Isang kilalang aktres at host si Anne Curtis ngunit bukod dito, siya rin ay isang proud mommy ng kaniyang daughter na si Dahlia Amelie.
Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- Anne Curtis shows her daughter’s prowess in different languages
- Pagpapalaki ni Anne Curtis sa kaniyang daughter
Anne Curtis shows her daughter’s prowess in different languages and dialect
Makikita sa Instagram post ni Anne Curtis ang video ng kaniyang daughter na si Dahlia Amelie na nagbibilang gamit ang iba’t ibang wika. Nagbibilang si Dahlia Amelie mula isa hanggang sampu sa wikang Ilocano, French at English.
Sa unang bahagi ay sinabihan ni Anne ang anak na magbilang sa wikang Ilokano, sa pamamagitan ng paglilipat ng laruang hugis diamond ang paraan ni Dahlia para makapagbilang. Agad namang sumunod si Dahlia at pinamalas ang kaniyang galing sa pagsasalita ng Ilocano.
“Maysa, duwa, tallo, uppat, lima, innem, pito, walo, siam, sangapulo…”
Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis
Matapos ng pagbibilang gamit ang wikang Ilokano, muli pang nagbilang si Dahlia Amelie ngunit sa pagkakataong ito, wikang Pranses ang kaniyang ginamit.
Matapos magbilang gamit ang dalawang wikang nabanggit, muling nagbilang si Dahlia Amelie ng isa hanggang sampu gamit ang wikang Ingles.
View this post on Instagram
Binigyang caption ni Anne Curtis ang kaniyang Instagram post ng pagsasabi ng mahal kita sa wikang Ilokano, French at English.
“Another day, another tutu dress and some counting… Ay ayaten ka/Je t’aime/Mahal kita/I LOVE YOU!”
Ang Instagram post din na ito ni Anne ay umani ng maraming komento mula sa mga tagasuporta at maging kapwa artista. Ang ilan sa mga komento ay paghanga at pagkawili kay Dahlia.
Nagkomento naman ng mga puso sina Tim Yap at Danica Pingris. Bumilib din sina Mark Bautista at kapatid ni Anne na si Jasmin Curtis-Smith.
Mark Bautista: Ang smart
Jasmine Curtis-Smith: I MISS YOU TOO MUCH
Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis
Pagpapalaki ni Anne kay Dahlia
Sa pag-guest ni Anne Curtis sa kumustahan with Tito Boy napag-usapan ang kaniyang pagpapalaki kay Dahlia. Sa unang bahagi ng pag-uusap, tinanong ni Tito Boy si Anne kung kumusta ang kaniyang journey sa motherhood.
“Wow, it’s been amazing so far. You know, becoming a mother has been the most, I can’t even put it into words, how fulfilling it is for me to take on this new chapter in my life as a mother to Dahlia.”
Ayon din kay Anne, ang lahat ay nagbabago pero sa mabuting paraan. Maraming magagandang bagay ang nangyayari. Ang lahat ay fulfilling at makikita mo rin ang sarili na naggo-grow.
Tinanong din ni Tito Boy si Anne kung ano ang mga importanteng pagbabago na nangyari noong mga nakaraan, maging kung nagustuhan ba ito ni Anne. Ayon sa aktres, noong una ay may doubts siya kung okay sa kaniya na pansamantalang huminto sa showbiz.
“I am such a workaholic. I love, you know always on the go, I’m on ‘Showtime’, I’m doing mall shows, I’m doing films, I’m doing concerts. And then all of a sudden, quiet.”
Pinuri at sinabi rin ni Tito Boy na gusto niya ang pangalan ng anak ni Anne. Bukod dito, tinanong din niya kung bakit Dahlia ang ipinangalan ni Anne sa kaniyang anak.
“Aside from it being such a beautiful flower and it being hardworking, that’s what it means and represents. My first ever role in the industry of entertainment was Magic Kingdom… and my character’s name was Princess Dahlia.”
Pagbabahagi pa ni Anne, pinag-uusapan nila ni Erwan ang mga pangalan na kanilang gusto at Dahlia ang pinakanagustuhan. Tinanong din sa aktres kung gaano ka-challenging ang pagpapalaki niya sa isang baby sa gitna ng pandemya.
“It’s tough in a sense that how you envisioned it to be, how you know, things you would do, how you planned it, that was all taken away from you. Maraming naging bago but if you try to look at the silver lining of it, is you get to value the time that you have to be at home and that quality time.”
Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis
Ibinahagi rin ni Anne ang kaniyang biggest challenge, gaya nang nasa Australia sila at ang kaniyang daddy at kapatid, maging ang pamilya ni Erwan ay nasa Pilipinas. Aniya, namiss-out ng mga ito ang halos isang taon ng anak dahil na rin sa mga lockdown.
Nang buksan ni Tito Boy ang usapan ukol sa unang beses na makita ni Anne ang anak, agad na tugon ni Anne ay kung gusto ba nitong umiyak siyang muli.
“You don’t forget it… When the baby is putting your arms na you look at your child, grabe talaga. All the pain na nararamdaman mo, it disappears and you’re just in this cocoon of love.”
Pagdating sa usapang breastfeeding, sinabi ni Anne na “I just always knew that I wanted to try it and I wanted to do it.”
Dagdag pa niya, hindi lang siya handa kung gaano ito kasakit pero gusto niya itong gawin para kay Dahlia. Aniya, ang breastfeeding ay ang tingin niyang best para sa anak.
“Grabe kasi yung connection first and foremost, that connection that you have, those tender moments and touch. And of course the benefits of breastmilk.”
“It really really helps with their nutrition, their immunity. Ang galing kasi mag-adopt ng breastmilk ng mother kung ano yung kinakailangan ng baby.”
Sinabi rin ni Anne na marami siyang taranta moments, gaya tuwing nagkakasakit ang kaniyang anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!