Paano lumawak ang bokabularyo ng bata? Ito umano ang maaring gawin ayon sa isang pag-aaral na siguradong magpapalusog at magpapalakas rin ng katawan niya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Exercise ang isang paraan kung paano lumawak ang bokabularyo ng bata.
- Mga klase ng exercise na maaring ipagawa sa iyong anak.
Paano lumawak ang bokabularyo ng bata?
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
Ito ba ang nais mong malaman para sa iyong anak? Malamang ay inaakala mo ang pagbili ng maraming libro ang sagot dito. Bagamat ito ay nakakatulong, may isang paraan na maaaring gawin para lumawak ang bokabularyo ng bata ng hindi gumagastos. Ano ito? Ito ay sa pamamagitan ng pag-iehesisyo na siyang natuklasan ng isang pag-aaral.
Ang pag-aaral na nakatuklas nito ay isinagawa ng mga researchers mula sa University of Delaware sa Newark, USA. Ayon sa pag-aaral, ang pag-i-exercise ay nakakatulong para ma-boost ang vocabulary growth ng isang bata.
Ito ay natuklasan ng mga researchers matapos tingnan kung paano lalawak ang bokabularyo ng mga batang edad 6-12 taon matapos gumawa ng tatlong bagay.
Ito ay ang pag-swiswimming, pakikibahagi sa CrossFit exercises at pag-kukulay sa isang coloring sheet. Doon nga nila natuklasan na ang mga batang sumailalim sa swimming exercise ay naging 13% accurate sa kanilang vocabulary.
Swimming at iba bang aerobic exercises ang daan!
Paliwanag ng lead researcher na si Maddy Pruitt, ito ay possible sapagkat ang paggawa ng motor movement ay nakakatulong para makapag-encode ng mga bagong salita ang isang bata.
Maliban dito, nakakatulong din umano ang pag-iexercise para tumaas ang level ng brain-derived neurotrophic factor protein sa utak na tinatawag ring “Miracle-Gro of the brain.” Ito ay mahalaga para sa pag-fertilize ng brain cells para sa maayos nilang function at development.
Si Pruitt ay isang former college swimmer at kasalukuyang speech language pathologist sa isang elementary school sa South Carolina, USA.
Ang pag-aaral ay ginawa niya kasama si Giovanna Morini na assistant professor sa Department of Communication Sciences and Disorders sa University of Delaware. Ang kanilang pag-aaral ay inilathala sa Journal of Speech Language and Hearing Research.
Ayon sa kanila, ang kanilang findings makakatulong sa mga caregivers at educators sa kung paano matuturuan ang mga bata habang sinisigurong healthy ang katawan nila.
“We were so excited about this study because it applies to clinicians, caregivers and educators who can put it into practice. It’s simple stuff, nothing out of the ordinary. But it could really help boost the outcomes.”
Ito ang pahayag ni Morini.
Water photo created by jcomp – www.freepik.com
BASAHIN:
STUDY: Gustong tumalino ang anak? Gawin itong exercise na ito
8 brain exercises na pampatalino
7 reasons why you should introduce exercise to your kids early on
Mga exercises na makakatulong sa physical at language development ng bata
Pero hindi lang swimming ang maaring gawin o paraan kung paano lumawak ang bokabularyo ng bata. Kahit anong aerobic exercises ay sinasabing makakatulong para sa language at vocabulary development niya.
Maliban nga rito ay may maganda rin itong epekto sa kaniyang pangangatawan tulad ng mga sumusunod:
- Mas fit na heart at lungs.
- Mababang level ng body fats.
- Mas malakas ng buto at muscles.
- Nakakabawas ng sintomas ng depression.
- Sila ay mas lumalaki ng mas malusog at walang malalang sakit.
Ang mga exercise na maaaring ipagawa sa iyong anak na makakatulong sa kaniyang vocabulary at physical development ay ang sumusunod:
Aerobic activities para sa batang edad 6-9 taong gulang
People photo created by prostooleh – www.freepik.com
- Larong may takbuhan at habulan tulad ng mataya-taya.
- Hiking
- Jumping rope
- Karate
- Pag-bibisikleta
- Rollerblading
- Running o pagtakbo
- Skateboarding
- Mga sports tulad ng hockey, basketball, swimming, o gymnastics
- Walking o paglalakas
Aerobic activities para sa batang edad 10-12 taong gulang
- Canoeing o kayaking
- Cheerleading
- Dancing
- Larong may takbuhan at habulan tulad ng mataya-taya.
- Gymnastics
- Hiking
- Mga gawaing bahay o mga task sa bakuran tulad ng pagwawalis.
- Ice skating
- Jumping rope
- Karate
- Riding a bicycle o pag-bibisekleta
- Rollerblading
- Running o pagtakbo
- Skateboarding
- Skiing o snowboarding
- Mga sports tulad ng baseball, softball, basketball, soccer, tennis, hockey, o swimming
- Walking o paglalakad-lakad
Ipinapayong ang mga bata ay dapat gumagawa ng 60 minutes o higit pang physical activity sa kada araw. Mas mabuti kung ang 60 minutes na ito ay binubuo ng mga aerobic exercises tulad ng mga nabanggit.
Kung masyado namang mapuwersa o vigorous ang aerobic activity na ginagawa ng bata, ito ay dapat gawin niya ng hindi bababa sa tatlong araw kada linggo.
Masasabing vigorous ang isang exercise na ginagawa ng bata kung siya ay nahihirapang huminga ng normal. Moderate namang maituturing ang aerobic exercise na kaniyang ginawa kung ang kaniyang puso ay tumitibok ng mas mabilis kumpara sa normal.
Source:
Standford Children, Science Daily
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!