X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Gustong tumalino ang anak? Gawin itong exercise na ito

5 min read
STUDY: Gustong tumalino ang anak? Gawin itong exercise na itoSTUDY: Gustong tumalino ang anak? Gawin itong exercise na ito

Ayon sa isang pag-aaral, may koneksyon ang exercise sa pagiging matalino ng isang bata. Totoo kaya ito? Alamin ang kahalagahan ng ehersisyo sa mga bata.

Alam mo ba ng ang pag-eexercise ay nakakatulong para tumalino ang iyong anak? Alamin dito ang kahalagahan ng ehersisyo sa mga bata.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang bagong pag-aaral na nagpapatunay ng koneksyon ng pag-eehersisyo sa brain development ng isang bata.
  • Kahalagahan ng ehersisyo sa mga bata – napakaraming benepisyo
  • Mga ehersisyo na maaari niyong gawin ng iyong anak

Bilang magulang, nais nating lumaking malakas, malusog at matalino ang ating anak.

Binibigyan natin sila ng masusustansyang pagkain, mga bitamina, at maging mga laruan at libro para masigurong napapalakas natin ang kanilang katawan at isipan.

Subalit mayroong isang bagay na madalas nating makaligtaan na makakatulong sa ating anak, lalo na sa panahon ngayon – ang pag-eehersisyo.

Maraming naitutulong sa mabilis at maayos na paglaki ng ating anak ang regular na pag-eehersisyo, hindi lang sa kanilang pangangatawan kundi pati na rin sa kanilang pag-iisip.

Kahalagahan ng ehersisyo sa mga bata – ang bagong pag-aaral

Marami nang mga pag-aaral na lumabas  noon na nag-uugnay sa pag-eehersisyo sa brain development o pagiging matalino ng isang bata. Pero karamihan sa mga naunang pag-aaral na iyon ay patungkol sa mga batang may edad na 6 pataas.

Subalit kamakailan lang ay may lumabas na bagong pag-aaral na nagpapatibay ng kahalagahan ng ehersisyo sa mga bata.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakasentro ang pag-aaral na ito sa mga batang may edad na 4 hanggang 6.

kalahalagahan ng ehersisyo sa mga bata

Larawan mula sa iStock

Paano isinagawa ang pag-aaral na ito?

Ang mga bata ay sumailalim sa isang timed test kung saan sila ay gumagawa ng isang cardio respiratory fitness activity, pagkatapos ay binigyan ng mga kasunod na pagsusulit na sumusukat sa kanilang brain function.

Napansin sa resulta na ang mga bata na mas matagal ang nagawang exercise ay nakakuha ng mas matataas na marka sa mga pagsusulit na may kinalaman sa kanilang cognitive function o kakayahang umintindi.

“Preschool children with higher estimated cardiorespiratory fitness had higher scores on academic ability tasks related to general intellectual abilities as well as their use of expressive language,” ayon kay Shelby Keye, na siyang nanguna ng pag-aaral na ito.

Pinatibay nito ang mga dating pag-aaral na nag-uugnay sa ehersisyo sa brain development ng isang bata, at ipinakita na totoo ito maging sa mga maliliit na batang nasa preschool age.

Iba pang benepisyo ng pag-eehersisyo sa mga bata

Bata man o matanda ay pinapayuhan na mag-exercise. Ito ay dahil marami itong magandang maidudulot sa ating katawan.

Ito ay lalo pang nakatutulong sa mga bata, na nagde-develop pa lang ang katawan at isipan.

Ayon sa mga pag-aaral, narito ang ilang mabubuting epekto ng ehersisyo sa mga bata:

  • Lumalakas ang pangangatawan

Ang regular exercise ay makakatulong sa paglakas ng buto, baga at puso ng mga bata. Pinagaganda rin nito ang ating blood flow na kailangan para gumana ng maayos ang lahat ng bahagi ng ating katawan, lalong lalo na ang ating utak.

Ang pag-eehersisyo habang bata ay makakatulong din para maiwasan nila ang mga sakit tulad ng high blood, sakit sa puso at diabetes sa kanilang pagtanda.

  •  Mas mataas na attention span

Lagi bang nakatulala at parang lumilipad ang isip ng iyong anak? Subukang dagdagan ang kanyang ehersisyo at makikita mo na mas magiging alerto siya at makakapag-focus sa kaniyang mga gawain.

kalahalagahan ng ehersisyo sa mga bata

Larawan mula sa iStock

  • Mas magandang mood

Kapag ang isang tao ay nag-e-exercise, naglalabas ang utak ng cortisol, isang chemical na lumalaban sa stress at nakakasamang epekto nito. Dahil rito, nagiging mas masigla at masayahin ang isang bata kapag siya ay nag-eehersisyo.

  • Mas mahimbing na tulog

Nagtataka ka ba kung bakit pinapagod sa laro ang isang bata para makatulog?

