Inaprubahan na ng Senate panel ang panukalang batas ukol sa pagkakaroon ng divorce in the Philippines. Ano nga ba ang pagkakaiba ng divorce vs annulment sa Pilipinas? Alamin dito!
Divorce bill in the Philippines approved
September 19, 2023 nang tuluyan na ngang aprubahan ang Senate Bill No. 2443 o kilala rin sa tawag na “Dissolution of Marriage Act” na siyang nagpapalawak sa grounds ng dissolution ng marriage sa Pilipinas.
Divorce bill in the Philippines approved: Aprubado na sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang Divorce bill.
Ayon sa Divorce bill, maaaring magproseso ng judicial decree of absolute divorce ang mag-asawa o isa man sa kanila sa ilalim ng mga sumusunod na grounds for divorce:
- Kung 5 years nang separated ang mag-asawa continuous man o broken kahit na walang judicial decree of separation.
- Legally separated ang mag-asawa sa pamamagitan ng judicial decree sa ilalim ng Article 55 ng Family Code of the Philippines, dalawang taon mula nang i-issue ang decree ng legal separation.
- Kung nakararanas ang isa ng violence o pananakit at ano mang abusive conduct.
- Final decree of absolute divorce na in-obtain sa foreign jurisdiction ng Filipino citizen kahit kanino pa man ito ikinasal.
- Kung ang relasyon ay hindi na talaga maaayos o ayon sa batas ay “irreconcilable marital differences o irreparable breakdown of marriage.”
- Kapag mayroon na kayong marriage annulment o dissolution na authorized ng simbahan o religious entity. O kaya naman termination ng marriage na authorized ng custom and practices na tradisyonal na kinikilala, tinatanggap at isinasagawa ng indigenous cultural community (ICC) o indigenous peoples (IPs) na kinabibilangan ng isa o parehong mag-asawa.
Hindi tinitingnang grounds for divorce ang homosexuality maliban na lamang kung nag-commit ng infidelity o nangaliwa ang iyong asawa.
Annulment vs Divorce: Ano ang pagkakaiba?
Ngayon na ang divorce bill ay opisyal nang inaprubahan ng Senado ng Pilipinas, maraming tanong (at opinyon) ang mga tao. Ano nga ba ang pinagkaiba ng annulment vs divorce sa Pilipinas? At bakit ito kailangan kung maaari namang maghiwalay ano pa man ang batas?
Talakayin muna natin ang divorce
Ang divorce ay isang legal na utos na tumatapos sa kasal bago ang kamatayan ng kahit sino sa mag-asawa. Sa divorce court proceeding, isinasaayos ng korte ang mga sumusunod na issue:
- Kustodiya ng mga anak
- Paghahati ng mga pagmamay-ari
- Pagbibigay ng sustento
Matapos mapabisa ang divorce, ang parehong panig ay hindi na legal na nakatali sa isa’t isa. Sila ay malaya nang muling makakapagpakasal o magsimula ng domestic partnership sa iba.
Annulment vs divorce | Image from iStock
Pinagkaiba ng annulment vs divorce sa Pilipinas
Ang divorce ay kinikilala at tinatapos ang isang legal at may bisang kasal. Samantala, ang annulment, kapag na bigay na, ay hindi na kinikilala ang dating pagsasama dahil natuklasan ng korte na hindi ito wasto sa simula pa lamang.
Para sa mga pinag-iisipan ang annulment, aming uulitin: Ang annulment ng kasal ay ang legal na utos na nagdedeklarang ang isang pagsasama ay walang bisa. Ibinibigay ng korte ang annulment sa mga mag-asawa kung ang kanilang pagsasama ay hindi wasto mula pa nung umpisa.
Pareho ang kahihinatnan ng dalawa: ang paghihiwalay ng mag-asawa. Parehong partido ay magiging single at maaaring lumahok sa domestic partnership sa kung sinong mang tao.
Sa parehong kaso, ang korte ang makakapagsabi sa mga mga issue na nauugnay sa kustodiya ng mga anak, child support, sustento, at ang paghahati ng mga pagmamay-ari.
Lalong kilalanin ang divorce
Ipagpalagay na legal na mapagpipilian sa Pilipinas ang divorce at annulment, mahalagang malaman kung bakit ikukunsidera ang divorce imbes na annulment. Partikular, ang divorce ay maaaring may pakinabang kung:
- May mga anak. Ibig sabihin ng annulment ay walang pagsasamang naganap. Dahil dito, ang mga issue tulad ng kustodiya at sustento ay hindi napapabilang sa annulment proceedings. Ang tingin ng batas na walang kasal na nangyari matapos isatupad ang annulment ay maaaring maka-apekto sa child custody and support proceedings.
- May mga pagmamay-ari na paghahatian. Katulad din, ang paghahati ng pagmamay-ari ay hindi issue sa annulment. Ngunit ang katotohanan na hindi naganap ang kasal sa mata ng batas ay makaka-apekto sa paghahati ng mga ari-arian sa legal proceedings.
- Hindi ka kwalipikado para sa annulment. Sa ganitong kaso, ang proseso ng annulment ay maaaring maging masmagastos kumpara sa divorce.
Annulment vs divorce | Image from Unsplash
Pinansiyal na pinagkaiba ng divorce vs annulment sa Pilipinas
Pagdating sa pinansiyal, malakin ang pinagkaiba ng dalawa.
