have a baby?’ Maybe they just don’t want to have a baby… I hope you guys don’t take this the wrong way, but I think in respect to every woman, you should stop asking when they’re going to get married, why don’t they have a baby, or when they are going to have a baby.”

Tulad ni Anne ay buntis din ang isa pang showbiz IT girl at kaibigan niyang si Solen Heussaff na kapatid ng kaniyang mister na si Erwan Heussaff.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

Excited naman ang mga fans ng parehong model at actress dahil sigurado daw na good-looking rin ang mga magiging baby nila.

Si Anne Curtis ay inaasahang magbibigay silang sa unang anak nila ni Erwan, Marso sa susunod na taon.

Source: theAsianParent, Manila Bulletin, ABS-CBN News

Basahin: Anne Curtis, sinagot ang mga nagtatanong tungkol sa stunt na ginawa kahit buntis na pala ito

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner