Anne Curtis at Solenn Heussaff sabay na ipinasyal ang mga anak na si Thylane at Dahlia sa Tokyo, Disneyland.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Anne Curtis and Solenn Heussaff family trip sa Tokyo, Disneyland.
- Solenn sinabing ang Disneyland trip nila na ito ay selebrasyon para sa nalalapit na pagiging big sister na ng anak na si Thylane.
Anne Curtis and Solenn Heussaff family trip sa Tokyo, Disneyland
Family goals talaga ang pamilya nina Anne Curtis at Solenn Heussaff. Dahil ang mga celebrity moms kasama ang kanilang mga anak at asawa ay binisita ang Tokyo, Disneyland kamakailan lang. Sa mga Instagram post nga nila ay makikitang sulit na sulit ang kanilang bakasyon at na-enjoy nila ang mga magical moments sa sikat na theme park.
Ayon nga kay Anne, tama ang bansag sa Disneyland na happiest place on earth at hindi sila nagkamali na ito ang piliing lugar para sa kanilang first family trip. Ngayon nga raw may anak na siya at isa ng ina ay mas na-appreciate niya ang happiness na ibinibigay ng kilalang theme park sa buong mundo.
“It truly is one of the happiest places on earth! First family trip to Disneyland.. a whole different experience now that I’m the parent. Iba ung happiness seeing her so excited.”
Ito ang bahagi ng IG post ni Anne tampok ang ilang larawan at video nila sa Disneyland.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa ng celebrity mom, mas naging makahulugan din ang pagre-record nila ng mga happy moments ng kanilang pamilya sa Disneyland.
Mas nakatutok sila sa mga magical moments dito na hindi kinakailangang i-update agad sa social media ang ginagawa nila. Dahil nga labis na nag-enjoy sa kanilang Tokyo trip, si Anne at kaniyang pamilya ay nag-iisip na ng susunod na destinasyon ng kanilang family trip.
“Felt like old times when we would take videos on our video cams without needing to post ASAP, next trip? hunting down the princesses! Moana! Girl, where you at?”
Ito ang sabi pa ni Anne.
Samantala, sa mga video footage na inupload ni Anne sa Instagram ay makikitang kasama nila ang pamilya ng kapatid ng mister niyang si Erwann Heussaff. Si Solenn at anak niyang si Thylane kasama ang mister na si Nico Bolzico ay enjoy na enjoy rin sa kanilang bakasyon. Sa IG post nga ni Anne tungkol sa naging experience nila sa Disneyland at next family trip na pinag-iisipan ay ito ang komento ni Nico.
Target: all Disneys in the world by 2025!
Disneyland trip nina Solenn celebration daw para sa nalalapit na pagiging ate ni Thylane
Si Solenn hindi rin pinalampas ang pagkakataon na magpost sa kaniyang Instagram account tungkol sa kanilang naging double family trip.
Ayon sa nalalapit ng maging mom of two “amazing” ang naging trip nila sa Japan. At ito daw ay ginawa nila bilang celebration sa nalalapit na pagiging ate ni Thylane sa kaniyang baby sister.
“4 amazing days spent in Japan to celebrate Thylane becoming a big sister soon and for some “quiet” time if there is still such a thing haha. Lots of love and living in the moment”
Ito ang sabi pa ni Solenn.
Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff
Samantala, ang mister niya namang si Nico ay nagpost rin tungkol sa naging Disneyland trip nila. Sa post niya ay makikitang yinayakap ng anak ni Thylane ang stuff toy na Minnie Mouse. Ito daw ang dahilan ng pagpunta nila sa Japan. At sa video na kuha niya sa anak ay makikitang very excited at happy talaga ito.
“We came here with a mission: To Meet Minnie Mouse!”
Ito ang sabi ni Nico.
Sa isa namang IG post ni Solenn ay sinabi niyang na-meet na ni Thylane si Minnie Mouse. Sa post na may kalakip na larawan nilang mag-ina ay makikitang nag-ienjoy si Thylane sa paglalalaro ng bubbles. Si Solenn kahit malaki na ang tiyan sa ipinagbubuntis na second baby nila ni Nico Bolzico ay game na game paring kinakarga ang anak na masayang humahabol sa mga bubbles sa paligid niya.
View this post on Instagram
Hindi nalalayo ang edad ng mga anak nina Anne Curtis at Solenn Heussaff. Si Thylane ay dalawang taong gulang na ngayon at ipinanganak ni Solenn noong January 1, 2020. Habang si Dahlia naman na anak nina Anne Curtis at Erwann Heussaff ay dalawang taong gulang rin na ipinanganak naman ni Anne noong March 2, 2020.
Dahil sa hindi nila nalalayong edad at sa pagiging magkaibigan narin ng kanilang mga magulang ay makikitang close na close ang magpinsan. Sa mga videos ngang inupload ng kanilang mommies ay makikitang sa bata nilang edad ay best of friends na sila. Iba na ang excitement at happiness nila sa tuwing sila ay nagkakasa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!