Anne Curtis sa anak na si Dahlia: “I prayed long and hard while she was in my tummy she would NOT take after my voice. ?”

Tingnan dito ang pag-aasaran ng mag-asawang si Anne at Erwan.

Anne Curtis may isang bagay daw na ipinagdasal ng paulit-ulit nung buntis siya para sa anak na si Dahlia. Ito ay ang hindi makuha nito ang singing voice niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Anak ni Erwan Heussaff at Anne Curtis na si Dahlia nahihilig sa musika.
  • Anne Curtis ipinagdasal na hindi makuha ng anak na si Dahlia ang singing voice niya.

Anak ni Erwan Heussaff at Anne Curtis na si Dahlia nahihilig sa musika

dahlia amelie and erwan heussaff

Larawan mula sa Instagram

Sa Instagram stories ay ibinahagi ng celebrity chef na si Erwan Heussaff kung gaano nahihilig sa music ang anak nila ni Anne Curtis na si Dahlia. Makikita sa larawan na ibinahagi na kung saan si Dahlia ay nakaupo sa harap ng isang piano at tila nag-aaral sa pagpapatugtog nito.

Si Erwan may nakakatuwang caption sa IG story niya na ito na kung saan naka-tagged ang misis niyang si Anne Curtis.

“We might have a musical inclined child in spite of @annecurtissmith.”

Ito ang pabirong hirit ni Erwann sa misis na si Anne na nagiging source ng katatawan kung minsan ang talent niya sa pagkanta.

Hirit pa ni Erwan, sinadya nyang liitan ang caption sa nasabing IG story para hindi daw siya malagay sa alangin kung sakaling ma-offend si Anne.

anne curtis and erwan heussaff family

Larawan mula sa Instagram

Anne Curtis ipinagdasal na hindi makuha ng anak na si Dahlia ang singing voice niya

Pero si Anne, ni-reshare ang IG story na ito ni Erwan at may naging revelation na mas lalong nakapagpatawa sa mga followers nila. Ayon kay Anne, ipinagdasal niya daw noong siya ay buntis pa na hindi makuha ng anak na si Dahlia ang singing voice niya.

“It’s because I prayed long and hard while she was in my tummy she would NOT take after my voice 🤣.”

Ito ang sabi pa ni Anne.

Dagdag na hirit pa niya, noong buntis daw siya ay lagi niyang pinapakinig ng music si Dahlia sa kaniyang tiyan. Kaya hindi nakakapagtataka na nakahiligan niya din talaga ito.

anne curtis dahlia music

Larawan mula sa Instagram

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!