Ang regular na pag-e-exercise ay nakakatulong din para mas mabilis makatulog ang mga bata. Gayundin, mas mahimbing ang tulog ng mga batang nag-eehersisyo.

Partner Stories
Suzuki Philippines Unveils The All-New XL7 and S-Presso
Suzuki Philippines Unveils The All-New XL7 and S-Presso
Which shoes fit your child's personality? Choose a pair at The Playground Store!
Which shoes fit your child's personality? Choose a pair at The Playground Store!
Work and Parenthood as Told by Lazada’s Ray Alimurung
Work and Parenthood as Told by Lazada’s Ray Alimurung
Are you at risk of overparenting your child?
Are you at risk of overparenting your child?

Isang epekto ng magandang tulog at sapat na pahinga ay pagkakaroon ng mas mataas na memorya.

BASAHIN:

10 steps para mas maagang mapatulog ang bata

Pampatangkad na ehersisyo na makakatulong sa iyong anak

7 reasons why you should introduce exercise to your kids early on

Pag-eehersisyo ng mga bata – gaano kadalas?

Para sa matatanda at mga batang may edad 6 pataas, kailangan ng hindi bababa sa 60 minuto ng physical activity sa isang araw.

Para naman sa mga batang may edad na 2 hanggang 6, kailangan ng hindi bababa sa 30 minuto ng exercise sa isang araw, at 60 minuto ng free-play kung saan malaya silang maglaro at magkikikilos.

Ang anak mo ba ang hindi mapakali na parang kitikiti? Hayaan mo lang. Importante ang paggalaw sa mga bata. Hindi dapat sila maging sedentary ng higit sa isang oras puwera na lang kapag natutulog.

Kaya kung isang oras nang nakatitig sa gadget ang iyong anak, kailangan mo na siyang hikayatin na tumayo at gumalaw-galaw.

Mga ehersisyong maaari niyong gawin

 

kahalagahan ng ehersisyo sa mga bata

Larawan mula sa iStock

Ayon sa pag-aaral, ang paggawa ng cardiorespiratory activities ay nakakatulong na maging matalino ang iyong anak.

Ang cardiorespiratory exercises ay mga uri ng ehersisyo na nagpapabilis ng tibok ng puso at pagdaloy ng dugo sa ating katawan.

Narito ang ilan sa mga cardiorespiratory activities na pwedeng gawin ng mga bata:

  • Pagsasayaw
  • Walking o pagtakbo
  • Pag-akyat ng hagdan
  • Paglalaro sa playground (kung may malapit at ligtas na palaruan)
  • Mga sports tulad ng basketball o soccer (pag-dribble, pagsipa o pagsalo ng bola)
  • Jumping rope o jumping jacks
  • Pagbibisikleta
  • Swimming

Sa panahon ngayon, isa sa mga hamon sa ating mga magulang ay kung paano natin maeengganyo ang ating anak na mag-ehersisyo sa kabila ng mga limitasyon (sa lugar) at sa kanilang pagkahumaling sa gadgets.

Ang solusyon – gawin itong masaya para sa kanila. Huwag silang pilitin at sa halip, gawin itong parang laro.

Pwede namang mag-exercise sa loob ng bahay. Pwede maglaro ng habulan sa inyong bakuran, o sumunod sa isang dance tutorial sa YouTube. Siguruhin lang na walang mga balakid sa inyong paglalaro para makaiwas sa mga aksidente.

Samahan mo rin ang iyong anak sa pag-eehersisyo. Hindi mo lang siya matutulungang maging malakas at matalino, makakapag-bonding pa ang buong pamilya.

 

Source:

Science Daily, Kids Health, Brain Forest, Very Well Family, Stanford Children, WebMD

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Eusebio

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Bata
  • /
  • STUDY: Gustong tumalino ang anak? Gawin itong exercise na ito
Share:
  • Ehersisyo sa buntis: Paano mag-exercise sa bawat trimester ng pagbubuntis?

    Ehersisyo sa buntis: Paano mag-exercise sa bawat trimester ng pagbubuntis?

  • Gustong lumaking matalino ang bata? Importante ang mga itinuturo sa baby hanggang 5 years old, ayon sa study

    Gustong lumaking matalino ang bata? Importante ang mga itinuturo sa baby hanggang 5 years old, ayon sa study

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

app info
get app banner
  • Ehersisyo sa buntis: Paano mag-exercise sa bawat trimester ng pagbubuntis?

    Ehersisyo sa buntis: Paano mag-exercise sa bawat trimester ng pagbubuntis?

  • Gustong lumaking matalino ang bata? Importante ang mga itinuturo sa baby hanggang 5 years old, ayon sa study

    Gustong lumaking matalino ang bata? Importante ang mga itinuturo sa baby hanggang 5 years old, ayon sa study

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.