Ang marital property ay kadalasang hinahati nang pantay ayon sa tingin ng hukom pagdating sa divorce (kung walang tamang prenuptial agreement). Ano mang assets o debts ang nakuha habang mag-asawa pa ay kinikilalang marital property, ngunit ang batas sa kung paano ito hahatiin ay nagbabago depende sa kung saan magdi-divorce sa mundo.
Kapag ang kasal ay ma-annull, ang korte ay kadalasang ibabalik ang parehong partido sa orihinal na pinansiyal na kalagayan bago pa maging mag-asawa. Ibig nitong sabihin ay kung ano ang ibibigay mo sa pagsasama ay mawawala kapag napawalang bisa na ang kasal.
Best interests
Kung ang dating mag-asawa ay nakakuha ng mga shared assets bago ang annulment, maaaring maging kumplikado ang sitwasyon. Ang paghahati ng pagmamay-ari ay inaayos na parang dalawang hindi magkakilala ang bumili nito. Kung may mga anak na kasama, ang child support at pagkakasundo sa kustodiya ay inaayos tulad ng sa divorce.
Kung ang ikaw ay mas mababa ang kakayahang pinansiyal kumpara sa asawa, makakabuting mag-file ng divorce. At kung mas marami ang pag-aari at kayang patunayan na hindi dapat nangyari nag pagsasama, ang pag-file para sa annulment ay makakatulong bawasan ang paggastos (lalo na sa sustento sa asawa).
Ang annulment din ay makakatulong sa isang partner na maka-iwas sa pananagutan sa utang ng partner. Makipag-usap sa divorce attorney tungkol sa tiyak na pangyayari sa inyong pagsasama upang malaman kung ano sa dalawa ang masmakakabuti sa iyo.
Ang grounds para makamit ang annulment
Ang grounds para sa annulment ay nag-iiba depende sa lugar, ngunit ang pag-hihiwalay ng mag-asawa ay kadalasang nakakamit mula sa isa sa mga sumusunod na rason:
At ang pagsasama ay…
- incestuous
- bigamous
- naganap nang ang isa o pareho sa mag-asawa ay wala pa sa tamang gulang (walang pahintulot ng magulang sa ilang kaso)
- naganap nang ang isa o pareho sa mag-asawa ay kasal na o nasa rehistradong domestic partnership
- resulta ng sapilitan (pananakot, hindi nararapat na impluwensiya), panloloko, o kawalan ng kakayahang pisikal o mental (kabaliwan)
- naganap nang ang isa o pareho sa mag-asawa ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alkohol o droga
- naganap nang ang isa o pareho sa mag-asawa ay may STDs o, sa kaso ng lalaki, impotent
Mga detalye ng divorce vs annulment sa Pilipinas
Kahit pa ang divorce ay hindi pa pinapapahintulutan sa Pilipinas, may ilang pangyayari kung saan ang mag-asawa na nagpa-divorce sa ibang bansa (mula sa dayuhang asawa o dating Filipino citizens) ay kinikilala ng batas ng Pilipinas. Maaaring magbasa tungkol sa divorce sa ibang bansa dito.
Kung nasa ibang bansa, maaaring mag-file ng petisyon para sa annulment o declaration of absolute nullity of marriage. Kinikilala ito ng batas.
Ganunpaman, ang pagpapakasal sa bansa kung saan pinapayagan ang divorce ay walang pinagkaiba. Ang mga Pilipino ay nasasakupan ng pagbabawal sa divorce base sa “nationality principle,” kahit pa sila ay kasal. May mga diskusyon sa divorce na nauugnay sa Overseas Filipino Workers dito.
Annulment vs divorce | Image from Freepik
Isulat sa papel
Para sa iba, kahit pa ang pag-aasawa ay walang bisa simula pa lamang, kailangan parin ng utos ng korte na magpapatunay nito para muling magpakasal. Bakit? Dahil ang pagpasok sa kasunod na pag-aasawa nang walang deklarasyon ng korte ay nangangahulugang
(a) ang kasunod na pagpapakasal ay walang bisa/illegal at na
(b) ang parehong partido ay posibleng makasuhan ng bigamy.
Maaaring isipin ng ilan na makakalaya sila sa pagsasama dahil sa kawalan ng marriage certificate. Ganunpaman, may nasabi si Justice Sempio-Dy tungkol dito sa Family Code of the Philippines.
“Ang marriage certificate ay hindi mahalaga o pormal na pangangailangan sa pagsasama na kung wala ay walang bisa ang kasal.
Ang napagusapan na pag-aasaawa ay may bisa, at ang hindi pagpirma sa marriage certificate o ang omisyon ng solemnizing officer na magpadala ng kopya ng marriage certificate sa tamang local civil registrar, ay hindi nagpapawalang bisa sa pagsasama.
“Isa pa, ang katotohanan na walang makuhang record ng pag-aasawa, ay hindi nagpapawalang bisa sa kasal kahit pa kumpleto ang requirements para bisa nito kasalukuyan.”
Lalong kilalanin ang divorce at annulment sa Pilipinas
Kung napapaisip parin tungjol sa divorce at annulment sa Pilipinas, maaaring tignan ang basics ng batas sa pamamagitan ng pagpunta sa link: Divorce and Annulment in the Philippines (Laws).
Kung may mga tanong pagdating sa legal na paghihiwalay, divorce at annulment sa Pilipinas, maaaring basahin ang tanong ng iba at ang sagot ng law professional sa mga sumusunod na thread:
Kadalasang mga tanong tungkol sa Divorce, Annulment, and Legal Separation in the Philippines.
Updates by Jobelle Macayan
BASAHIN:
Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!