Anne Curtis nag-share ng ilang snippets ng naging bakasyon nila ng anak na si Dahlia sa Hongkong Disneyland. Ayon sa aktres, dream come true na makilala ng anak ang mga characters sa sikat na Disney film na Frozen.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Anne Curtis ibinahagi ang Hongkong Disneyland experience ng anak niyang si Dahlia.
- Solenn at kaniyang pamilya nag-enjoy rin sa Hongkong Disneyland trip nila.
Anne Curtis ibinahagi ang Hongkong Disneyland experience ng anak niyang si Dahlia
First week ng buwan ng Oktubre ng mamasyal ang pamilya ni Anne Curtis at Solenn Heussaff sa Hongkong. Isa sa mga lugar nga na binisita nila dito ay ang Disneyland na kung saan base sa pinakabagong Instagram post ni Anne ay na-enjoy ng mga anak nila. Sa katunayan para nga daw sa anak ni Anne na si Dahlia ay dream come true ito.
Maliban sa nakilala ni Dahlia ang main characters ng Disney film na si Anna at Elsa ay na-enjoy din nito ang mga Frozen treats na natanggap nila. Makikita nga sa maiksing IG video na ibinahagi Anne na hindi lang si Dahlia kasama ang pinsan niyang si Thylane ang nag-enjoy. Pati nga si Anne ay makikitang happy at enjoy rin sa Frozen experience nilang ito.
View this post on Instagram
“Welcome to the World of Frozen ❄️ A dream come true for Dahlia! For the first time in forever, she got to meet her fave Frozen characters Elsa, Anna and of course Olaf! Plus enjoy the fun-filled rides, yummy treats and food with her besties! Our little girls had a blast!!! Even I enjoyed everything as an adult. 😂✨”
Ito ang sabi pa ni Anne.
Larawan mula sa Instagram video ni Anne Curtis
Solenn at kaniyang pamilya nag-enjoy rin sa Hongkong Disneyland trip nila
Si Solenn sa kaniyang IG account ay nagbahagi rin ng ilang snippets sa naging bakasyon nila sa Hongkong. Maikli man ang caption niya, makikitang hindi lang ang anak niyang si Thylane ang nag-enjoy kung hindi pati narin si Baby Maelys. Ganoon rin sila ng mister niyang si Nico Bolzico.
“Best days.”
Ito ang caption ng post ni Solenn tungkol sa pamamasyal nila sa Hongkong Disneyland.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!