Malaki ang magiging papel ng parents sa pagtuturo ng magiging first language para kay baby. Tanong tuloy ng marami, ano nga ba ang unang dapat ituro? English o Filipino? Sasagutin natin ‘yan kasama ang opinyon ng ibang parents sa artikulong ito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Reaksyon ng mga mommies kung ano ang dapat first language para kay baby
- Ano nga ba ang sagot naman ng mga eksperto ukol sa usapin na ito?
Reaksyon ng mga mommies kung ano ang dapat first language para kay baby
Ano nga ba ang dapat na first language para kay baby? English o Filipino?
Sa bahay unang nagsisimula ang mga natutunan ni baby. Kaya nga malaki ang gampanin ng parents upang matuto siya sa maraming bagay. Unang-una na diyan syempre ang kaniyang aaraling first language. Maraming parents tuloy ang curious kung ano nga ba ang dapat nilang ituro sa kanilang little ones.
Hati ang naging opinyon ng The Asian Parent community sa katanungang ito. Narito ang ilan sa kanilang mga sagot:
“I wanted them to learn English first because I’m pretty sure they’ll grasp Filipino language really quick once they start to converse with other people outside of the house. Most probably, people outside will initially talk to them in the native language. But to my surprise, they learned the two languages simultaneously. I realized, they just need someone who talks in English and another who talks in Filipino in the house everyday for them to be able to learn and practice each language. “
“Filipino. I think that English can be taught in school so that can come later. Filipino, however, is our form of communication, well at least in my community. So I think it is more important for my child to learn Filipino first in order to socialize.”
“We taught our children to learn the English language first. I can see how beneficial it is for the child now that he’ll be going to school. It’s much easier to grasp the Filipino language as he grows up since most of the people outside the house are speaking the language.”
“Tagalog and our local dialect. Kasi ngayon, ang mga bata puro English na. Like mga pamangkin ko, 7 years old na pero hirap mag-Tagalog and mababa grades sa Filipino. Ang English matutunan naman nila lalo na sa media and school. Mas mabilis kasi maka-adapt ang mga bata sa language kaysa ‘pag adult na sila.”
BASAHIN:
When do babies start cooing? 7 tips to encourage your newborn’s language milestone
STUDY: Gustong gumaling sa language ang anak? Ito raw ang dapat gawin
Does speaking two languages at home cause speech delay in toddlers?
Sagot naman ng mga eksperto ukol sa usaping first language
Larawan mula sa Pexels
Wika ang pangunahing magiging tulay ng bata upang matuto. Ito kasi ang ginagamit nila upang magkaroon ng komunikasyon at malaman ang iba’t ibang mga bagay sa paligid. Ayon sa mga eksperto, ang unang wika raw na dapat daw itinuturo lalo sa mga bata ay ang kanilang native language.
Para sa mga bilingual na bata, mas nagiging problema ang pagkawala o pagkatuto ng kanilang native language. Maraming factors kung bakit ito madalas nawawala sa pang-araw-araw nilang gawain, kasama na diyan ang social pressure at pagkakaroon ng dominant culture sa loob ng tahanan. Parents ang pangunahing susi upang mapanatali pa rin nila ang dalawang wika.
Naniniwala ang mga eksperto na mas ikabubuti ng mga bata kung ang unang wika na ituturo sa kanila ay ang native language dahil sa kaliwa’t kanang benepisyo nito sa kanyang pagkatuto.
Ang ilan sa maaaring benefits ng pagtuturo sa native language ay ang sumusunod:
- Nagkakaroon ng stronger bond at engagement ang pamilya sa isa’t isa dahil mas intimate ang pag-uusap.
- Napayayaman ang vocabulary hindi lamang ng bata kundi ng mga parent dahilan upang mas maraming matutunan pang words ang mga bata.
- Napauunlad ang culture at arts ng sariling bansa dahil sa pagtangkilik mismo ng sariling heritage.
- Mas made-develop ang kanyang cognitive abilities.
- Mas uunlad din ang kanyang communication skills dahil ang nasa paligid niya ay halos nagsasalita sa native language.
Bagaman ito ang sabi ng eksperto, maaari pa rin naman ituro ang second language sa inyong baby.
Para sa simpleng guide kung kailan nga ba dapat simulan ang pagtuturo ng pangalawa nilang wika, maaaring sundan ang mga sumusunod:
Larawan mula sa Pexels
- 0 to one year old – Simulan kaagad ang pagtuturo ng language sa kanila kahit pa sanggol pa lang dahil madali nila itong ma-absorb. Kahit pa wala silang kakayahang mag-reply pa sa mga salitang sinasabi mo, mahalagang naririnig na nila ito. Maaaring subukang kantahan sila ng lullabies o kaya ay nursery rhymes na nasa native language na Filipino.
- One year to three years old – Sa panahong ito maaari nang mag-share sa kanila ng ilang stories na both English at Filipino. Maaari na ring papiliin ang bata sa mga bagay-bagay upang umunlad ang kanilang vocabulary at communication skills.
- Three to five years old – Sa panahong ito nagkakaroon na ng confusion ang bata lalo kung bilingual sila. Maganda na iko-correct mo sila nang malumanay upang malaman nila ang tama at mali. Maaari na ring ituro sa kanila ang iba’t ibang descriptors ng mga salita para makatulong na unti-unting umunlad ang kanilang pagkatuto sa language.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!